Chapter 4

46 2 0
                                    

Jason's Pov

"Bat hiwahiwalay pa?! Ha?! Tas kailangan by partner pa!" pag mamaktol ng kasama ko. Sa feeling ko lang ha, sinusumpa na kasama niya ko. Sa ka-pogian ko, di man lang siya tinatablahan ng cute charms ko. Ligawan ko kaya... Playboy Button: Activated.
"Hayyy nako Jillian ayaw mo ba ko makasama? Grabe naman! Na skip ko tuloy yung ibang subjects, lalo na yung music!" sabi ko habang naka tingin sa kanya. Hmm maganda rin pala tong babaeng to!
"Sige lang!! JASON! Tingin lang!! Pag ako namatay, ng dahil sayo! Mumultihin kita araw-araw. AT!! Pasalamat ka di ka naka pag quiz kanina sa teacher nating panot eh!" sabi niya. Di talaga effective ang charms ko dito, sa babaeng to eh! Tsss.

"Maganda ba hotel and resort niyo?" pag basag ko ng katahimikan. Tahimik ng babaeng to eh! Kala ko pa naman madaldal, hindi naman pala. O baka nahihiya sakin. Gwapo ko kasi e.

"Yes! Our hotel and resort is pretty. Katulad din ng may mga ari. Magaganda at Gwapo HAHA. Btw Bakit mo na tanong?" sabi niya.

"Wala akong tinatanong about sa may mga ari ng hotel! Ok?" sabi ko sabay tingin sa kanya. Napa-irap na lang siya HAHA cute.

"Oo na! Bakit mo ba natatanong?" sabi nya.

"We are planning a suprise party for Ate Janelle. Complete na ang lahat ng plans, except sa venue. And can I have a request?" sana makatulong tong babaeng toh.

"Oh sige. Ano ba yun?" sabi nya, habang nag cecellphone

"Pwede bang absent tayo bukas? Ipapaalam kita kay dad. Pwede bang i-tour mo ko sa resort nyo?" sabi ko. PUMAYAG KA JILLIAN!!!

"Pwede naman. Pero siguraduhin mo na ipag papaalam mo ko! Pag hindi!"sabi nya.

"Pag hindi ano?" sabi ko, sabay tingin sa kanya. hahaha

"WALA!" sigaw nya sa akin, sabay irap. Ang cute nya haha

Vanessa's Pov

"He's the reason for the teardrops on my guitar~" pagkanta ko. ang tagal kasi mag bihis ni Tyler e.

"V-vanessa... Gwapo b-ba ko?" tanong ni Tyler pag labas ng dressing room.

*smirk* "Oo naman. Ikaw pa ba? " sabi ko. Di ko alam kung bakit naging kaibigan ko to. Sya si Mark Tyler Santiago, Team Captain ng Basketball, tahimik,habulin ng mga mahaharot. Mukha syang tahimik na tao pero abnormal yan.

Czarina's Pov

"Kuya James!!! Bat yung dalawang bunso may ka partner!! Tas ako wala! Nganga!" sabi ko sabay pout. Nakakainis naman kasi!! Ako panganay sa babae tas wala akong partner! Aba!! Ang galing!! ToT
"Hayy nako Czarina... Ang dami dami mong mang liligaw pero wala kang pinili" sabi ni kuya James.
"Meron kaya akong gusto maka partner, pero ayaw mo- nyo lang" sabi ko.
"Tss sa ginawa nung grayson na yun, gusto mo pa sya. Tss" sabi ni kuya, while smirking.
Bat kasi galit na galit parin sila kay Grayson hanggang ngayon? At tsaka di naman si Grayson ang may gawa nun e. Ako!

Flashback... 2 years ago

"Czarina, lets talk!" diin na sabi ni grayson, sabay hila sa akin palabas ng room.
"S-sige" sabi ko at nag pahila sa kanya ToT
Tingin ko may mangyayari na masama pag katapos nitong pag uusap na to!

"Czarina, I'm breaking up with you" sabi ni grayson. Sabi na eh! May masamang mangyayari pag katapos nito e! Tumango tango na lang ako, at umalis na dun.

"Czarina!!! Dapat kasi di mo na lang pinayagan e!!" sigaw ko sa sarili ko, sabay palo na manibela.

Nag drive lang ako na nag drive, kahit lumalabo na yung paningin ko dahil sa mga luha ko. Kainis!! Ang sakit... Iyak ako ng iyak. And everything got black.

Oh my gosh. Ano to? Czarina!!
"Dugo!!!" sigaw ko, ng nakakita ako ng dugo sa mga kamay ko. Mygahd!! Ano to??? Czarina!! Ano na namang kalokohan to!!

Hinanap ko phone ko para may makatulong sa akin..
*hanap*
*hanap* Ayun!!
Dinial ko kaagad number ni kuya james.
*ring*
"Hello?"
"KUYA JAMES! BUMANGGA YUNG KOTSE KO SA POSTE!!" sigaw ko T__T Natatakot ako!
"What?!! Nasaan ka?" galit na sabi ni kuya james.
"Nandito ako malapit sa condo ko" sabi ko na ng hihina. Sakit ng ulo!! Malamang bumangga ka nga e.
"Antayin mo ko!! Wag kang mag panic!!" sabi ni Kuya James.
"Pfftt kuya mukha nga ikaw ang nag papanic diyan e" sabi ko, sabay tawa.
"Kahit kelan ka talaga Czarina. Na aksidente ka na nga kaya mo pa tumawa" sabi ni kuya sabay baba ng phone. Nakatulog na ko dahil sa sakit ng ulo ko.

~

-_-
0_0

Wahh~~ Bat puti lahat nasa paligid ko? My G!!! Patay na ko??! Makikita ko na, sila Lolo at Lola!!

"czarina! Lumaban ka! Papatayin ka pa ni BJ" rinig ko na sabi, ni...
KUYA JAMES 0_0

"Kuya? Patay ka na rin? Makikita na natin sila lolo at lola."sabi ko sabay babangon dapat ako, ng biglang sumakit ang likod ko! At pag tingin ko sa gilid ko, may mga nurse at may doctor. Bigla ko na lang naalala na bumangga ang kotse ko sa poste.

"Bat bumangga kotse ni Czarina?" tanong ni... KUYA HANCE?? Bat nandito syaa! Malamang Cza, nag aalala din sayo yan.
"Di ko alam kuya. Basta tinawagan na nya lang ako kanina, na nabangga daw kotse nya sa poste. Sya na lang ang tanungin mo" sabi ni Kuya James. MALALAMAN NA NILA! T-T "

"Cza, diba lagi ka namin tinatanong kung meron ka ng boyfriend? And you always say "wala" mahinahon na sabi ni Kuya Hance.
"Natatakot kasi ako Kuya eh." and my tears starts falling.

"Cza, mag kakapatid tayo. Libreng libre ka mag open ng problems mo sa amin. Alam mo naman na ayaw ka namin masaktan diba?"
"I'm sorry. Kuya Hance and Kuya James."

*flashbacks end*

Yun ang Reason, kung bakit galit sila kay Grayson. Hindi lang si Kuya James ang galit sa kanya, kung hindi ang buong angkan namin. At ngayon, binigyan ko ulit ng chance si Grayson, para mangligaw. Pero this time di ko na hahayaan, na mafall ako ulit sa kanya. At isa pa nandyan ang mga kapatid ko para protektahan ako. Kaya mahal na mahal ko yang mga yan eh :*

Mr. Playboy meets Ms. Playgirl with De Silva FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon