Julia's POV
Anong ginagawa ni Mokong dito? Oo si Mokong, ang asawa ko. Nandito siya at hawak hawak ang kamay ni Cathleen.
" Bitiwan mo nga ko Jared! Ano ba! Nasasaktan na ko!" sabi ni Cathleen kay Jared dahil hanggang ngayon ay hawak parin nito ang kamay niya.
Bigla atang natauhan si Mokong pagkasabi nun ni Cathleen. Binitawan niya agad ang kamay nito at kitang kita ang pula dun sa part na hinawakan niya. Sobra atang higpit nung pagkakahawak sa kanya.
" Hindi pa tayo tapos Julia Smith!" pagbabanta ni Cathleen. Okay. See you -_-
Pagkatapos nun ay umalis na siya kasama yung mga alipores niya.
Humarap ako kay Mokong para magpasalamat pero pagtingin ko medyo malayo na siya sakin. Bakit niya kaya ginawa yun? Haaay! Ewan!Nagpunta na ko sa room at mabilis na kinuha yung kailangan kong libro. Pagkatapos nun ay dumaretso na ko agad sa mini park. Kanina pa ko hinihintay dun nila Liza. Baka mainip na yung mga yun.
Pagdating ko sa mini park, kasama nung tatlo yung Campus Princes pwera lang kay Mokong dahil nandun na siya sa kotse niya. Mukang may pinag uusapan sila ah. Ano kaya yun?
Lumapit na ko sa kanila at kitang kita sa mula nila yung pagkabigla. Nanlalaki kasi yung mga mata nila na parang nakakita ng multo nung lumapit ako. Biglang nagsalita si Kathryn.
" Julia! Anong nangyari sa muka mo? Bat namumula?"
" Ou nga. Ayos ka lang ba? Gusto mo punta muna tayong clinic para mapatingnan yan?" alalang alalang tanong ni Liza. Halatang halata ang pag aalala sa mga muka nila.
" Hinarang kasi ako kanina nila Cathleen nung papunta kong room. Tapos medyo inaway nila ko at sinampal. Pero ayos na naman ako kaya wag na kayong mag alala." sabi ko naman.
" Ano?! Sinampal ka?! Ni Cathleen?! Bakit di ka lumaban?!" sunod sunod na tanong ni Janella.
" Alam niyo namang hindi ako nakikipag-away diba?" dipensa ko.
" Kahit na! Bwisit talaga yung babaeng yun! Wala ng ginawang mabuti! Pakick out ko yun dito sa school eh!" inis na inis na sabi ni Kathryn.
" Tama na girls. Ok na ko. Hayaan niyo na lang yun si Cathleen. May araw din yun satin. Hahaha." sabi ko. Pag di ko pa inawat tong mga to baka lumaki pa yung gulo eh.
Bigla kong naalala na may pinag-uusapan nga pala sila kanina.
" Nakita ko kayong nag-uusap kanina. Ano ba yung pinag-uusapan niyo? Share naman! Sali ako! Ano ba yun?!"
" A-ahh... w-wala! Pinag-uusapan lang naman namin yung mga kailangan nating gawin. Yung mga assignment natin ngayon. Yon! Yun lang. Diba Xander? Josh? Angelo? Diba? Hehehe..." sabi ni Janella na medyo nauutal pa. Mabilis namang tumango yung mga boys. Close nga pala kami sa kanila. Si Mokong lang naman hindi ko pinapansin eh.
Nagyaya na silang umuwi dahil may mga gagawin pa daw sila.
" Ahh.. Julia. Hindi nga pala kami makakasabay sayo. May pupuntahan pa kasi kami eh. Dun na kami sasakay sa kotse nila Xander. Dun ka na lang sumabay kay Jared. Sige! Babye!" sabi ni Liza sabay takbo papunta dun sa kotse ni Xander.
Kaibigan ko ba talaga yung mga yun?
Alam naman nilang hindi ako sumasabay kay Mokong eh. Tinry kong pakiusapan si Mokong na isabay ako pero ayaw niya talaga. Kaya no choice ako kundi maglakad na naman.
Habang naglalakad, may biglang humarang na tatlong chakang lalaki dun sa dinadaanan ko.
" Miss, mukang mag-isa ka lang ah." -chakang mama 1
" Meron po akong kasama. Di niyo lang nakikita." Muka bang may kasama ko? Mag-isa nga lang akong naglalakad diba? Ano bayan! Di nag-iisip!
" Ang galing mo palang magpatawa miss." sabi naman ni chakang mama 2 sabay akbay sakin. Yuck! Ang baho niya! Chaka na nga mabaho pa!
" Seryoso po ako hindi po ako nagpapatawa. Kung nagpapatawa po ako bakit di kayo tumawa?" namimilosopo kong sabi sa kanya habang tinatanggal yung pagkakaakbay niya sakin. Ang lakas niya! Di ko matanggal!
" Pwede po bang bitawan niyo na ko?" naiinis kong tanong.
" Hindi pwede! Bibitawan ka lang namin kapag sumama ka samin." -chakang mama 3. Ano ko uto-uto? Siraulo pala tong mga to eh.
" Pagsumama ka samin, mararating mo ang langit." -chakang mama 1. Nanloloko ba talaga tong mga to?
" Kuya, kung gusto niyo ng kausap etong piso oh. Sino bang tao ang makakarating sa langit? Atsaka bakit kailangan kasama pa ko? Pede namang kayo na lang. Dadamay niyo pa ko." bwisit na sabi ko sa kanila. Kanina pa nila ko binubwisit eh. Hindi na nakakatuwa -____-
" Tama na ngang satsat! Sumama ka na samin!" sabi ni chakang mama 2 sabay higit nila sakin.
" Bitawan niyo ko! Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko. Hindi ko sila mapigilan sa paghila sakin. Ang lalakas nila!!!
" Walang makakarinig sayo dito miss! Hahaha!" sabi ni chakang mama 3 sabay tawa na parang demonyo. Waaah! Natatakot na talaga ako!!! Anong gagawin ko?!?!?!
Dinala nila ko sa isang eskinita na wala talagang taong dumadaan. Nagsimula na kong umiyak. Actually, humagulgol pala. Ang bata bata ko pa mangyayari na sakin to!
" Pre ako nang una." -chakang mama 2. Mas lalo akong natakot nung sabihin yun nung lalaki.
Bigla siyang lumapit sakin at hinigit yung damit ko. Nasira yung tatlong butones ng uniform ko kaya kitang kita yung suot kong bra.
Wala akong magawa kundi umiyak lang ng umiyak dahil wala na kong lakas para lumaban sa kanila. Ipinikit ko na lang yung mata ko dahil ayokong makita kung anuman ang gagawin nila sakin. Sana may dumating para tulungan ako..
Biglang may sumigaw sa di kalayuan.
" Don't dare to touch her again!"
BINABASA MO ANG
Secretly Married with the Campus Prince
RandomPaano mo itatago sa ibang tao na you're SECRETLY MARRIED WITH THE CAMPUS PRINCE??? ------- Hi! First story ko po 'to. Sorry sa mga mali :) Hopya like it XD