Chapter One

305 7 1
                                    

Chapter One

Venisse's POV

Lhyt.

Lhyt.

Lhyt.

Lhyt.

"I love you, Lhyt!"

"I love you, too, Kuya!"

Urrgh!

"Venisse, kawawa naman yung plastic cup oh. Maawa ka naman." Sabi ni Leah at bahagyang tinuro ang hinahawakan ko.

Napatingin naman ako sa kamay ko. Lasog-lasog na nga yung cup. Kaya pala malagkit. Tsk! Ugh. Ang lagkit. Tangna.

Nilibot ko ang paningin sa cafeteria. Shit, sana nantili nalang ako sa room at nagbasa. Ang iingay! I can hear their shitty laughs and shits. Is this what they do during breaktimes? Tss.

"Lhyt, nasa labas na ata sina Kuya Neil. Labas na tayo." Sabi ni Leah habang nakangisi pa sakin at sumubo ng lasagna.

Siya ang kasama ko simula fourth grade palang ako. Kaya I'm pretty 'close' to her. I didnt even realize not until now... paano ko ba siya naging kaibigan? She's loud and hyper. Well, the total opposite of me. Hindi ko naman siya pinapansin but sometimes, she annoys me. Pero alam ko rin naman sa sarili ko na may pinagsamahan na kami.

Tumaas ang kilay ko ng marinig ang school bell na malakas na nagring.

"Let's go..." sabi ko sabay tayo at lakad palabas.

Nakita ko namang nanlaki ang nga mata niya dahil susubo na sana siya pero umalis na ako. "Teka lang naman, Lhyt. Antayin mo naman ako!" Nasa labas na ako ng ipinalupot ni Leah ang kamay niya sa braso ko.

"Grabe ka naman maglakad, ang bilis!"

"Yeah..." don't really care, actually.

"Hmp." Sabi ni Leah habang nakapout.

Hindi naman ako ganito noon. Masayahin naman ako at palaging nakangiti. And... hyper. But everything changed when he died. Basta nagising nalang ako  na ganito na. Minsan nalang ako ngumiti at hindi na tumatawa. Hindi na hyper. Palaging tulala. Hindi na friendly. Palaging tahimik. Minsan nalang din namamansin.

Sabi nila cold daw ako. Palaging  emotionless ang mukha. Siguro, ganun nga ako. But I'm okay with it.

Sa gitna ng pag-iisip ko may apat na lalaking humarang sa dinadaanan namin.

"Lhyt, nabusog kaba?" tanong ni Kuya Jaren.

Tumango ako bilang sagot. Kahit na ang totoo hindi naman talaga ako kumain dahil wala akong gana.

"Lhyt, pasyal tayo mamaya. Sama ka ha?" alok na naman ni Kuya Neil na binalewala ko lang.

Nilagpasan ko sila. I'm not in the mood of talking.

"Kayo nalang.." walang emosyon kong sabi.

Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis at naglakad palayo. Sigurado akong nakasimangot na naman ang mga mukha nila ngayon.

Isang taon na akong GANITO. Hindi pa ba sila sanay? Tsk.

Diretcho ako sa room namin. Nang nasa upuan na ako banda, kumunot ang noo ko sa bulaklak sa arm pad ng upuan. Kinuha ko iyon at naglakad papunta sa trashbin ng room at walang dudang tipon ang mga walang kwentang bulaklak. Ni hindi ko man lang tinignan kng sinung nagbigay nun at nagiwan sa upuan ko. But I don't care..

My Sweet Revenge (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon