The Superstar: 8 (Collab with xPANICx)

22.5K 795 60
                                    

N/N:


Bibinyagan ko na si xPANICx, FIRST TIME niyang makipag-collab hahahaha, ang swerte ko naman! Ang collab na ito ay para sa kwento niyang pinamagatang Angelo, Angelo Buenavista.. Charing! HAHAHAHAHA. Happy new year pa rin pala, ano aasa ka na naman ngayong taon? Sabi nga ni Justin Bieber, LOVE YOURSELF. Pagmamahal lang sa sarili ang may poreber, hindi mo kailangan ng ibang tao para maging masaya (anong pinaglalaban ko rito?).


So dedicated ang chapter na ito kay xPANICx, wala akong sawa sa pagbanggit ng username niya e no? HAHAHAHA. Nakalagay rin sa external link ang kwento ni Angelo at nasa taas din ang kanyang litrato, naks!  



The Superstar: 8


"You still look like a movie, you still sound like a song. My God, this reminds me of when we were young."


JADE'S POV:


"Paulo." Banggit ko ulit sa mga pangalan nito pero ngumiti lang siya.


At parang nakita ko ulit ang mga mata ng lalaking nakasama ko sa isla. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, dapat magalit ako pero wala akong maramdaman. Pumapasok sa utak ko si JR pero pilit na nagsusumiksik ang lalaking nasa harap ko.


Biglang nawala ang mga ngiti nito sa mukha, "Maniwala ka, Jade. Hindi ako yung nasa video, hintayin mo lang ako. Babalikan kita." Binitawan ako nito at mabilis na tumakbo papalayo.


Napahawak ako sa mga labi kong hinalikan nito at paulit-ulit din sa utak ko ang mga sinabi niya. Anong pinapatungkol niya? Bakit niya ako babalikan?


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero alam kong gusto ko nang umuwi dahil para na akong ewan. Nagsimula na akong maglakad at nakatulala pa rin ako, nawala na si JR sa buhay ko at ngayon naman may kung anong mga eksena si Paulo.


Nakalabas na ako ng University at nakasakay na sa jeep pero para pa rin akong tanga. Maniniwala na ba talaga ako sa message ng kantang Blank Space na "Boys only want love if it's torture"? Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang nasa lugar na pala namin ako.


Ngayon ko lang ulit na appreciate ang lugar namin, ewan ko ba! Nagkaroon na ako ng kaibigan sa school na sina Cindy pero walang makakapantay sa kaibigan ko dati.


Pero wala na ngayon. At nang mapatingin ako sa isang playground sa tabi ng barangay hall ay unti-unting bumalik ang memoryang matagal ko nang kinalimutan.


**


Hindi ko na alam kung paano ko pipigilan. Bakit ba mahirap maging bakla? Hindi ko naman ito ginusto pero alam kong ito talaga ako eh.


Bakas pa rin ang kakatapos lang na lugar sa playground dahil walang naglalaro at maputik ang tinatapakan. Nakaupo ako sa isang swing kung saan kami madalas tumambay ni Angelo, bestfriend ko. Magkaibigan na kami simula pa lang elementary kami at ang mahirap d'un, hindi ko masabi sa kanya na ang bestfriend niyang lalaki ay bakla na pala.

The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon