Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1
Sorry nalang kung may mali sa pah type. Thank you xx

Roni's POV
Hi im Veronica Hood pero tinatawag nila akong Roni. May dalawa akong kapatid, si kuya Calum at Nessa. Vanessa Hood naman ang tunay nyang pangalan. Kambal kaming dalawa. Mas matanda ako sa kanya ng 45 minutes.

Sabi nila ang unang tingin nila sakin ay isang "Tomboy". Hindi ah. Babae ako. Pero yung mga kaibigan ko kasi ay mga lalaki kaya siguro naiisip nila na... ganon na nga.

10 kami sa grupo. Ang pinaka close ko sa kanila ay si Matt at Jack G. Well, lahat naman sila kaclose ko pero ang pinaka kaclose ko ay silang dalawa.

Bumalik na tayo sa nangyayari ngayon. Nasa bahay kami ni Cam ngayon. Tumatambay kami dito every saturdays, favorite naming bahay to sa lahat eh. Malawak kasi.

"Cam may makakain ba dito?" Tanong ni Jack J.

"To talaga patay gutom oh" tumayo sya at pumunta sa ref. "Taba oh" sabi nya sabay hagis kay Jack J yung mga pagkain.

"Grabe ka naman mangasar" sabi ni Jack J

"Wala na ba tayong gagawa bukod humiga dito sa kama ni Cam?" Tanong ni Nash samin

"Bro, nakakatamad" sabi ni Tay habang naghahand gestures.

"Dami mong alam" sagot naman ni Nash.

"Matt samahan mo ko bili tayo sa grocery" yaya ko kay Matt.

"Sige tara" sabi nya sabay tayo sa kinauupuan nya.

Pumunta kami sa mall gamit yung car ni Cam. Si Matt ang nagdrive. Mas safe daw kasi sya. Di ako naniniwala.

"To kasi ayaw akong pagdrive eh" sabi ko sa kanya habang sinusuot yung seatbelt.

"Hay nako, baka mabangga pa tayo pag ikaw ang nagdrive" sagot nya sakin.

"Grabe sya oh" sabay irap ko sa kanya
-------
Makalipas ang araw sa bahay ni Cam ay hinatid ako ni Matt sa bahay ko.

"Sige alis nako ah" sabi nya sakin habang pasakay na sana sa kotse nya.

"Gusto mo dito ka na kumain?" Tanong ko sa kanya pero agad syang umiling. "Osige, ingat ka ah"

"Sige. Sa monday ah" sabi nya

"Sa monday? Ano?"

"Uhh, pumasok ka ng maaga para hindi ka laging late"

"Ah... Ok, sige. Ingat" sabi ko sabay talikod sa kanya at papasok sa bahay habang nagmamake face.

"Late? Never pa naman ako nalate ah?" Bulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko ay si Nessa nalang ang gising.

"Bat di ka pa tulog?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi kasi ni mommy hintayin kitang makauwi. Inaantok na nga ako eh" sagot nya sakin sabay balik yung tingin nya sa tv.

"Ay ganon ba? Sige akyat ka na. Matulog ka na" sabi ko sa kanya sabay lapag ng bag ko sa table.

"Ok" sabi nya sabay inilapag yung remote sa upuan.

Patay yung ilaw bukod sa dining table. Magkasama parin kani ni Nessa sa iisang kwarto kaya makikita ko ulit sya. Nakakatakot sya tuwing tulog dahil nagsi-sleep walking sya gabi-gabi.

Dito sa sala ang nagiisang ilaw ay ang tv kaya hindi ko na muna pinatay. Ayaw ko ding buksan yung ilaw, ang layo kasi ng switch eh. Tamad ako.

Pumunta ako sa dining table at tinanggal ko yung mga nakatakip sa mga plato at tiningnan ko kung ano yung ulam.

"Wow spam. Sana pala dito nalang ako kumain" sabi ko sa sarili ko.

Kumuha ako ng isa at sinubo yun ng buong buo.

Umupo muna ako sa sofa bago umakyat. Pagod pa kasi ako. Nilipat ko yung channel ng tv sa news.

"Isang dalaga naligtas ng apat na lalaki sa isang grupo ng mga tambay" sabi ng news caster sa tv.

"Wow, ano yun superheroes?" Sabi ko sa sarili ko sabay patay sa tv at umakyat na sa taas, nagpalit ng damit, at natulog na.

Luke's POV
Hi ako si Luke Hemmings pinanganak ako sa Australia pero dito ako lumaki sa Pilipinas. May tatlo skong kaibigan ni Ash, Michael, at Calum. Yun yung tawag ko sa kanila.

Galing kaming bar. Syempre bad boy ata kami. Habang pauwi sana kami sa mga bahay namin ay may narinig kaming boses ng babae na sumisigaw malapit lang samin.

"Tulong!" Sigaw ng babae

"Pre narinig nyo ba yun?" Tanong ko sa kanila

"Pre, lasing ka na, baka guniguni mo lang yun nu ka ba. Tara na" sabi ni Ash sabay akbay sakin.

"Hindi eh. Tara puntahan natin" aya ko sa kanila

"Sabi mo eh" sabi ni Cal at sabay sabay kaming tumakbo habang sinusundan yung boses nung babae.

"Oy oy oy" sigaw ni Ash habang pasigang lumalapit sa lalaking hinahalikan yung babae.

"Kayo ba?" Tanong ni Michael habang sinusundan si Ash palapit sa babae at lalaki.

"Paki nyo ba?" Sigaw nung lalaki sa kanilang dalawa.

"Hoy! Wag kang magkakamaling awayin kami. Di mo kami kakilala" sabi ni Calum.

"Eh sino nga ba kayo?" Sabi nung lalaki sa amin. Halos isang hakbang nalang ay magkakalapit na kaming lima. Habang yung babae naman ay nakaupo lang sa damuhan habang umiiyak.

"Bakit ba gusto mong malaman? Baka matakot ka" sagot ni Ash habang nakangisi.

Hindi na nagsalita yung lalaki at sinuntok nalang si Ash. Si Ash talaga ang pinaka mayabang at matapang saaming apat.

Pero bago pa masaktan nung lalaki si Ash ay nahawakan nya agad ang kamay ng lalaki.

"Ako na ba?" Tanong ko

"Geh" sagot ni Calum

Sinapak ko yung lalaki sa muka nya. At sa lakas ng suntok ko ay agad nagdugo yung labi nya at napahiga.

"Takbo ka na" sabi ni Michael sa babae at agad naman syang tumakbo.

"Tumawag ka na din ng pulis. Susunduin nila tong ulol na to pauwi" sabi ni Calum at kaming tatlo naman ay tumawa

"Akala nyo ba hindi nako gaganti? Maghintay lang kayo" sabi nung lalaki sabay tumayo.

Naglakad din ito paalis pero hindi pa sya nakakalayo ay dumating na ang mga pulis at kinuha na sya. May kasabay din silang mga news caster. Ano to interview.

Lumapit samin ang mga news caster at sinimulang kausapin kami.

"Bakit nyo naman niligtas ang babaeng iyon?" Tanong nung babaeng may mic

"Gentleman ata to" sabi ni Calum sabay angat ng braso at pinakita yung muscles nya. Habang kaming tatlo ay tawa ng tawa.

Naglakad nako ng nasa bulsa yung kamay paalis. Wala akong oras para sa interview, interview na yan. Mas sasaya pako pagnakatulog nako eh.
--------------
First chapter palang yan guys. Sana hindi kayo magsawa magbasa ng story nato.

Bigyan nyo din ako ng magandang pangalan para sa love team ni Luke at Veronica.

Tysm xx

Instagram: joan_antonio1
Twitter: @catheeeee_

My Brother's Bestfriend // L.HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon