Too Close

379 9 3
                                    

Mood:
Ariana Grande's
Too Close

******

I was just his friend. Pero di ko ine-expect na gusto niya pala ako. That Alden would return the feelings that I have for him for almost half of my existence in this world. Well, I must say na hindi ako yung babaeng matitipuhan niyang maging girlfriend. I was the Ugly Betty sa magkakaibigan. But after I realized na siguro kailangan ko ding mag-ayos ng sarili ko, nagawa ko namang ilabas yung confidence na matagal ko ng tinatago. Sabi nila, I'm smart, kailangan ko nga lang din daw talaga na magkaroon ng malupit at humahagupit na confidence, na simula pa lang ng bata ako eh talagang wala ako. And now, here I am. With the guy I love for the longest time. Dati kong bestfriend but now my very best man.

"Maine, look at you! You look gorgeous! Iba talaga nagagawa ng confidence mo, girl!" Bati ni Valeen sa'kin, isa sa mga kaibigan namin nila Alden, together with Jerald. Simula gradeschool eh magkakasama na kami niyan hanggang college, although magkakaiba yung course na kinuha namin. Alden took Engineering, Jerald, Valeen's boyfie, sa Business, at Valeen and I sa Interior Designs. Naging mas confident ako nung college unlike nung high school na mukha akong losyang na matanda. Although napapansin at nakakausap ko naman si Alden when we were in high school, di ko lang din talaga maisip kung bakit niya ako nagustuhan. Ewan ko ba.

"Well, girl. Ganun talaga." Pangiti kong sagot sa kaibigan ko.

"Kamusta na kayo ni Alden huh? Di ba crush na crush mo yun nung high school? Ayy hindi, in love ka sa kanya nung high school, well until now naman di ba?" Pahagikhik niyang sabi. Kinikilig naman ang loka. Ever since kasi, sobra ang supporta niya sa MaiDen, kung tawagin niya.

"Okay naman kami. Akalain mo, dating pinagpapantasyahan ko ngayon boyfriend ko na!" Patawang sabi ko. Gaya nga ng sabi ko, di ko talaga ineexpect na aabot sa boyfriend and girlfriend thingy yung frienship at pagiging close namin nung high school at college. "Sino ba naman kasing di magkakagusto dun, maliban sa gwapo at pagiging gentleman, matalino pa! Ano pang hahanapin mo."

"Bagay nga kayo. Parang dati, naalala ko, tinatawag ko pa kayong dalawang Beauty and the Beast, siya yung beauty ikaw yung beast." Naaalala ko nga. Kasi di talaga ako natutong mag-ayos noong high school. Natawa na lang ako. "Kasi naman girl, ang itsura mo noon, naka-eyeglass, may braces, ang daming pimples tapos di ka pa nagsusuklay. Well, I must say, ang pangit mo noon. But now, Maine, oh my golly, kabog mo na ako ohh!"

Naalala ko yung time na nag-confess ako kay Alden ng feelings ko. Girl don't usually do that thing, dapat lalaki ang nauuna. Pero...

"Alden, uhm... May sasabihin sana ako." I was nervous that time. I don't know but iba talaga yung feelings na may itinatago. Parang ang bigat sa pakiramdam.

"Oh, ano yun, Meng?" Tanong niya at saka humarap siya sa'kin.

Lalo lang akong kinabahan. Yung dimples niya. Yung ngiti niya, nakakatunaw. I mentally freaked out kasi naman, kung makatitig siya grabe talaga. Nagtataas-baba pa yung kilay niya, naghihintay sa sasabihin ko.

Kailangan ko lang ng lakas ng loob. Wala ng atrasan to.

"Den... I think... I like you." Sabi ko. Feeling ko kakawala na yung puso ko sa katawan ko sa sobrang pagkakaba. Grabe! Nakakaloka. Pero parang gumaan na din yung pakiramdam ko. At least, nailabas ko na yung nararamdaman ko para sa kanya.

The AlDub Playlist (AlDub/MaiDen One Shot Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon