DAY 2

71 1 3
                                    

Sierra Gabriel Mendoza's POV


"Uy, nakita ko iyong pic mo with Ronnie, ha? Saan iyon?" bungad ng kaklase kong si Demi. Umupo ako sa upuan ko.


"Sa parking lot iyon ng ABS-CBN. Kakatapos lang ng showtime. Saktong nabangga ko siya doon." inayos ko iyong bag ko.


"Ba't di moko sinama?" nagtatampong tanong niya sakin. Tumingin ako sa kanya.


"Tinext kita. Di ka nagreply. Kasalanan ko?"


"Ha? Tinext moko? Ba't di ko nabasa?"


"Malamang, sira na naman iyang phone mo. Kung bakit kasi 'di pa bumili ng bago."


"Narinig ko iyon! Hello? Wala akong naipon. Dahil dun sa peste kong ex-boyfriend, naubos."


"Pinaubos mo naman!" binatukan ko siya."Kung hindi ka naman kasi tanga, alam mong niloloko kana, nagbubulag-bulagan kapa. Kaya, anyare? Binuntis niya iyong babae niya. At ano? Sayo maghihingi?"


"Ay, grabe siya oh? Anong drama mo ngayon, te? Hindi kaba masaya sa nangyari sayo kahapon? At ako iyong napagdiskitahan mo?" habang hinihimas-himas  iyong ulo niyang nabatukan ko.


"Eh totoo naman kasi eh.. ilang ulit na kitang sinabihan." tumingin ako sa kanya.


"Tapos na iyon, ano ba. Atsaka, kahit sabihin kong nakamove-on na ako, hindi ka rin maniniwala. Alam kong mahaba-habang proseso pa iyong pagmove-one, pero itatry ko." ngumiti ito.


"Sorry. Eh kasi naman, ang tigas ng ulo mo!"


"Oo na, matigas na iyong ulo ko. Pero, love mo naman eh." ngumisi siya. Yung ngising iyan ang ikinatatakot kong lumabas sa bibig niya eh.


"Ano na naman iyan?"


"Wala. May naiisip lang ako..."


"Ano iyan?"


"Kung ano iyong naging reaction mo nung makita mo si Ronnie.. iniimagine ko palang parang nakakahiya na." nagpipigil ng tawang sagot niya.


"Sobrang nakakahiya."


**********

Ronnie Alonte's POV


"Ron, sino iyong babaeng nasa wallpaper mo?" si Zeus. Napatingin ako sa kanya.


"Ha? Wala iyan. Fan." sagot ko dito.


"Fan? Nasa wall? Uyy," si Rhyle.


"Alam ko na iyong iniisip mo, Rhyle. Iyan din iyong iniisip ko eh." si Nikko.


"Uy! Wala iyan! Shesh, naalala niyo ba iyong babae na pinakita ko iyong picture nung bata pa ako?"


"Siya yun?" si Jameson.


"Ata? I don't know.."


"Nge? Crush mo lang siguro." panunukso ni Nikko.


"Hindi nga!"


"Deny pa, R2. Napapaghalataan ka." si McCoy. Napahilamos nalang ako ng mukha ko.


"Ewan ko sa inyo kung ayaw niyong maniwala. Fan nga lang kasi talaga iyan.."


"Explain mo nga kung bakit nasa wall ng phone mo iyang picture niyong dalawa?" naiintrigang tanong ni Zeus.


"Wala nga! Ba't ba big deal iyon sa inyo, ha?! Let's just say, naapreciate ko yung.. yung suporta niya. He he he." napapikit nalang ako.


"Naapreciate daw? Ang sabihin niya, crush niya talaga iyon noon pa." paririnig ni Rhyle.


"Argh! Bahala kayo diyan!" tumayo ako at lumabas ng dressing room. Nakakabwisit talaga yung mga iyon.


"Oh, ba't salubong yata kilay mo?" napalingon ako sa nagsalita, si kuya Vhong.


"Wala po, kuya Vhong. Napagdiskitahan kasi ako, eh." natatawang pagsusumbong ko dito.


"Kayo talaga. Maghanda na kayo dahil maya-maya prod niyo na." he tapped my shoulder at iniwan na ako.


"Sige po!" pumasok ulit ako sa dressing room. "Maghanda na daw tayo para mamaya." tumango sila at nagsitayuan na. Naghanda na kami para sa sayaw namin mamaya sa introduction.



THE DAY I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon