Swimming Pool

40 0 0
                                    

" Ano ba naman yan, Julia? Pool party nga eh, tapos, hindi ka magsiswimming? " pang-aasar ko sa kaklase kong si Julia na ayaw magswimming.

Tsssk. Sayang naman yung effort ni Jade na mag reserve nitong resort kung hindi naman namin maeenjoy. Buti na lang at ako, si Samantha, ay kaclose ko si Jade.

" Eh. Ayoko. Hindi ako marunong magswimming eh. At saka, baka malunod ako, hindi ko abot yung sahig eh, maliit lang ako eh! " sagot naman ni Julia.
HAHAHAHA! Paiyak na ata toh eh.

So, hindi ko na siya pinansin at tinuloy na lang pagsiswimming ko.
Hanggang gabi kami nagswimming kase overnight stay naman kami dun, saka may pagkain naman so, wala kaming intindihin.

Gabi na, mga bandang 8:30 na ng gabi, umahon na ako kase malamig na yung tubig, saka ako na lang kase mag-isa sa pool, lahat sila andun na sa mga room.

Pag-ahon ko, napatingin ako ulet sa tubig kase may nakita akong itim sa ilalim.
Itim siya, at, para siyang buhok ng tao..

Geez. Namamalik mata lang ata ako.
So, shinake ko na lang yung ulo ko at as I expected, nawala yung black hair-like thing dun sa ilalim.

Gosh. Kailangan ko na talaga magpahinga. Kung ano-ano na nakikita ko eh!

Pagkatapos ko maligo, at magbihis, humiga agad ako sa bed na shinishare ko with Julia and Izzia.
Malaki naman kase yung bed so, kasya kami. Saka payat naman yung dalawa eh.

Naglaptop muna ako at nag Facebook.
So, search search, stalk stalk, chat chat....

Mga bandang 10:30, inantok na ako so natulog ako..

Nagising ako ng bandang 3 am kasi nanaginip ako ng masama, as in, masama.
Ano? Napaginipan ko may humila daw saken na babae sa ilalim ng pool at nalunod ako.
As a human, instinct na natin agad na magising kapag ganun ang panaginip.

Tinry kong matulog kaso hindi ako makatulog.
So, bumaba na lang ako at tumambay sa may pool.

Umupo ako sa may pool at nilublob yung mga paa ko sa tubig.
Oooh. Ang lamig.

Habang nagcecellphone ako, nakita ko na naman yung black hair-like thingy dun sa pool.
Nilapit ko yung tingin ko at
.
.
.
.
.
.
.
.

Biglang may nakakatakot na mukha ng babae ang nakita ko at hinila ako nito sa ilalim ng tubig.

Pagsapit ng umaga, hinanap ng mga kaklase ni Samantha si Samantha.

" Huy. Eto oh! " biglang sigaw ni Gabriel.
Lumapit naman ang mga kaklase niya at nakita ang cellphone at tsinelas ni Sam.

" AHHHHHHHHHHH! " biglang sigaw ni Julia.
Nagsilapit naman ang mga kaklase nila at nakita na nila si Sam, nakadapa at lunod na sa pinaka malalim na parte ng pool.

____________________________________________________

Sorry kung hindi siya nakakatakot. Beginner lang kase ako. LOL. Peace guys.

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon