Chapter 01: Her Ability

66 4 1
                                    

Chapter 01: Her Ability



Nakaupo ang dalagang si Bethany sa kanyang paboritong lugar sa labas ng kanilang bahay, ang duyan na nakakabit sa dalawang malaking puno, siyay nakatanaw sa napakaliwanag at bilog na bilog na buwan. Siya'y nagiisip pero di man ganun kalalim, umihip ang isang napakalamig na hangin kasabay nun ay ang pagkarinig niya ng pagtawag..

"Ate Tanya~ Psst... psst.. psst~ Ate Tanya~" narinig niyang tawag sa kanya ng isang malamig na boses, kung para sa iba, sila'y kikilabutan na pero para sa isang katulad nya na halos sa araw araw ay nararamdaman niya at naririnig ang mga boses na iyon ay sanay na siya, isa pa tanggap niya at minahal na niya ang kakayahang iyon.

Unti - unting hinarap ni Bethany/Tanya ang lugar kung saan niya narinig ang tumatawag sa kanya, isang babaeng maputla, faded ang pigura, na nakasuot ng uniporme ng paaralan kung saan siya nag-aaral pero sa highschool division ito, tila basang basa ang itsura ng dalaga na tumambad sa kanya, malungkot ang mga mata ng dalagang kanyang kaharap kaya nahabag si Tanya sa kanyang napagmamasdan.

Hindi natatakot sa ganito si Tanya, ang kinakatakot niya lang ay ang kaalaman kung bakit naging ganto o kung paano humantong sa ganun ang mga espiritong nakakaharap niya.

Inilahad ni Tanya ang kamay niya sa espirito ng dalaga, inabot naman ng espirito ito, unti unti namang nagbago ang itsura ng multo at naging maayos na ang itsura nito, isa itong kakayahan ni Tanya. Once she extended her hand to the ghost she met for the first time she can restore the look of the ghost before they dies. Its also a sin that Tanya will help to solve those ghost obsessions.

Makikita mo ang ganda ng espiritong ito nung nabubuhay pa kaya lalong nakaramdam ng awa ang dalagang si Tanya para sa multong dalaga.

"Anong maitutulong ko sa iyo?" Malungkot na tanong ni Tanya pero isang yakap ang natanggap niya mula sa multo, gumanti rin ng yakap si Tanya ramdam niya ang hirap na nadarama ng dalagang multong nakayakap sa kanya, ramdam niya ang hinagpis nito sa bawat hikbi na kanyang nariririnig.

"Tulungan mo ako Ate Tanya~ Di pa nakikita ng magulang ko ang bangkay ko Ate~ Ako po si Cles Eugenio, sa school, highschool division may isang drum duon Ate sa lumang CR sa likod 1st year building, dun ako itinago matapos akong gahasain ng exboyfriend kong teacher~ Huhuu~ Ate tulungan mo kong makakuha ng hustisya~" hagulgol ng multo, unti unting bumagsak ang luha ni Tanya, naiiyak siya sa kinahantungan ng napakagandang dalagang ito, di siya makapaniwala na may mga ganun kasamang tao, mga taong walang awa sa kapwa, na kahit naturingang kasintahan nito ay kayang manakit at gawan ito ng ganun kasamang bagay.

"Tutulungan kita Cles, wag kang mag-alala makakamit mo ang hustisya," determinadong sabi ni Tanya.

Umaga. Kinabukasan kasama ni Tanya ang dalagang multong si Cles sa pagpasok sa paaralan nila, naisipan kasi ni Tanya na dapat gumawa muna siya ng hakbang bago isagawa ang kanilang plano ni Cles at kailangan niya munang irecover ang gamit ni Cles na nakatago sa Mini Forest ng kanilang school, nandun din kasi ang ebidensya upang mailaglag ang gurong nangrape sa dalaga.

"Ate Tanya, ang cute nung multo mong kasama sa kwarto." Masayang sabi ni Cles, binuksan naman ni Tanya ang kanyang bag at kinuha ang isang napakaKapal na Notebook niya na pinangalanan niya na 'Communicating Notebook'

Nandun lahat ng impormasyon tungkol sa mga natulungan niyang multo at mga napag-usapan nila. Para na rin itong scrapbook  kasi humihingi siya ng mga litrato ng mga ito, kundi man kapag nagpipicture siya ay nalitaw ang mga ito at sumasali sa mga litrato niya. Nakakaloko lang di ba? She compiled everything about those companion she had. 

Alam nya kasing darating ang panahon na makakalimutan sila ng mga ibang tao at kung makalimutan man sila ng iba, pero sya hindi. Yun ang pinangako nya sa mga kaibigan nya.

