Prinsesa

68 1 0
                                    

Prinsesa, mayaman na tao, may kastilyo.

Asawa ng hari na nagmamayari ng trono

Wala kang makikitang ganyan dito

Ngunit sa puso ko, makikita mo ito.

Isang tao na mahalaga sa buhay ko

Isang tao na pinakaiingat-ingatan ko

Nagiisang nakaupo sa kanyang trono

Walang makakapalit sa kanyang pwesto

Ang kanyang kastilyo, ang aking puso

Palagi mang busy sa kanyang trabaho.

Ayos lang yan, magaantay ako.

Madalas ay nagpupuyatan tayo.

Umaabot ng hanggang alas kwatro.

Kahit kinabukasan ay may pasok tayo

Nagtatawanan paren na parang mga abno

Sana hindi magbago ang pakikitungong ito

Hanggang sa magwakas ang mundo

Iingatan ko ito, sana ay tandaan mo.

Iyan ang aking pinapangako.

PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon