Jeepney

11 0 0
                                    

" Ano ba naman yan?! Hindi ko na naman naabutan yung last trip ng jeep. " sabi ko sa isip.

Alas-dose na kasi eh, eh 11:30 ang last trip ng jeep papunta sa subdivision..

So, no choice. Maglalakad ako.

Naglalakad na ako ng biglang may bumusina galing sa likod ko.

Napatingin naman ako at nakita ang isang jeep.

" YAHOO! " sabi ko ulit sa isip ko at napangiti ako..

Pinara ko yung jeep, tumigil naman..

" Manong, papunta ba toh ng TerryTown Subdivision? " tanong ko dun sa driver.

Tumango lang siya tapos sumakay na ako sa likod.. Ayoko ngang tumabi kay Manong Driver, hindi kami close eh.

Pagsakay ko sa jeep, may nakita akong babae sa may dulo. Yung sa likod nung upuan nung driver.

Lumuwag naman loob ko, hindi ako mag-isa...

Nagbayad ako, sinisilip ko yung mukha nung babae kaso hindi ko maaninag yung mukha niya kasi nakatalikod siya. Naka dungaw kasi siya sa bintana eh.

So, hinayaan ko na lang. Bumalik na ako sa upuan ko at umidlip..

Pagkagising ko, nasa loob na kami nung subdivision namin.

Nung nasa harap na kami nung gate namin, nagpara na ako.

Nung bumaba ako, tinawag ako ni Manong Driver.

" Bakit po? " tanong ko.
" Miss. Sa susunod, wag ka na magpapagabi ha? " sabi ni Manong.

Nagtaka naman ako.
" Bakit naman po? " nagtataka kong tanong.
Huminga siya ng malalim ay nagsalita at naging dahilan yung ng pagtayo ng balahibo ko aa katawan. Sabi niya, " Kanina kasi, pagkatapos mong magbayad at pagidlip mo, nung sinilip kita may babae kang katabi. Tapos, nakatitig lang siya sayo. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon