Kabanata 02

52 1 0
                                    

Kyle

"Tangina naman!" sigaw niya. Nabigla ako sa paghigit ni Kim sa akin. Sa gitna ng maraming tao. Nagtitinginan nanaman ang mga tao sa amin.

Nagpanic ako kaagad kasi ayaw kong may makakita saakin.. lalo na siya. Pati si Kim.

Napansin naman ata yun ni Kim dahil hinila niya ako papunta sa kotse niya at pinilit na isakay.

Marahas ko namang pinunasan ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko habang pumaikot naman si Kim papuntang driver's seat. Tinitigan ko naman ang mukha niya.. nakakunot ang mga noo.. never ko siyang nakitang ganyan since nagsimula ang pagkakaibigan namin noong mga bata pa kami. Ngayon lang.

Nang makasakay na siya ay padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya at hinampas ang manibela. Napatili ako sa gulat pero tinitigan ko ulit siya.

Ay.

Siya pa ngayon ang nag e-execute ng mga reactions na ako dapat ang gumagawa. Bigla nalang akong napatawa.

Tinignan naman niya ako ng masama.

Lagot.

"Ano ba'ng problema mo at kanina'y iiyak-iyak ka tapos ngayon, tatawa-tawa ka. Sabihin mo nga sa akin Kyle, nababaliw ka na ba?! Sabihin mo lang, malapit lang hospital ng mga baliw dito."

Sinuntok ko naman siya out of the blue. Naging habit ko na ata ang suntukin siya. With that, bigla nanaman akong umiyak.

How I wish siya ang sinusuntok ko...

"G-gago ka!" sigaw ko habang sinusuntok ko parin ang braso niya. "Tangina mo.." dagdag ko pa.

"Ano kamo? Tangina ko? Bakit ako? Ako ba siya? Wag ako Kyle ha. Wag ako."

Gustong-gusto ko na sanang sipain at bugbugin si Kim kaso parang nanghihina ako sa dinami ng iyak at dahil na rin sa tumakbo ako.

"Oh edi tangina niya." Isang suntok pa at tumigil na ako. Kahit papano'y nakatulong naman siya para maibsan ang bigat ng nararamdaman ko.

After 'non, bigla kaming natahimik. We stayed like that for a few minutes. Halos mabingi na ata ako sa sobrang katahimikan.

"Oh ano? Reresbakan ko na ba ulit siya? Sabihin mo lang," napatitig naman ako sa kanya bigla.

"Gago wag. Baka itakwil ako ng nanay mo kapag nangyari sayo ulit yung nangyari noon."

"Sus."

"Anong sus?!?! Mang Thomas sus?!? Kim, sinasabi ko sayo--" hindi na niya ako pinatapos ng panenermon ko dahil ipinakain niya sa akin ang hopia ng pwersahan.

Inis ko naman inalis ang buong hopia sa bunganga ko at itinapon sa kanya pabalik. "Aray ko! Para saan 'yon?! Ikaw na nga 'tong binibigyan ng hopia eh."

"Really Kim? Hopia? Nagpapatawa ka ata eh."

"Sus. Kainin mo na nga," ibinigay niya ulit sa akin, "nang magkafeeling ka naman."

Tinitigan ko naman siya na may halong pagtataka. "Anong konek?!?!"

Napatawa nalang siya at sinampal ako na parang bakla.

"Kalerkey ka besh! Ang dami mong lala pero wiz ka pambili ng cotton buds?" Napanganga ako sa iniasta niya.

Tangina. Bayot nga!

"Alam mo, para kang pag-ibig, hindi ko maintindihan!" Sagot ko.

Aba naman at tinawanan lang ako.

"Ang sabi ko, 'ang dami mong pera pero wala kang pambili ng cotton buds?' Sus. Easy." Saka hinipan yung dulo ng kuko niya.

Sinapak ko naman siya sa braso.

"Ang korni mo. Pahawak sa braso mo ah. Baka liparin ako ng malakas mong hangin." Ngumisi lang siya at tumawa ng kaunti.

"Nanananching ka lang eh. Pero okay lang. Basta ikaw---"

Itinapat ko naman ang palad ko sa mukha niya at parang itinapon ito pabalik sa ibang planeta.

"Tangina talaga ng hangin mo Kim! Hindi ko kinakaya!"

"Sus. Kinikilig ka lang eh," saka niya pinaandar ang makina ng kotse niya.

"Tigil-tigilan mo nga 'ko. Mamamatay muna ako bago ako kiligin sayo."

"Talaga? Mamamatay ka talaga dahil sa akin? How sweet." Then he chuckled.

Napalingon ako bigla sa kanya. Ibang klase 'tong katabi ko ngayon. Saan kaya siya pinaglihi ng nanay niya at lumaking makapal ang mukha at mahilig magbuhat ng sariling bangko?

"Ambot nimo oy. Bayot. { Ewan ko sayo. Bakla. } Wag mo nga akong pagtripan. Tawagan mo nalang mga chikabebe mo."

"BAKLA? BAKLA PALA AH."

Nagpanic ako kaagad nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Napapalunok pa nga dahil nanuyo ata bigla ang lalamunan ko. Etong lalakeng 'to talaga, nako! Alam naman niyang may androphobia ako.

Napapikit ako sa sobrang kaba. Inilapit niya pa lalo ang mukha niya at naramdaman ko na lamang ang hininga niya sa may leeg ko.

Diyos ko po. Ngayon na ba mawawala ang bataan? Wag naman!

Kasunod ng pagbuntong hininga ko ay ang malakas niyang pagtawa. Napadilat ako nang mas mabilis pa kay flash.

"Seatbelt mo. Papikit-pikit pa eh. Oh ano? Bakla pa more?" Ang sarap lang hampasin ng kalabaw ang mukha niya kasi ang lakas at ang sarap talaga ng tawa niya.

Wtf. Panibagong kahihiyan ng taon!

"Inamo talaga, Kim."

"Inamo rin. Alam ko naman na love mo 'ko eh," saka siya tumawa ulit. Itinapon ko na sa kanya pabalik yung kanina ko pang hawak na hopia.

"Matakot ka nga sa sinasabi mo!"

Nagsimula na siyang magdrive.

"Kawawa naman ang hopia. Bumabalik na nga sayo, ipinagtatabuyan mo parin. Itinatapon. Maawa ka naman sa hopia."

Natahimik ako sa mga sinasabi niya.

"I hate you," saad ko nalang.

"Oy, wala akong sinasabing ganon ah." Huminto na siya sa pagdadrive. Sumilip ako sa bintana. Nasa harap ko ngayon ay... Jollibee?

"Alam mo, gutom ka lang. Tara na,"

"Baka nga ikaw ang gutom jan. Dami mong hugot, langya!"

"Dinala kita dito kasi paparapapa love---" hindi ko na pinatapos ang pagkanta niya.

"Shunga! Mcdo yan. Tama na dito mo ako dinala eh. Bumibida ka sa saya,"

Pabiro niya naman akong hinampas kunyari.

"Ikaw talaga besh. 'Di na mabiro. Kaya kita namimiss eh," ani Kim.

Ang susunod na pangyayari ang 'di ko inaasahan. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naka-experience ng ganito.

What the heck.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon