Chapter 2
Luke's POV
Naglakad ako ng nakangiti pauwi. Bakit bako nakangit? Para tuloy akong baliw dito.Pagbukas ko ng pintuan ay agad na bumungad yung nanay ko. Sesermonan nanaman ako neto. Lagi naman eh.
"Lucas, san ka nanaman nanggaling?" Tanong nya sakin habang nakatayo lang ako sa may pintuan at naka tingin sa ibaba habang sya ay nasa harap ko.
"Kasama ko lang yung tropa ko" sagot ko sa kanya sabay tingin diretso sa kanya.
"Pumunta nanaman kayo sa bar noh? Sinasayang mo lang yung pera natin eh" sabi nya sakin habang naglalakad palapit sakin.
"Hindi ako nagsasayang" sabi ko ng walang gana at pumunta sa may sofa.
"Hindi nagsasayang? Eh anong tawag mo dyan?"
"Nagiipon lang naman kasi ako. Hindi ako katulad ng mga basagulero kong mga kuya"
Sinampal nya ko at kita ko sa muka nyang umiiyak na. Ako naman kasi lagi may kasalanan eh.
"Wag na wag mong idadamay ang mga kuya mo dito dahil sila ay may pinagaralan at ikaw-" hindi ko na sya pinatapos magsalita at sumingit nako.
"Ano? Ano ako? Walang pinagaralan? Nagsasayang? Panira sa buhay nyo? Edi sayang lang pala yang mga pera nyo sa pagpapaaral sakin sa isang pribadong paaralan, sayang lang din pala ang hindi ko paghingi ng baon sa inyo dahil nagtratrabaho ako sa school kaya minsan nalalate ako ng uwi galing eskwelahan. Panira ng buhay nyo? Edi sana hindi nalang kayo naganak, sana hindi nyo nalang ako pinanganak." Sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko ay tumayo agad ako.
"Anak"
Hindi ko na sya nilingon at basta nalang lumabas ng bahay. Ano na kaya mangyayari sa buhay ko?
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at agad kong tinext si Calum.
"Bro"
"Ano? May problema ka noh?"
"Oo. Pwedeng makitulog muna sa inyo?"
"Sige lang. Parang bahay mo na din to"
"Sige salamat"
"Geh"
Agad agad akong pumara ng taxi at sumakay doon.
------
Roni's POV
Nung malapit nakong makatulog ay biglang may narinig ako ng napakalakas na pagsarado ng pinto."Ano yon Roni?" Sabi ni Nessa sabay tayo. Pareho kaming nagulat.
"Hindi ko nga alam eh. Tingna natin?" Sabi ko sa kanya ng mga takot sa muka. At agad naman syang tumango.
Bumaba kaming dalawa ng dahan dahan at agad naman namin nakita yung kuya namin. Si kuya Calum.
"Kuya?" Tawag ko sa kanya. Nakaupo na sya don sa sofa at halatang lasing.
"Lasing nanaman sya" pagpatuloy ni Nessa.
"Oi kambal. May dadating. Tulungan nyo ko magayos ng bahay." Grabe sya oh. Grabe makapagutos.
"Sino kuya?" Sabi ni Nessa habang sabay kaming naglalakad papalapit sa kanya.
"Si Lucas" sabi nya habang papikit pikit pa. Lucas? Baka yung kaibigan nya. Luke yung tunay nung pangalan pero tawag ni kuya Lucas.
"Ah ganon ba?" Sabi ko sabay kamot ng ulo. "Tara Nessa linis tayo" sabi ko sabay patalon na tumayo.
"Sige" sabi nya tapos patalon na tumayo habang ang laki ng ngiti sa bibig nya.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend // L.H
Fanfiction"When you thought there was no one, i was still right here. I'll always be right here" he said then he move forward. I closed my eyes and feel his lips to mine...