BANGUNGOT

4.1K 39 3
                                    

Nakalimutan ko na kung anong taon to nangyari basta nasa 2009 or 2010 siguro.

Umaga nakatulog ako,mga 10 yun nung nakaidlip ako.
Nang mahimbing ako bigla nalang napunta ako sa isang lumang bahay na yari sa kawayan.

Ang scene ng lugar ay makaluma rin.Hindi ko alam kung bakit tinatakpan ko ang mga mata ko.

Nakatagilid ang posisyon ko.Nasilip ko sa ilalim ng mga kamay ko na may damit,parang gown na makaluma.

May babae palang nakatabi sa akin sa paghiga nakaharap pa sakin.

Di ko makita mukha niya dahil nakatakip mga kamay ko sa mga mata ko.Pero ayaw ko ring makita kung ano man ang itsura ng katabi ko.

Bigla nalang di ako makagalaw,kaya tinawag ko si mama.

At nagsalita ang babae,sinabing..."WAG KANG MAINGAY."
ang lamig ng boses niya.

Pagkatapos niyang sinabi yun wala ng salitang lumalabas sa bibig ko.At di parin ako makagalaw,kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.

Kaya ang ginawa ko pinilit kong magising.Pumikit ako at binuksan ang mga mata ko pero hindi gumana.

Ginawa ko ulit,pero siya parin ang nakikita ko.Rinig na rinig ko na ang kabog ng puso ko.

Pero di ako nawalan ng pag asa kaya ginawa ko ulit.At salamat sa panginoon nakikita ko na ang divider namin.Gising na'ko.

Pawis na pawis ako at kinakabahan parin.Tumingin ako sa orasan,alas dose na pala ng tanghali?At napansin kong nakatulog ako sa tapat ng kahoy sa bubung ng bahay namin.
Kaya pala.

KARANASAN (true stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon