My Sweet Revenge

717 15 3
                                    

Prologue

Madilim

Mainit

Maingay

Ano bang nangyayari? Asan ba ako? Bakit ang dilim? Bakit may piring ang mata ko? Tapos ibat-ibang boses pa ang naririnig ko.Mga lalake. Sinubukan kung igalaw ang kamay at paa ko pero nakatali.Ayoko na. Natatakot na ako.

*BLAAG!*

"Tangnang syet yan! Putang-ina mo! Ako dapat nanalo gago ka!"

Nakakatakot ang mga boses nila.

"Pakyu pare! Tanggapin mo nalang na talo ka, panalo ako.Mwuahahahaha!"

Parang mga demonyo ang nag-uusap.

"Puta Pare! Tumahimik ka nga!...Teka, parang gising na si miss Byutipul."

May mga yapak ng paa akong naririnig papalapit sakin. Tapos tinanagagal nila ang tela na nakatakip sa mga mata ko.Pagbukas ng mata ko, may tatlo akong nakitang mga lalake.

Nakakatakot ang mga itsura nila.Itim lahat ang suot. Hindi naman sila pangit. Hindi gwapo.Nangangalay na ang mga kamay at paa ko.

"K-Kuya, Please po. Pakawalan niyo na ako. Itigil nyo na to." Sabi ko habang pilit na ginagalaw ang kamay ko. Ang hapdi na ng sugat.Ang higpit kasi ng pagkakatali.Parang nanghihina andin ang buong katawan ko. Parang pagod na pagod. Pinagpapawisan na din ako ng malamig.

"Sorry, miss. Napag-utusan lang."sabi nung isa na nakajacket na itim.

Tapos tumayo sya at buamalik sa kinauupuan niya. Sumunod naman ang dalawa nyang kasama. Tatlo lang sila dito.

*******

Araaaaaaay. Ang sakit na sobra ng sugat ng wrist ko. Sumasakit na din ang ulo ko. Ano ba kasing kailangan nila? Pagod na ako. Ang sakit sakit na ng buong katawan ko. Sinubukan kong sumigaw para humingi ng tuong pero sabi nila kahit daw buong gabi pa akong sumigaw wala daw'ng makakarinig sakin. Tahimik nalang akong napaiyak habang nakayuko. May plato sa harapan ko na may pagkain pero wala akong gana. Pakiramdam ko parang mamamatay na ako dahil sa pagod na nararamdaman ko. Parang katawan ko na mismo ang bumibigay. May lason ba silang ininject sakin kanina para ganto ang maramdaman ko.? Hindi ko na ata kaya. Gusto ko ng pumikit.

*BLAAG!*

Napadilat ang mata ko sa gulat.Napatingin naman ako sa pinto kung saan galing ang tunog kanina.May nakatayo na lalaki: Maputi,matangkad, makisig ang katawan at naka-itim din sya lahat.Nakakatakot ang aura niya.

"Boss, nandito na pala kayo." sabi nung tatlong nagbabantay sakin kanina pa.

Hindi sila pinansin nung lalaki.Instead lumapit sya sakin. Lumuhod sya sa harapan ko para maka-level nya ang mukha ko.Nagsmirk sya tapos hinawakan nya ang baba ko. Ang higpit.

"A-Aray" nahihirapan akong magsalita dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.

"Mas masasaktan ka pa mamaya." tapos tumayo sya at lumapit don sa mga alalay nya. May pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig.Ang sakit na sobra ng kamay ko.

"LHYT!" Napatingin uli ako sa pinto kung saan may sumigaw.

Kilala ko siya. Siya lang ang hinihintay ko.

"K-Kuya.." pabulong kong sabi.

Tumingin naman si kuya sa lalaki na parang boss nila. Nagsmirk naman yung lalake.

"GAGO KA!!!" susugod na san si kuya kaso hinawakan sya ng mga tauhan ng lalakeng boss.

Galit na galit sya. Ngayon ko lang sya nakitang nagalit.

Nagpupumiglas sya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.

Kuya, tulong. Hindi ko na ata kaya.

kinalagan ako ng mga tauhan ng lalaki at pilit na pinapatayo.Hinahawakan nila ako sa braso para hindi ako matumba.

"TANGINA!! HUWAG NA HUWAG MONG SASAKTAN ANG KAPATID KO GAGO KA! BITAWAN NYO AKO!!" sigaw ni kuya Rayven habang nagpupumiglas.

"Shhhhh. Relax, Ray. Nagsisimula palang tayo... At hindi ko sya sasaktan... Papatayin ko lang." Then he grinned. May nilabas sya mula sa likuran ya.

Nanlaki ang mata ko sa hawak nya.

BARIL

Nakatutok sakin.

"Fuck you, Mark! DON'T YOU DARE HURT MY SISTER OR ELSE I'LL KILL YOU!! FUCK BITAWAN NIYO AKO!"

"Oh talaga? Papatayin mo ako? Eh kung ikaw kaya ang unahin ko?"

"No!" napasigaw ko dahil tinutok ni Mark ang baril kay kuya.

"Ako nalang. Huwag mong sasaktan ang kapatid ko. Maawa ka. Please huwag."pagmamakaawa ko sa kanya.

"Aww. How sweet... and pathetic. Pero sorry dahil uunahin ko ang nang-agaw ng dapat ay akin."Mark

"HINDEEEEEEEE!!!"

*BANGBANG!!*

"KUYA! KUYA! ANO BA! BITAWAN NKYO AKO! KUYAAAAAAAAA!" agad naman akong tumakbo sa katawan ng kapatid ko.

"Kuya, please. Huwag kang pipikit.Please huwag. Huwag mo akong iiwan. Please." Tulo na ng tulo ang luha sa mata ko. Ang daming dugo ang dami.

"H-huwag k-k-kang iiyak..Ayaw ki-tang na-kik-itang umi-ii-yak..Arrg!"

"Huwag ka ng magsalita. Mas mahihirapan ka. Please kuya huwag kang pipikit. Please," hindi ko magawang pigilan ang pag agos ng luha sa mata ko.

"Tsh, Pathetic."

"IKAW! Walang hiya ka! Demonyo! Demonyo kayong lahat!" gusto ko syang suntukin, kalmutin, sampalin, bugbugin at pahirapan pero hindi ko magawa dahil nakahawak ako sa kamay ni kuya.

"It's ... okay... L-Lhyt." Pumikit sya ng mariin dahil siguro sa sakit na nararamdaman nya. Mai napaiyak ako dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Mas humigpit ang pagkahawak nya sa kamay ko.

"Magpapakabait ka ha? Alagaan mo ang sarili mo. Kumain ka ng madami para hindi ka mangayayat." Sabi nya ng pautal-utal at nakakapit sa kamay ko.

"Kuya naman eh..." ngumiti sya ang pilit. Alam kung nahihirapan na sya. Pero ayoko ko pang iwan nya ako.

"Basta... Magpapakabait ka...Alagaan mo ang sarili mo...Huwag kang maging pabaya.."

"Kuya, huwag mo naman akong iwan.."

Ngumiti sya tapos hinawakan ang pisngi ko."Hindi ka iiwan ni Kuya.Kahit saan ka man, kasama mo ako lagi hindi kita papabayaan..

"Mahal na mahal ka ni kuya, Lhyt..." parang gumuho ang mundo ko ng pumikit sya at nawalan ng lakas ang kamay nya at bumagsak sa semento.

"Kuya.."niyugyog ko sya"Kuya,Kuya, Gising! Gumising ka! KUYAAAAAAA!" hindi na sya humihinga. Hindi din sya dumidilat at gumagalaw kahit anong yugyog ko sa kanya. Ang putla-putla nya.

Wala na sya.humaggulhol nalang ako sa dibdib nya. Hindi na tumitibok ang puso nya. Wala na ding pulso.

Pinatay siya. Pinatay siya ng Demonyo. Demonyo na may itim na pagkatao para gawin sa kapatid ko ito.

Hahanapin ko sya, Maghihiganti ako. Para sa buhay na nawala.

Ipapatikim ko sa kanya ang sakit.

He will taste

MY SWEET REVENGE.

My Sweet Revenge (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon