Chapter 04: Ghost Bestfriend

55 4 1
                                    

Chapter 04: Ghost Bestfriend

Nakayuko at dire-diretso siyang lumabas ng classroom at dumiretso sa kanilang Cafeteria, at dahil nga nakayuko di niya napansin ang dalawang babaeng nakangising nakatingin sa kanya at hinihintay ang pagdaan niya sa harap nung dalawa.

Isang malamig na tumutulo ang naramdaman ni Tanya mula sa kanyang ulo at pag-angat niya ng tingin, ang kilalang Leader ng kanilang school Cheerdance ang nakatayo sa harap niya kasama ang assisstant nito na may hawak na cup ng choco drink..

Mula naman sa dulo ng hallway, masama ang timplada ni Piere nadagdagan pa ng makita niya ang ginawa ng dalawang Cheer Dancer kay Tanya, mabilis at malalaki ang hakbang niyang tinungo ang kinalulugaran ni Tanya.

May kalayuan pa ang pwesto niya pero rinig na niya ang mga masasakit na sinasabi ng dalawa kay Tanya at tawanan ng mga nakapaligid dito.

Nang marating ni Piere ang mga dalaga, tinampal ng binata ang kamay ng dalagang may hawak na choco drink at tinitigan niya ito ng masama.

"P-piere.." mautal-utal na sabi ng dalawang dalaga dala na rin ng gulat dahil di nila inaasahang may magtatanggol sa dalagang lagi nilang binu-bully, wala kasing may lakas ng loob na labanan sila.

Di maka-paniwala ang mga nasa paligid dahil ang kanilang Campus Hearthrob pa ang nagtanggol sa Bullies Favorite!

Idagdag pa na madilim ang aura ng kanilang Hearthrob na ngayon lang nila nakita.

Walang sali-salitang hinila niya ang nakayukong si Tanya at dinala sa Locker Room, pero isang nagbabantang tingin ang iniwan ni Piere sa dalawang cheerdancer.

"What the hell Tanya! Bakit hindi ka man lang lumalaban?" Iritableng tanong ng binata

"I don't have the guts." Walang ganang sagot ni Tanya

"Damn! Lumaban ka naman kahit papano! Hindi yung lagi kang nakayuko at tinatanggap lang ang mga ka-walang hiyaan ng mga iyon!" Nanggagalaiting ani ni Piere.

"Like what I have told you, I don't have guts to fight them. Ako pa ang lalabas na masama, di lang kasi dancer ang mga yon, artista din ata dahil ang gagaling umarte. Wala ring silbi kung lalaban ako," as a matter of fact na pagdadahilan ni Tanya.

"Tsk. Just for once Tanya! Try to fight back, I'll back you up, so have the guts to fight for your own right." May kahinahunan ngunit inis pa ring sabi ni Piere kaya tumango na lang ang dalaga, no match siya ee!

"Ahh.. Piere? Uwi na lang ako ha? Wala kasi akong dalang extra shirt, nagamit ko kasi kahapon yung PE ko dahil pinaliguan nila ako ng isang baldeng tubig. Pwedeng paki-excuse---" di pa tapos sa pagpapaliwanag si Tanya pero pinutol na ng sibangot na Piere ang sasabihin niya.

"No need to go home, nandyan yung P.E. Tshirt ko, kunin mo na lang, yung password ko ay 0418." Banas na sabi ng binata at iniwan na siya, napangisi naman ang dalaga, dala ng inis at pikon sa lalaki kahit na tinulungan siya nito.

Matapos makuha ang tshirt na pinahiram ni Piere ay dumiretso na ang dalaga sa CR upang mag-shower at makapagapalit.

"Nakakainis naman! Kailangan bang araw-arawin ang pangbubully sakin? Pahinga-pahinga din pag may time~ Aish! Dagdag pa tong lalaking to! Mababaliw ako ng wala sa oras sa kanya! Di ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan~ mukhang lalo akong bubulihin dahil sa kanya! Lintek na yan!" litanya ni Tanya habang padabog na nagbibihis.

"Dat sinapak mo!" napasabunot ng wala sa oras ang dalaga ng may biglang nagsalita sa likod niya~ at ng lingunin niya ito isang babaeng maputla at may laslas sa kamay na tumutulo pa ang dugo ang nakita niya.

"Ikaw pala yan Rein." simangot na pagkilala niya sa multo ng CR nila.

"Yeah its me~ the beautiful Ghost ng Girls CR!" proud na sabi nito na ikina-irap niya.

"Kahit kailan ka talagang babae ka! Langya, di man lang nababawasan self confidence mo no?" Napabungisngis naman ang multo sa padale ng dalaga.

"Just stating the fact my dear~" pang asar na sabi ng dalagang multo.

"Moving on, ano nanaman ang ginawa ng mga dipremerang babaitang iyon sa iyong kagandahan?" Curious na tanong ni Rein kay Tanya.

"At wow nemen, damit pa ni Hottie Piere ang suot mo! Ang landi mo teh!" Pansin ni Rein sa suot na Tshirt ng dalaga.

"Iyong mga dancer na may lahing artista! Pinaliguan ako ng choco drink at si Piere ang nagpahiram sa akin nito, wag na daw ako umuwi, nakakainis yong lalaking iyon! Buti na lang pinahiram niya ako ng damit nabawasan yung inis ko sa kanya!"

"Aysows! Hanlandi niyong dalawa! Uyyy~ diyan sa inis inis na yan nagkatuluyan lolo't lola ko! Yieeee~~~" pang-asar ni Rein.

"Leche!" irap ni Tanya.

"Hahaha! Donchawury Bebe Tanya, ako ng bahala sa dalawang Dancer na may lahing Artista na yown! Muehehehe!" Nakakalokong sabi ni Rein sabay ng paglaho nito into thin air.

"Paktay kayong Bully kayo," naiiling na sabi ni Tanya.





That's her Ghost Best Friend, Rein San Diego.

The Girl's CR Ghost.

Isa itong studyante sa school nila, angat ito sa kanya ng 2 taon pero nagpakamatay ito sa CR ng school nila dahil kaparehas niya ito ng abilidad.

Isang bagay pa na tungkol dito ay di na ito makaalis sa lugar na iyon o sa paaralang iyon, sapagkat di nito kinaya ang huling mission niya at nagpakamatay na lang.

Siya ang naging hingahan ni Tanya, siya rin ang nagpaliwanag ng mga bagay na dapat na matutunan ni Tanya sa kanyang abilidad, masaya si Rein para kay Tanya dahil pili lang ang mga maaring magpakita sa kanya! Rein treat Tanya as her younger sister, sabi nga ni Tanya, even they are Ghost, still they once become a human, they still have feelings.

At si Rein din minsan ang gumaganti para kay Tanya pag nabu-bully ito!

Matapos makapag-ayos ni Tanya ay umalis na siya sa CR at dumiretso sa Cafeteria para kahit papaano ay makahabol pa siya ng kain.

Dire-diretso lang na naglalakad ang dalaga at di pinapansin ang ibang tingin sa kanya ng mga kapwa studyante at mga bulong-bulungan na patungkol sa pagtatanggol (kung yun ngang matatawag) sa kanya ni Piere.

Napabuntong hininga ang dalaga at dumiretso sa isang bakanteng table, matapos makabili ng makakain ng wala pa siyang limang minutong nakakaupo ay dalawang matinis na tili ang narinig niya mula sa CR ng Cafeteria.

Napakagat labi si Tanya upang maiwasan ang pagtawa dahil sa dalawang babae na basang basa ang tumatakbong lumabas ng Cafeteria's CR nila. At sa pinto ng CR ng Cafeteria ay nakita niya ang isang bulto ng dalagang multo na Bestfriend niya na todo sa pagtawa.

Ang dalawang nang-bully sa kanya na ginantihan ni Rein.

"Karma strike," narinig niyang bulong ng kinaiinisan niyang lalaki na nasa likod niya, si Piere.

"Nope! My Bestfriend's Sweet Revenge for me."

----------------

@blackcassiopeia





Our Little GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon