Kabanata 03

57 1 0
                                    


HINDI ko na alam kung pang-ilang beses ko na itong mura pero putangina talaga! Hindi ko talaga iniiexpect ang ganito. Dito pa talaga?!

Hindi ko rin alam kung ang mata ko ba ang tatakpan ko o ang mata niya dahil sa nangyayari kasi parang may live porn sa harap namin!

"Hoohooh, live show!" hinampas ko naman itong katabi kong hinahayaan lang ang dalawang yun sandalan ang kotse niya habang halos mag.. err.. you know. Hindi naman kami nakikita nung dalawa sa labas kasi tinted ang kotse netong hinayupak na 'to.

"Bakit ka kase sa madilim na parte ng parking lot ka pa nagpark?! At saan na ba ang security guard dito?" natataranta ako! Natataranta ako kasi kilalang kilala ko itong katabi ko ngayon. Pustahan, yan ang bukambibig niyan mamaya.

Etong katabi ko naman ay walang ibang ginawa kundi humalakhak ng humalakhak. Buong pwersa kong hinampas ang manibela niya at yun ay nagdulot ng ingay para matigil ang dalawa sa ginagawa nila. Pinipigilan ako ni Kim sa pagbaba ko nung bintana niya pero nagtagumpay parin ako.

"Get a room, you shits!" sigaw ko sa dalawa nang medyo makalayo na sa gawi namin. Namumukhaan ko kasi sila. Basta nasa school lang namin 'yon. Paano kasi! Nakita ko sa I.D. lace nila.

Humalakhak nanaman 'tong kasama ko. Inantay ko lang siyang matapos.

"Dapat hinayaan mo lang eh." Inirapan ko nalang. "Joke lang. Tayo na," dagdag niya pa.

Una na akong bumaba ng kotse niya at sumunod naman siya. Ni-lock niya ang kotse at tumuloy na kami sa loob.

Tinapik niya naman ang likod ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. Tinuro niya ang counter pagkatapos ay nagsalita. "Ako na mag-oorder tapos ikaw na maghanap ng vacant seat."

Tumango ako bilang sagot, "Ge."

Tinungo ko ang second floor. Napalinga-linga ako sa paligid para makahanap ng vacant seat. Alas kwatro na kase ng hapon at medyo marami-rami ang tao sa ngayon. Halos maging giraffe na nga ako sa ginagawa ko. Napahinga nalang ako ng malalim ng may makita akong bakanteng upuan. Hay salamat naman!

Pinuntahan ko agad. Mahirap na. Baka maagaw. De, joke lang.

Ang ganda lang ng view dito. Malapit kase ako sa bintana. Tapos kitang-kita ko yung park malapit lang sa establishment. Kahit papano ay may natitira pa namang magandang tanawin ang mundo. Pero sa halip na parang ma relax ako, nag-flashback ang alaala naming dalawa ng ex 'ko. Bakit ba sa lahat ng bagay ay naaalala ko siya? Ba't lagi nalang ay naaalala ko siya?

Iniling-iling ko naman ang ulo ko. Think of happy thoughts. Think. . .

Sinong niloloko ko? Kahit kailan ay 'di na ako naging masaya. Hindi lang puso ko ang kinuha niya. . . pati kasiyahan ko ay sumama sa kanya. Hindi ko na talaga alam kung makakausad pa ako o hindi na. Itinuon ko nalang ang isip ko sa ibang bagay. Baka umiyak ako dito ng wala sa oras eh. Isipin pa nilang baliw ako.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay 'di pa rin nakakapunta ang kumag kaya kinuha ko ang phone ko para i-text siya.

10 unread messages

Hinayaan ko lang muna ang mga 'yon dahil sigurado akong text lang 'yon para sa band practice. Mamaya pa namang alas-sais ng gabi kaya 'di pa ako nagpapanic.

Tinype ko naman ang pangalan ni Kim sa recipient at tinext siya.

To: Kimkong

Hoy. San ka na? Tagal mo ah. Parang binili mo na ata ang buong Jollibee.

Pagkatapos ko 'non ay sinend ko na sa kanya. Himala't nagreply naman agad. Usually kasi inaabot 'yon ng ilang minuto.

From: Kimkong

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon