Kabanata 04

30 0 0
                                    


From: 0917001026

"Hi. Kumusta ka na?" Hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko nang binabasa ang sinend niyang text message sa akin noong nakaraang linggo. Pero hanggang ngayon, iniisip ko parin kung nananaginip ba ako o hindi. O 'di kaya'y baka nag-iilusyon lang ako dahil sa sobrang pagkadrama ng buhay ko.

Pero ilang beses na rin ako nagpakurot sa kaibigan kong si Tanya, alam ko na talagang hindi ito guni-guni lang. Totoong-totoo ang nababasa ko ngayon. Totoong nag-text siya sa akin para mangamusta.

Kumusta ka na? Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Kumusta na ako na wala siya? Kumusta na ang buhay ko simula nung mawala siya? O simpleng kumusta lang?

Ang praning ko. Sobra.

Syempre, simpleng kumusta lang 'yon! Sino nga ba naman ako. 'Di naman ako naging mahalaga sa kanya. Himala nga na nagtext 'to matapos ng ilang taon. Himala rin na naaalala niya ako.

"Huy," pagbabalik sa akin ni Tanya sa mundo. Napatingin naman ako sa kanya. "Kanina ka pa natutulala. Kukurutin pa ba kita ulit?"

Kukurutin na sana niya ako ng ilayo ko ang kamay ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na naging pasa na pala ang kinurot niya sa akin. Binilang ko 'yon. Isa.. dalawa... tatlo... apat... hanggang sa umabot sa sampo. Ang dami na pala.

"Ano ka ba. Ang dami na neto oh," ipinakita ko sa kanya ang mga pasa ko. Habang siya naman ay kumakain nung inorder niya sa cafeteria ng school. Katatapos lang kasi ng midterm exam namin kaya tinreat namin ang mga sarili namin sa napakatoxic na week na ito.

"Ikaw kase eh. Anyway, wala kang balak magreply?" Pagpapatungkol niya sa text ni Adrian.

Kumain muna ako ng red velvet cheesecake na binili ko bago sumagot, "hindi ko rin alam. Baka wrong send?" Nagkibit-balikat nalang ako sa naisip. Malay ko diba?

Hinampas niya naman ako bigla, "Gaga ka talaga. Anong wrong send? Hindi yan wrong send!"

"Heh! Na-gaga mo pa ako. Susubukan ko magreply," hinaplos haplos ko naman ang braso kong hinampas niya. Langya ang sakit, volleyball player kasi eh.

"Talaga naman at susubukan mo lang? Magreply ka! Mabuti na nga 'yan. Para magkaroon ng closure ang relason ninyong dalawa." Saad niya at uminom ng tubig.

Natahimik naman ako sa sinabi niya at napaisip. Actually, may point si Tanya. Wala kasi kaming matinong break-up ni Adrian. Nung malaman kong nagloko siya, 'di ko na siya binigyan ng tsansa na makausap ako ulit. Pero ang tanong, kaya ko na ba siyang kausapin ulit? Kaya ko na ba? Hay. Ang hirap ng tanong.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Ewan. Basta."

"'Di kita ginugulo, Kyle. Nasasayo naman parin ang desisyon. Eh pero... may balak kang sabihin sa kanya?" Ngumuso siya sa may likuran. Sinilip ko sino nginunguso niya. Si Kim pala.

Hay. Isa pa 'yon. 'Di ko muna sasabihin sa kanya dahil hindi pa naman ako nagrereply.

"Wala pa akong balak. Sa susunod na siguro. Busy yon eh," saad ko habang nakatingin pa rin kay Kim na sa kasalukuyan ay tumatawa kasama ang mga team mates niya sa basketball.

"Ahh, yes. Next week's the competition." Tumango-tango naman siya sa sinabi niya. Pagkatapos 'non ay nagpaalam muna siya para pumuntang comfort room.

Nginitian ko lang si Tanya tapos itinuon ko nalang ang sarili ko sa binili kong cheesecake. Magrereply ba ako? Paano kung wrong send siya? Paano kung sabihin kong kinakabahan ako na magkaroon kami muli ng komunikasyon? Eh paano kung hanggang kumustahan lang kami?

Erase. Bakit? Gusto ko pa ba masundan ang pagreply ko sa pangungumusta niya?

Nagulat naman ako nang may tumapik sa likod ko ng pagka-lakas-lakas. Kilalang-kilala ko na kung sino ang tumatapik sa akin ng ganon. Ang walang iba kundi ang magaling kong kaibigan na walang magawa sa buhay kundi mambwisit din ng kaibigan.

Hindi ko napansin na naririto pala silang lahat ng ka-team niya sa kalapit na table. Isa isa naman nag-hi sa akin ang mga team mates niya.

"Hello." bati ko pabalik sa bawat isa sa kanila. Sakto naman na dumating na si Tanya kaya may kakampi ako kung sakaling sabunin nila ako ng mga tanong. Tanong na mapang-asar. Ewan ko ba sa kanila.

"Oy oy andito na naman kayo para mang-asar ano?" biglang sabat ni Tanya sa kanila pagka-upo niya.

As usual, nag-asaran na naman silang lahat. 'Di ko na binigyan ng pansin dahil itinuon ko nalang ng pansin ang pagkaing nasa harap ko. Lumilipad pa rin ang isip ko don sa natanggap kong text nang biglang tumunog ang phone ko. May dumating na message.

From: 09170001026

Please reply as soon as possible. Kumusta ka na? Ako 'to, si Adrian.

"Kailan pa yan?" napatalon ako ng konti sa biglang nagsalita sa gilid ko. Automatic na tinakpan ko ang screen ng phone ko at lumingon kay Kim. Halos nagkalapit ang ilong naming dalawa. Tinitigan niya ako sa mata. Kitang kita ko ang ekspresyon niyang hindi ko maintindihan.

Walang nagsalita sa aming dalawa.

"Kim! Ano yan? Na-realize niyo na ba na kayo talagang dalawa ang para sa isa't isa?" pagbabasag ng kaibigan niya sa katahimikan namin na dalawa.

Tumawa sila ng mapang-asar. Kami lang dalawa ang hindi. Seryoso niya pa rin ang tinitigan. Walang gusting magpatinag sa 'staring game' namin. Natigil lang ito nang may nagmessage sa phone ni Kim.

Umatras siya ng konti at binasa ang message na nakakunot ang noo. Pagkatapos ay isinuksok niya ulit ang phone niya sa suot suot niyang slacks. Humarap siya ng konti sa ka-team mates niya na hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin na nakatingin sa aming dalawa. Ganon rin si Tanya.

"Guys, may message si coach. He's giving us five minutes to arrive at his office." May awtoridad na saad ni Kim sa team mates niya. Isa isa naman na nagsi-alisan ang team mates niya pagkatapos magpaalam sa aming dalawa ni Tanya. Siya lang hindi. Tinitigan ko ulit si Kim.

"Oh? Di ka pa aalis?" tanong ko kay Kim na nakatayo pa rin sa gilid ko.

"Pag-uusapan natin 'to mamaya ah? Don't you dare hide things from your bestfriend." Pagkatapos ay pa-jogging na sumunod sa team mates niya.

"Don't you dare hide things from your bestfriend" mapang-asar na panggagaya ni Tanya kay Kim habang natatawa. "Bestfriend o... boyfriend?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon