Good Night

22 0 0
                                    

Ano? Matutulog ka na ba? Teka.
Wag muna. May mga ipapaalala lang muna ako sayo.

Yung babae sa may pintuan mo, pansinin mo naman.

Yung batang lalaki sa ceiling mo na nakatitig lagi sayo, tignan mo din siya.

Yung pugot na ulo ng lalaki sa may tabi mo, nahanap na ba katawan niya?

Yung duguan na babae sa ilalim ng kama mo, tawag ka ata.

Yung matandang babae sa may CR niyo, iniitay ka na.

Yung mallit na batang babae na akala mong sinusundan ka, hindi yun totoo. Lagi lang siya nakiki kumot sa kama mo. Ngayon nga, nasa kumot mo siya eh.

Yung malaking halimaw sa labas ng bintana mo, silipin mo naman.

Yung babaeng nasa may paanan ng kama mo lagi, paupuin mo naman sa kama mo.

Saka, yung isa pang babae na mahaba buhok, nakaputi saka may kutsilyo, ayan oh. Nasa likod mo na.

Oh, ano? Okay na? Sige. TULOG KA NA.

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon