INTRAMS

14.5K 83 4
                                    

Ang karanasang ito ay sa tiya ko noong high school pa siya kasama ang babaeng pinsan niya.

Alas siete na ng gabi ng naglakad sila pauwi galinlg intrams sa lungsod malayo-layo rin ang nilakad nila.

Nasa border na sila ng barangay namin at ng kabilang barangay ng mapansin nilang may sumusunod talagang maliit na apoy sa likuran nila.

Natakot silang dalawa kaya takbuhan na.
Nagtitilian pa sila sa takot.

Nung malapit na sila sa bahay ng pinsan niya ay nakita nilang may naninigarilyo sa balkunahe.Ang akala ay ang papa ito ng pinsan niya.

Aakyat na sana sila sa hagdan ng mapansin nilang ito pala yung sumusunod sa kanila kanina at papunta ito sa kanila.

Takbo na naman sila ngayon sa bahay ni tiya aakyat na sana sila ng hagdan ng inunahan na nanaman sila nito doon rin sa balkunahe.

Nagsisigaw na sila sa takot at patakbong bumaba ng hagdan ng nauna na nanaman ito sa kanila sa pagbaba.

Balik naman sila ngayon sa pagakyat ng hagdan at pinaghahampas at tinutulak ang naka lock na pinto.

Pero walang bumukas ng pinto na tila ba walang nakarinig sa kanila.Binalingan nila ng tingin ang maliit na apoy o ang santilmo papalapit na sa kanila.

Ang ginawa nilang dalwa ay umakyat nalang sila sa dingding para makapasok sa loob.Dahil sa takot di na nila pansin ang taas ng bubung at tumalon sa loob.

Muntik ng mabagsakan ni tiya ang panganay naming kuya na sanggol pa noon.

Galit at gulat na nagtanong si mama kung ano ang nangyari sa kanilang dalwa.

Kinuwento naman nila ang nangyari.Sinabi pa nilang kanina pa sila sumisigaw ng saklolo pero walang nakarinig.

At kaya pala di sila napagbuksan ng pinto dahil ang rinig ng mama ko ay parang may naglalaro lang sa labas at nag titilian sa tuwa.

KARANASAN (true stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon