Julia's POV
Pagdating namin sa room, wala pa yung teacher namin. Wala pa din sila Mokong? Nauna pa yun pumasok sakin ah.
Umupo na kami at hinintay na lang dumating yung teacher namin sa English.
Wala pa din sila? Anong oras na?
Biglang nagtilian yung mga kaklase naming babae.
" Kyaaaaah!!! Andyan na sila!!"
Iniluwa ng pintuan namin ang apat na naggagwapuhang mga lalaki. Ang Campus Princes .
Xander Reyes.
Angelo Salvador.
Joshua Santillian.
Jared Alcantara.
Sila ang apat na lalaking pinapantasya ng bawat kababaihan dito sa Royal High dahil sa taglay nilang tatlong K.
Kakisigan. Katalinuhan. Kagwapuhan.
Pagpasok nila ay dumaretso na sila sa upuan nila. Siya namang dating nung teacher namin at nagturo na.
" Todays lesson is all about pronoun. Pronoun is... "
blah... blah... blah...
Wala kong maintindihan! Nakakatamad!
---------------
Kakatapos lang naming maglunch kaya bumalik na kami sa room. Dun na lang kami magpapahinga. Hinihintay na lang namin yung next subject teacher namin.
" Ok guys. Listen to me. Wala daw lahat ng afternoon teachers sabi ni Ms. Enriquez. Dito lang daw tayo sa room at hintayin na lang ang announcement na pwede na tayong umuwi. Ok?" sabi ni Ash, class president namin. Tumango na lang kami bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Haist. Nakakatamad. For sure maaga na naman kaming pauuwiin.
Tumungo na lang ako sa armrest ng upuan ko para matulog pero bigla kong naalala yung ibinilin sakin ni manang. Ibibigay ko pa nga pala kay Mokong yung cellphone niya.
Paano ko naman kaya ibibigay to sa kanya kung andaming matang nakabantay sa kanya. Fangirls -___-
Lalapitan ko na nga. Bahala na kung anong gawin at sabihin sakin ng mga babaeng yun.
Pagtayo ko, bigla akong hinawakan ni Kathryn. Siya kasi yung katabi ko.
" San ka pupunta?" tanong niya.
" Kay Mokong. Bibigay ko tong cellphone niya." sagot ko naman.
" Sa harap ng maraming tao?" nag-aalala niyang tanong.
" No choice eh. Baka magalit pa sakin yung Mokong na yun kapag di ko pa to ibinigay sa kanya."
" Haaay. Bahala ka nga. Goodluck sayo :)" pang-aasar niya. Kung di ko lang to kaibigan baka nahampas ko na to eh.
Naglakad na ko papunta kay Mokong at habang palapit sa kanya, naririnig ko yung mga sinasabi nung iba naming kaklase.
" Tignan niyo yun oh. Lalapitan nung babae si Jared natin."
" Ou nga noh. Sino ba yang babaeng yan?
" Julia Smith daw sabi ni Andie. Hindi naman maganda!"
" Goodluck na lang kung pansinin siya ng Jared natin."
Kung magbulungan parang di ko naririnig. Hello? Andito lang po kaya ako.
Di ko na lang sila pinasin para hindi na magkagulo. Ayoko ng away. Lumapit na lang ako kay Mokong at nandito na ko ngayon sa harapan niya.
Nakatungo siya habang may suot na earphones sa tenga.
" Mokong, cellphone mo oh." sabi ko sabay abot sa kanya. Pero hindi niya ko pinansin. Loko talaga to. Tinanggal ko yung nakasalpak sa tenga niya atsaka nagsalita.
" Mr. Jared Alcantara. Ito na po yung cellphone niyo. Naiwan niyo po kasi sa bahay kanina sa kakamadali niyong iwan ako. Hindi naman ako sasabay sayo dahil alam kong maarte ka at ayaw mo talaga kong kasabay." mahina kong sabi sa kanya. Baka kasi marinig nung iba.
Bigla naman siyang tumunghay at nakakunot noo akong tiningnan. Aba! Siya pa galit?!
" Ayan na po. Sa susunod po kasi wag na kayong magmamadali." sabi ko sabay balik na dun sa upuan ko.
Maya-maya lang ay inannounce na ni Ash na pwede na kaming umuwi kaya nag-ayos na kami ng gamit namin.
" Tara na. Uwi na tayo." sabi ni Liza saming tatlo na sinang-ayunan naman namin.
Sabay sabay na kaming lumabas ng room pero bago pa man kami makalayo ay naalala kong may assignment nga pala kami sa science at kailangan ng libro. Iniwan ko pa naman sa room yung libro ko. Nagpaalam muna ko sa kanila.
" Girls, una na kayo. Dun niyo na lang ako hintayin sa may mini park. Naiwan ko kasi yung libro ko sa room. Bye!" Pagkasabi ko sa kanila nun, umalis na ko at hindi na hinintay yung sagot nila.
(A/N: Yung mini park po part parin yun ng school nila.)
Habang naglalakad, biglang may humarang sa dinadaanan ko. Si Cathleen lang pala, ang Reyna ng mga Bitch sa buong Royal High. Kasama niya rin yung mga chismosa niyang alipores.
" Ikaw yung babaeng nagbigay nung cellphone kay Jared diba?" - Chismosang Alipores 1
" Siguro isa ka din sa mga fangirls niya noh? Pwede ba wag kang maglalapit sa Jared namin." -C.A. 2
" Tama! Hindi ka naman maganda!" -C.A. 3
Wow lang ha! Sa kanila pa talaga mismo nanggaling yung mga salitang yun! Hiyang hiya naman ako sa kagandahan nila!
" Totoo bang nilapitan mo si Jared? May gusto ka ba sa kanya?" sabi ni Cathleen habang nakataas yung isang kilay at nakapamewang. Bilis talagang kumalat ng balita. Ibang klase na talaga mga chismosa ngayon -,-
" Wala!" sabi ko naman. Napalakas ata kaya mukang nabwisit si Cathleen.
" Wag mo kong pagtaasan ng boses!" galit na sabi niya.
" Hindi kita pinagtataasan ng boses. Makinig ka kasi ng mabuti para naiintindihan mo. Ang arte arte kasi." sabi ko na medyo nang aasar. Muka namang effective XD
" Sinabihan mo ba kong maarte?" nanggigigil na tanong niya sakin.
" Sabi sayo makinig ka ng mabuti eh. Yan tuloy di mo naintindihan yung sinabi ko. Sorry ka na lang di ko na uulitin yun. May kailangan pa kasi akong gawin eh. Bye!" sabi ko sabay alis. Pero bago pa ko makalayo ay hinila niya yung buhok ko na naging dahilan para mapaharap ako sa kanya.
" Bitch!" sabi niya at pagkatapos ay dumampi na ang palad niya sa pisngi ko.
Ouch! Ang sakit! Ngayon lang ako nasampal ng ganun.
Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng muka ko dahil sa ginawa niya. Sana lang hindi to magkapasa.
" Slut!" Nakita kong sasampalin niya ulit ako kaya pumikit na lang ako. Hindi ako sanay makioag away kaya hindi na lang aki lumaban. Hindi naman sa naduduwag ako pero ayoko lang talaga ng away.
Pinikit ko na lang ng madiin yung mata ko at hinintay na lang na dumapo ulit yung kamay niya sa pisngi ko pero lumipas ang ilang segundo, walang kamay na dumapo sa muka ko.
Dahil sa pagtataka, idinilat ko yung mata ko ng dahan dahan at nakita kong hawak hawak niya yung kamay ni Cathleen. Ano namang ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
Secretly Married with the Campus Prince
RandomPaano mo itatago sa ibang tao na you're SECRETLY MARRIED WITH THE CAMPUS PRINCE??? ------- Hi! First story ko po 'to. Sorry sa mga mali :) Hopya like it XD