The Superstar: 5

24.5K 932 54
                                    

N/N:


So kailangan kong sabihin sa inyo na titigil na akong sumulat after ng series na ito (personal reason) and gusto kong mag-thank you sa mga nagbabasa ng mga gawa ko mula His Husband hanggang dito, hindi pa naman ako nagpapaalam dahil medyo matagal pa.  Hahahaha!   I've been listening to classical Mozart for babies kaso baka kapag ayun 'yung nilagay ko sa video, antukin  lang kayo!  HAHAHAHA so I decided to put a plain guitar chord rhythm para naman medyo relate sa chapter.  


Dedicated ang chapter na ito kay Jaymier, salamat sa pagbabasa!  Hope you like it!  :) 



The Superstar: 5


"I put a spell on you because you're mine."


JADE'S POV:


Sumapit ang tanghali at sabay kaming nagla-lunch ni Paulo, nahihiya pa din ako pero masyado siyang nagiging close na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o hindi. Totoo rin ang sabi ni Manong driver na wala ngang signal dito sa lugar na 'to.


"Gusto mo pang kanin?" Tanong ni Paulo, naubos ko na kasi ang kinakain ko at busog na ako dahil masarap din ang hinaing pagkain sa amin.


Hindi katulad ng islang ito ang commercialized na Boracay, wala kang makikitang hotel at puro nandito lang ay cottage na lalagyan ng gamit na yari sa kawayan at may lamesa sa gitna na yari din sa kawayan.


"Hindi na, busog na ako." Sagot ko at nagpatuloy siya sa pagkain. Grabe, ang lakas niyang kumain!


"Ang dami mo nang nakain ah?" Pang-aasar ko dito, para ding hindi awkward ang atmosphere.


Tumingin ito sa'kin at ngumiti, ngumunguya pa ito kaya hindi siya makasagot. Naisip ko lang na tama nga ang mga sinasabi nila na wala talagang perpektong tao, sa sandaling nakasama ko si Paulo alam kong hindi siya perpekto katulad ng inaasam ng iba.


"Ang sarap kasi! Ngayon na lang ulit ako nakatikim ng masarap na lutong bahay!" Masayang pagsagot nito sa'kin na sinuklian ko na lang ng ngiti.


"Bakit? Wala bang nagluluto sa inyo?" Tanong ko sa kanya at tumango siya tsaka uminom ng tubig, naubos niya na ang kanin na nasa pinggan niya.


"Meron naman kaso nga lang maid namin tsaka ako lang ang kumakain sa bahay kaya hindi na masyadong masarap." Sagot nito at tsaka uminom ulit ng tubig.


Ako naman ay naaawa sa kanya, mukhang kailangan talaga ng lalaking ito ng mag-aalaga sa kanya at magpapakita sa kanya na worth it ang bawat bagay.. At alam kong ako yon! Hahahaha.


"Good for you pala na nagbakasyon ka, at least medyo naiba ang set ng utak mo." Dagdag kong kuda at natawa siya.


"Yeah, isa rin sa pinakaabangan ko ang bakasyon na 'to. Ang hirap kasi ng laging stress ang nakakasalumuha ko, ang hirap rin na hindi ako makapag-focus sa buhay ko personally at puro paggawa ng kanta ang ginagawa namin." Mahabang litanya nito, napangiti ako sa mga sinasabi niya.

The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon