Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sierra Gabriel Mendoza's POV
Sigaw ako ng sigaw habang nanunood ng It's Showtime. Sumasayaw kasi ngayon sina Ronnie. Grabe, naalala ko iyong picture naming dalawa. That was the first time na tinitigan ko lang ang isang lalaki. As in, nakakahiya yung time na yun. Hindi ko talaga alam kung bakit ganun iyong ikinilos ko. Oo, dahil idol ko siya. Oo, dahil crush ko, ay mali, mahal pala. Oo, dahil fan niya ako. Lahat ng katangian ng malandi, nasa akin na. Nakaka-kilig parin at the same time. Alam mo yung feeling na siya yung nagpicture samin dalawa tapos phone pa niya. At yung pinost pa niya in public. Waaaaaah! Gusto ko nang magbigti nun, eh. Pero, hindi pwede dahil may future pa kaming dalawa. Landi ko! Hahaha! Makita ko lang siyang sumayaw habang ngumingiti, buo na araw ko. Tinitigan ko siya sa TV.
Ba't ang gwapo mo, R2? Hanggang picture lang ba talaga tayo? O may nakalaan talaga sating dalawa? Yung emotional attachment. Yung may nararamdaman ka din sakin. Hay, sana nga meron no?
Hanggang panaginip lang talaga ako. Yung hanggang imagine lang. Yung hanggang tingin lang kita sa TV. Di bale, dadalawin kita diyan sa studio niyo. Kung pwedeng sumigaw para mapansin mo 'ko, sisigaw ako kahit pinagtitinginan ako ng mga tao. Ganun ako ka-loyal sayo, R2. Ganun kita kamahal. Di bale nang mapahiya ako atleast, napansin mo ko diba? Okay na ko dun.
Dinial ko si Demi,
(Hello, Gab?)
"Punta tayong Showtime, Dem. Pwede ka?"
(Kailan?)
"Ngayon."
(Seryoso ka? Hindi na tayo makakapasok 'nun. Bukas nalang, saturday. Pwede ako.)
"Sige. Bukas, ha!"
(Oo! Basta maaga tayo para may upuan tayo.)
"Gusto mo pang gumising ako ng alas-dose, eh."
(Siraulo ka talaga! Basta, bukas.)
"Anong oras?"
(Mga 6am?)
"Sige sige."
(Shoot.)
"Sige, bye! Bukas, ha!"
(Oo nga! Kanina kapa, eh. San pala tayo magkikita?)
"Dun nalang sa audience area."
(Sige sige. Bye.) end call.
Makikita na ulit kita, R2! Sasamantalahin ko na iyong pagkakataon. Magpapagawa ako ng Banner para sayo. Bahala nang maubos ang pera ko basta susuportahan kita. Susuportahan kita!
Bigla namang nag-ring ang phone ko, tiningnan ko iyon. Unknown number? Sino naman kaya tatawag sakin? Sinagot ko iyon.
"Hello?"
(Hi.) baritono ang boses nung sa kabila.
"Sino 'to?"
(I'm Ronnie Alonte's manager. Pwede ka bang pumunta bukas sa studio? You can still access early dahil may permission ka.)
"T-talaga po? Bakit po?"
(Basta, pumunta ka lang. See you.) end call.
Oh my! Oh my! Ano yun? ANO YUN?! Destiny, nandiyan kaba? Waaah! Salamat sayo. Sobra.