Sila lang ang mga natatangin nilalang na kinaibigan because they are true and they never judge.

Nagsulat  si Tanya sa notebook to answer Cles. Though okay lang naman na magsalita sya kasi nakasanayan na rin naman ng mga tao na layuan sya ay hanggat maari iniiwasn pa rin nya ang mahusgahan ng harapan. 

'Si Gave yun, siya ang pinakamatagal ko ng kasama, napakahirap na mission yung kanya kasi Baby pa at wala pang masyadong alam at bulol pa kaya nahihirapan pa ako.'

Sumagot naman si Cles, unti unti at kusang lumitaw ang kanyang nais sabihin (Perks ng pagiging multo?)

'Talaga? Sayang gusto ko sana tumulong sa problema mo kay Baby Gave kaso pag natapos ang kaso ko lalo na pag nakuha ko na ang hustisya sa pagkamatay ko at pag nakapagpasalamat na ko sayo, kusa akong maglalaho.' sulat ng dalagang multo~

'Oo tama ka, depende na lang kung may isa ka pang misyon na nais mong maisakatuparan bago ka nun mamatay.' Pahayag ni Bethany kaya napatango si Cles

"Ganun pala yun?" Cles stated.

'Oo, dahil parang naka-set na sa puso, isip, damdamin at emosyon mo ito, it was your obsession, kaya nga di rin agad nakakatawid ang katulad mo sapagkat may bagay kang gusto mo munang makuha bago ka mamahinga, nabubuo rin kasi ang isang esperito dahil sa enerhiya ng emosyon, mapa negatibo man ito o hindi~ ang iba naman ay dahil sa bagay, mga bagay na pag-aari nila o sentimental value o kaya naman ay mga bagay na nakakapag-paalala sa kanila pwede rin sa mga bagay na naroon bago ka mamatay'  Dagdag pang paliwanag ni Tanya.

'Naguguluhan pa rin ako Ate Tanya." sabi ni Cles habang nakakunot ang noo.

'Sige para maintindihan mo, halimbawa na lang nung nakaraan kong natulungan, isang matandang babae iyon, nais niyang ipabigay sa unang apo niyang babae ang brooch na kanilang family heirloom, di siya nag karoon ng anak na babae kaya nakatago pa rin ito sa kanyang drawer na ni-lock na ng pamilya nito. Nung isang beses na napadaan ako sa bahay nila nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng kanyang bintana na katabi lang halos nung kabinet niya. kinausap niya ko at ang sabi niya hindi siya matahimik hanggat di naibibigay o nakukuha ng apo niya ang brooch na iyon, ibig sabihin, yung brouch ang dahilan kaya di pa siya nakakapagpahinga, at yung brooch ang siyang source na nagpoproduce ng energy na siyang nagbibigay pa ng dagdag na oras para manatili sa mundo.' Mahabang paliwanag pa ni Bethany

'To give the brooch to her descendant is her obsession that tied her with that item that gives her the energy to survive.'

'In your case Cles, you don't have any item that ties you but you have the will to get a justifiable end to the man who killed you. Your will to have justice for yourself is also an obsession.'

'Ika nga, "Your obsession will keep you going."'





"Ahh ganun pala~ Ako naman kaya ako di pa nakakatawid dahil nais kong makuha ang hustisya na nararapat sa akin, at dahil sa emosyon na iyon, nakapagproduce ito ng enerhiya para manatili ako sa mundo," naliliwanagan na sabi ni Cles na sinang-ayunan ni Tanya.

'Tama~ sa kaso naman ni Gave, dahil bata pa siya at di niya maalala ang ibang memory niya, at sa pagkakaalam ko ay may nais siyang makumpleto pang misyon na hindi ko pa alam dahil ayaw niyang sabihin,' sulat ni Bethany.

Totoo yun, kung tutuusin alam niyang matalino si Gave, pero may iba rin siyang memorya na di matandaan~ isa na rin ata kung paano siya namatay, pero alam rin nitong may nais siyang isakatuparang misyon~

Napakatalinong bagay para sa isang tatlong taong gulang, sayang lang at maaga itong namatay.

Nalungkot ang mukha ng dalagang si Tanya sa pumasok sa isip, 'sana katulad ni gave ang maging anak ko in the future matalino, matulungin at may goal sa buhay'.





**

She's Bethany Dela Vega 17 years old, 2nd year college taking up Mass Communication, with a special ability to see Good Heart-ed Ghost and help them to complete their mission, and solve their obsession to make them have a right destination.

**

Our Little GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon