Third Person's POV
"Late na ko! Late na ko!" natatarantang sabi ni Sierra sa sarili. Kakagaling niya lang sa studio ng It's Showtime at kakatapos lang din magshoot ng programa. Dahil sa katarantahan, nakabangga niya ang isang lalaki kasabay din nito ang pagtapon ng mga gamit niya sa sahig.
"Ay sorry! Sorry po talaga!" paghihingi niya ng tawad. Tumingin siya sa lalaki at laking gulat niya nang mapagsino iyon.. si Ronnie Alonte, one of those Kilig Ambassador na HASHTAGS ng Showtime at takenote, iyong crush niya. Hindi niya malaman ang gagawin. Kung sisigaw ba siya o tatakbo. Sa sobrang gulo ng isip niya, hindi na siya nakagalaw pa. Nakatulala lang siya sa medyo badboy na hottie. Tinitigan niya nalang ang binata."Ronnie, papicture." nasambit niya. Nakangiting napatango nalang ito. Agad niyang hinanap iyong phone niya sa nahulog na mga gamit. Narinig niyang tumawa ito.
"Maya mo na hanapin. Iyong phone ko nalang gagamitin natin." napatigil siya sa paghahanap at tumingin dito. Parang naengkantong napatango nalang siya nang makita iyong ngiting iyon. Nagpwesto agad siya sa tabi nito at sabay ngumiti.
"RON! TARA NA!" tawag ni Rhyle mula sa van na sasakyan nila. Napalingon sila doon.
"Sige, papunta na." sagot naman ni Ronnie. Tumingin ito sa kanya."Sige, ipo-post ko nalang 'to." he tapped her shoulder and left.
"Hahanapin ko nalang!" pahabol niya dito. Tumakbo na ito papalapit sa van at sumakay doon.
Nang makaalis na ito ng tuluyan ay saka siya nagising sa realidad. At narealized niya na, mismong si Ronnie at kumuha ng picture nilang dalawa. Nakangiting lumabas siya ng compound at naghanap ng masasakyan.
****************
"Napost na niya kaya?" si Sierra habang binabrowse ang official page ni Ronnie."Wala pa." inihiga niya iyong katawan niya sa kama at inalala ang nangyari kanina.
Grabe, ang swerte ko naman, nangangarap na sambit niya.
Niyakap niya iyong katabing unan at inimagine na si Ronnie iyon. Humarap ulit siya sa laptop at nagbrowse ulit at ayon! Naipost na. Nakita niyang maraming naglike at nagcomment.
*grabe ang swerte naman ng girl
*wow! si ronnie pa iyong nagpicture.. sino kaya iyon?
*girlfriend niya kaya?
*parang fan lang pero ang swerte niya!
at iba pa..
Tiningnan niya ng maigi iyong picture. At napunta sa binata ang tingin niya. Kahit picture lang iyon, nakikita niya parin iyong totoong mukha ng binata. Iyong tipong namemorya niya iyong mukha nito sa isang tingin lang. Agad niyang nilike iyon at nagcomment.
*Thanks po papa Ronnie sa picture! Sobrang happy ako finally!
At agad nagsireply iyong iba sa comment ko. Marami narin iyong likes nito.
- Ikaw iyan te? wow swerte mo naman!
- wow! ang swerte mo naman .. sana someday ako din.
Masayang binasa niya iyong mga comments. Iyong tipong proud siya. Ni-save niya iyong picture at ginawang wallpaper ng desktop niya. Nang matapos niya iyong gawain niya at natulog na siya. Dala niya sa panaginip ang binatang labis na hinahangaan.