SMCP: Chapter One

110 1 0
                                    

Julia's POV

" Julia... I love you... Hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng mga nangyari satin mula pa nung simula... Mahal na mahal kita..."

Unti unting naglalapit yung mga muka namin.

Ayan na...

Malapit na...

Konti na lang...

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!!!!!

Ano ba yan -_- Yun na yun eh. Konti na lang! Pero sino kaya yung lalaking yun? Bakit parang andami na naming pinagsamahan base dun sa mga sinabi niya.

Haaaay. Hayaan na nga. Male-late na ko.

Ginawa ko na lahat ng kailangan kong gawin at bumaba na para makakain.

" Good morning manang." bati ko kay manang Lourdes, kasambahay namin.

" Good morning din hija. Kain na." balik na bati niya sakin.

" Sige po." sabi ko naman. Napansin kong wala na yung Mokong na yun kaya tinanong ko si manang.

" Manang, si Jared po?" sabi ko sabay subo nung pagkain. Mukang alam ko na isasagot ni manang.

" Wala na. Maagang pumasok eh." sagot ni manang. Sabi ko na eh. Dapat pala di na ko nagtanong.

Ako nga pala si Julia Smith. 16 years old. Grade 10 student sa Royal High.

Yung Jared na tinutukoy ko kanina ay si Jared Alcantara. Ang Campus Prince sa school namin. At kung nagtataka kayo kung bakit magkasama kami ni Jared sa iisang bahay, yun ay dahil asawa ko siya.

Oo asawa ko siya!

Paano nangyari yun? Simple lang.

Arrange Marriage.

Matalik na magkaibigan kasi ang mommy ko at mommy niya. Fetus pa nga lang ata kami nagkasundo na silang ipakasal kami sa isa't isa.

Lupet noh?

Hindi ako isinasabay ni Jared sa kotse niya sa kadahilanang hindi ko alam. Di ko na nga lang pinapansin eh. Nasanay na ko -_-

Nagpaalam na ko kay manang pagkatapos kong kumain.

" Manang Lourdes, alis na po ako." sabi ko sabay kuha nung bag ko.

" Sige hija. Mag-ingat ka ha?"

" Opo."

Lalabas na sana ko ng pinto ng bigla akong tawagin ni manang

" Ah Julia! Paki bigay mo na nga to kay Jared. Naiwan niya kasi dun sa table kanina." sabi ni manang sabay abot sakin nung cellphone. Kahit kailan talaga napakaburara.

" Sige po. Alis na po ako."

Haaaay... Maglalakad na naman ako papasok. Halos isang taon ko na tong ginagawa kaya medyo nasanay na ko.

Yes isang taon. Isang taon na kaming kasal nung Mokong na yun at isang taon na rin kaming magkasama sa iisang bahay.

Sila mommy naman may gusto nun eh. Kasal na daw kami kaya dapat magkasama na kami sa iisang bahay.

Kung iniisip niyong natutulog kami sa iisang kwarto, pwes magkakamali kayo.

Magkahiwalay kami ng kwarto at siya ang nagsuggest nun. Hindi naman sa gusto ko siyang kasama sa iisang kwarto at katabi matulog sa iisang kama pero para kasing may nakakahawa kong sakit kung layuan niya. Never pa nga kong nakapasok sa kwarto niya simula nung tumira kami dun eh.

Bigla kong napatingin dun sa hawak ko. Yung cellphone nung Mokong na yun.

Pano ko naman kaya ibibigay to sa kanya? Eh hindi nga kami nagpapansinan nun. Bahala na nga!

-------------

Nandito na ko sa harap ng school at hinihintay na lang ang pagdating ng asaw ko. Joke! Asa naman noh!

Hinihintay ko sila Kathryn, Liza at Janella. Mga bestfriends ko.

Dati kasabay ko sila sa pagpasok kasi magkakatabi lang yung mga bahay namin. Kaso nga pinalipat ako ni mommy kaya sila nalang magkakasabay :(

Ang drama ko! Di bagay!

Oh! Ayan na pala sila!

" Julia! Ang aga-aga nakakunot na yang noo mo!" sabi ni Kathryn habang papalapit sila sakin.

" Ang tagal niyo kasi. Kanina pa ko nandito eh." sagot ko naman.

" Si Liza kasi napakabagal kumilos!" naiinis na sabi ni Janella.

" Oh ako na naman!" sigaw ni Liza.

" Tama na baka mag-away pa kayo." awat ko sa kanilang dalawa. Lagi na lang magkaaway eh.

" Alam ko na dahilan kung bakit nakakunot yang noo mo. Hindi ka na naman sinabay ni Jared noh?" sabi ni Liza pagkatapos ko silang awatin.

Sila lang at yung bestfriends ni Mokong ang nakakaalam na kasal na kami. Bukod kasi sa mga relatives namin, sila lang yung iba naming pwedeng mapagkatiwalaan.

" Tss. Wala ng bago dun noh. Ito yung problema ko." sabi ko sabay pakita sa kanila nung cellphone ni Jared.

" Kay Jared yan diba? Bat na sayo?" tanong ni Janella.

" Naiwan niya kanina sa bahay. Pinapabigay ni manang Lourdes." sagot ko.

" Ibibigay lang pala eh. Edi abot mo na lang mamaya." sabi ni Liza.

" Wow ha! Parang andali nun. Alam mo namang andaming fans nun. Sugudin pa ko ng mga yun pag nilapitan ko yung Mokong na yun."

" Sabagay. Campus Prince nga pala si Jared." sabi ni Janella.

" Ay! Mamaya na naton isipin kung pano ibibigay yan kay Jared. Pumasok na muna tayo at baka masaraduhan pa tayo ng gate." sabi naman ni Kathryn.

" Tara na nga."

Waaah. Pano ko to ibibigay dun sa Mokong na yun?! Bahala na nga si Batman!!

Secretly Married with the Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon