prologue.

17 1 0
                                    

"Don't leave me, please"

Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak sa akin. Agad dumako ang tingin ko sa kanyang mga kamay. Ang mga kamay na iyon ang humahawak sakin kapag kinakabahan ako. At mga kamay din iyon ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob. Ang init ng kanyang kamay ang nagbibigay ng kapayapaan sa akin noon.

Noon. Pagak akong napatawa sa aking isip. Ang sakit isipin na hindi na kami kagaya noon dahil ang dami ng nagbago ngayon.

Bakit nga ba kami humantong sa ganitong punto? Bakit kailangan mangyari pa ito? Bakit kailangan may masaktan pa?

Ang daming tanong sa isipan ko pero kahit ano pang gawin ko ay alam kong mananatili lang iyong walang kasagutan.

Punong puno na ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Ang mga matang minsang nagustuhan ko sa kanya. Tumatagos ang kanyang tingin sa kaluluwa ko habang hinihintay ang magiging kasagutan ko.

"This is for the better." Tumingala ako at pilit kong pinipigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko.

Ayokong makita nya akong nanghihina, he always know that I'm a tough girl. Ang dami na naming napagdaanan pero dito lang pala kami magtatapos.

Ang mga ngiting dati'y nakikita ko sa kanya ay wala na ngayon. All I was saw is the gloominess all over his face.

Muli syang nagsalita. "Hilingin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang layuan ka. Because right now Klare, I don't know if I have all the strength to walk away from you."

"Hindi mo ba alam na marami tayong masasaktan kapag ipinagpilitan pa natin ito. Ang pamilya mo, ang mga pamilya ko pati na rin ang sarili natin nasasaktan na rin."

Alam kong sobra ko na syang nasasaktan dahil sa mga nagiging desisyon ko. I always choose my family over him. While he chooses me first over anything in this world.

I know that his world revolves in me. Pero hindi ako katulad nya. Hindi lang sa aming dalawa umiikot ang mundo. And we should always consider the people around us!

"I know pero handa akong gawin ang lahat wag lang tayo magkalayo! I can die breaking the rules, Klare!"

Hindi ba sya nag iisip? Pati sarili nyang pamilya ay kakalabanin nya para lang sa akin? Para sa akin. Gagawin nya lahat ng iyon para lang sa taong lagi syang sinasaktan at hindi sya kayang piliin?

Lalong nanlaki ang mata ko ng makita syang unti-unting lumuluhod sa harap ko. Ang kanyang mukha ay basang basa na dahil sa kanyang mga luha.

This is not him. Hindi sya ang tipo ng tao na luluhod na lang basta at magpapakita ng kahinaan.

Now, I realize that I am his kryptonite. His weakness. Nakikita kong gagawin nya ang lahat para lang sa akin. Pakiramdam ko ay parang tinutusok ang aking puso dahil sa nakikita ko ngayon.

I wanted to shout at him that I'm not even worthy for his love. That I would only break his heart! Gustong gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako karapat dapat para sa mga luhang iyon.

Pumatak ang isang luha sa kanang mata ko at agad ko rin iyong pinahid. Kahit parang may malaking bara sa aking lalamunan ay pinilit ko pa rin magsalita, "Hindi mo pa ba naiintindihan Mavi, pagod na ako para ipaglaban ang pag ibig na 'to."

Sobrang dami ng hirap ang napag daanan namin para sa pag ibig na ito. Pero kahit sa dami ng mga iyon, pilit ko iyong kinaya para sa kanya.

Pero dadating ka pa din pala sa puntong mapapagod ka. Nakakapagod na ang paulit ulit na paglaban para sa pag ibig na ito. Fighting all over the same situation sucks big time!

"Hindi mo kailangan na iwan ako, ako ang lalaban para sa ating dalawa." Nagsusumamo ang kanyang tingin habang sinasabi ang mga iyon.

He's very vulnerable right now, at iyon ang di ko kayang makita. I have always imagined him as a strong man with high principles.

This love has been very destructive to the both of us.

It ruins our both families and the both of us in every possible way.

Hindi ko alam kung paano ko pa sya aalisin sa sistema ko. All my life kasama ko sya. Moving on and getting rid all of the memories we've made will be the hardest step for me.

I think it will takes time para makalimutan sya. But I doubt it, palagay ko ay hinding hindi ko sya makakalimutan. Hindi kailanman.

"Please ... let me go. This relationship is not healthy anymore."

Handa na sana akong umalis sa kwartong iyon at maging sa buhay nya. Pero nang malapit na ako sa pintuan ay agad kong naramdaman ang kanyang braso sa aking binti.

"Just stay with me, Klare. Iwan natin lahat ng problema at umalis dito" pagsusumamo nya.

"No Elijah. The only way is to let me go. " matigas kong sabi. Kailangan kong panindigan ang lahat ng ito.

Sorry baby, but this is the right thing to do.

"How can you be selfless, Klare? Kasi ako? Kaya kitang ipagdamot sa kahit na kanino kahit pa sa mga pamilya natin. Ganoon ako ka selfish pagdating sayo"

Tama na Elijah. Lalo lang akong nahihirapang iwan ka kapag ganyan ka.

Pilit kong inaalis ang kanyang mga braso sa aking binti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon