Part 1 - Timeless

596 17 5
                                    

'Love conquers all. Loving is a hurt thing to do, but it also can be your happiness. Happy ending do exist. It happens when you meet that 'one' in heaven..'

--

"Chanwoo-yah! Tara dito!" sigaw ni Ria kay Chanwoo.

Silang tatlo ay kasalukuyang nasa rooftop. Nakaupo silang dalawa ni Yunhyeong sa isang sofa habang nakatingin sa eroplanong kadadaan lang sa langit. Maya maya dumating si Chanwoo at pumagitna sa kanilang dalawa. Napangiwi nalang si Yunhyeong sa inasal ni Chanwoo.

'Panira ka naman ng moment Chanwoo' bulong niya sa kanyang isip

"Punta tayo mamaya sa may train station ah" biglang sabi ni Ria

"Huh? Ano namang gagawin natin dun?" takang tanong ni Chanwoo

"Wala. Diba doon tayo naglalaro nung mga bata pa tayo. Nakabrief ka pa nga lang nun eh" natatawang sabi ni Ria. Sunod ding tumawa si Yunhyeong

"Hindi ah! Ria-shi..ikaw talaga--" natatawang inawat siya ni Yunhyeong

"Tama na yan. Dapat nga proud kapa kasi nakabrief ka noon" at muli silang nagtawanan ni Ria

"Ikaw Ria-shi... Siguro pinagnanasaan mo na ako noon pa noh?" nanlaki ang mata ni Ria at umiling

"H-hindi noh!" depensa niya

"Eh bakit sa lahat ng pwedeng maalala, yung nakabrief pa ako?" ngumingising tanong ni Chanwoo

"Kasi muka kang ewan noon! Blehh!" tumakbo si Ria pagkasabi niya non at agad siyang hinabol ni Chanwoo. Nagtatakbuhan lang silang dalawa paikot sa sofa kung saan nakaupo si Yunhyeong.

Nakaupo lang siya at pilit na ngumingiti pag napapatingin ang dalawang kaibigan sa kanya. Magkakaibigan na silang tatlo mula pagkabata. Napakalapit nila sa isat isa lalo na si Ria. Matagal niya ng gusto si Ria at hindi niya masabi dahil pakiramdam niya wala siyang pag-asa at baka ikasira pa ng pagkakaibigan nila.

At tingin niya gusto niya si Chanwoo at gusto rin siya nito. Kaya tinitiis niya nalang ang lahat at pilit na itinatago ang nararamdaman

Umupo si Ria at kinuha ang eroplanong papel sa ibabaw ng lamesa at nilaro laro ito. Tumayo si Chanwoo at hinila ang kamay ni Ria at niyayang magskateboard

"Dahan-dahan lang ah..." paalala ni Yunhyeong.

"Okie!" sagot ni Ria. Sumakay siya sa skateboard at nang malalaglag siya nasalo siya ni Chanwoo. Tinitigan niya ito saglit at agad itinulak ng marahan. Tumatawang umiling si Chanwoo.

"Ayan! Hindi kasi nag-iingat!" nakitawa nalang din si Ria.

Tumalikod nalang si Yunhyeong habang nakaupo sa sofa. Ayaw niya sa nakikitang view.. Nang naramdaman niyang tumalbog ang sofa. Umupo pala si Ria.

Nginitian siya nito at kumuha ng isang magazine, ang magazine na kanina pa nito tinitingnan. Mga numero ng pagkuha ng ticket sa eroplano. Napalingon si Ria kay Yunhyeong at ngumiti. Ngumiti ding pabalik si Yunhyeong at pasimpleng umusog para mapalapit kay Ria nang...

"Yaahh!" umupo sa gitna nila si Chanwoo at inakbayan silang dalawa. "Sabi niyo pupunta pa tayong train station?"

"Oo nga pala. Bihis muna tayo!" masayang sabi ni Ria at naunang bumaba sa rooftop nila. Makakabihis din naman sila Chanwoo at Yunhyeong dahil magkakatabi ang apartment nilang tatlo

Bago umalis sinulyapan ni Yunhyeong ang librong tinitingnan niya kanina. Ayaw niyang isipin na may balak umalis si Ria.

AGAD silang pumuntang tatlo sa train station nakatayo lang sila doon at nakasandal sa isang abandonadong tren. Nakamasid lang si Ria sa langit at nakatingin sa dumadaang eroplano

For A Moment (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon