N/N:
Pasukan na sa Lunes! OMG lang talaga, goodluck sa Midterm ko sa Current Issues and Educational Systems (Naks!) at sa inyo rin na ngayon ay cramming sa activities at assignment na hindi ginawa noong last year. Hahahaha.
Dedicated ang chapter na ito kay bading warhol, na nag-iinaso sa chatbox namin. Hahaha! Enjoy bitch!
The Superstar: 9
"We gotta let go of all our ghosts. We both know we ain't kids no more."
JADE'S SIDE:
Dalawang linggo simula nang huli kong makita si JR, at nangyari ang halik ni Paulo. Kasalukuyan akong nasa coffee shop, nagyaya kasi ulit si Oning Bading na magkita kami. Ngayon medyo okay na akong makipag-usap, noong nangyari kasi yung kay JR, dalawang araw yata akong nagkulong sa kwarto.
Nakita ko na pumasok si Oni sa pinto ng coffee shop, bukod kay Angelo, mas gusto ko pang kausap 'tong bading na 'to kaysa kay Cindy.
"Musta ka na bakla? Heartbroken ka no? May kinamang iba ang Paulo mo." Sunod-sunod na tanong nito sabay salampak ng pwetan sa harap na upuan.
"Ayun nga may kekwento ako sa'yo." Panimula ko pero itinaas nito ang kamay nito na nagsasabing 'wait'.
"Umorder ka na ba ng kape?" Napairap ako sa tinanong nito at natawa naman ang bading.
"Oo, ise-serve na 'yun dito, bayaran mo 'ko mamaya. Bading ka." Sarcastic kong balik dito. Naglean forward na ito, sign na magsimula na akong magkwento.
"Ayun nga, sinabi ko na kay JR na wala siyang pag-asa sa'kin dahil hindi ako option lang na parang sapatos na babalikan niya sa mall." Napatango naman ito, mukhang convince sa mga pinagsasabi ko. "At nagbakasyon nga kami ni Paulo." Dugtong ko at ngumiti siya.
"Anyare diyan?" Ngiting aso nitong tanong na ikinatawa ko.
"Sobrang sweet, at siya ang nakakuha ng first at second kiss ko." Walang kaabog-abog kong pag-amin. Sinuklian ako nito ng tawa na ikinainis ko.
"Sigurado ka bang nasa reyalidad ka pa rin?" Tumatawa pa rin nitong tanong sa'kin na ikinasimangot ko na.
"Kailan ba ako nagsinungaling? Totoo ang mga sinabi ko boba!" Unti-unting sumeryoso ang mga mukha nito.
"E 'di gusto ka niya!" Conclude nito na ikinairap ko.
"Kailan ang first kiss?" Para na akong nasa detention dahil sa tono ng pananalita nito.
"Noong nasa isla kami, hindi ko naman ineexpect na mangyayari 'yun. Yung pangalawa ay noong dalawang linggo na ang nakakalipas, nung araw din na kinausap ako ni JR." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionThe Dela Fuente Brothers Book 1: Paulo Dela Fuente Paulo Dela Fuente, pinakasikat na bokalista ng bandang Semisonic, gwapo, mayaman, at higit sa lahat swabe kung magmahal.. © JayceeLMejica, 2015