Chapter Five

179 5 2
                                    

Chapter Five

Venisse's POV

Ugh. Saturday morning. Ngayon ang araw na pupunta ako kina Tristan for that damn project. Nag-unat na ako at bumangon. I grabbed my towel then went inside my bathroom to take a bath. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako at bumaba to eat breakfast. Nasa hagdan palang ako, nakita ko na si Mommy na nakaupo sa harapan ng dinning table facing at her laptop, typing something. Pati ba naman sa harap ng pagkain, nagtatrabaho siya? Geez.

Umupo na ako at nagsimulang kumain ng breakfast when she suddenly talked. "Good morning Princess.." she said t hen smiled at me.

Sinulyapan ko siya tapos binalik ang atensyon ko sa pagkain. "Your all dressed-up, Dear. May lakad ka?" she said without looking at me and giving full attention to her laptop. "I'm going somewhere.." I said in a cold tone then continued eating. "Oh, really? And where would that be, Hon?" she said then stopped typing.

Napansin ko namang nakangiti siya na nakatingin sakin. I just ignored her question. "It's about academics.." yun lang ang sinabi ko at tumayo na. Akala niya siguro, lalabas ako kasama sina Leah. Kaya ang laki ng ngiti niya. Tssh.

Tapos na akong kumain kaya bumalik na ako sa kwarto at inayos ang mga kailangan kong dalhin sa bahay ni Tristan.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng kotse dala ang mga gamit na kakailanganin para sa project. "Sa Quantum Village tayo.." sabi ko sa driver. Tumango naman siya at nagsimulang magmaneho. Nang makarating na kami sa address nina Tristan, huminto kami sa gilid ng gate. Pinindot naman ng driver ko ang doorbell ng gate at tumunog ang intercom sa gilid nito.

"Good morning, this is the Walton Residence. Ano po ang kailangan niyo?" a girl's voice spoke in the intercom. "Ms. Venisse Hyun is here for Mr. Tristan Walton .." sabi ng driver ko sa intercom. "Okay, please come in.." the girl said at bumukas na ang gate. Pinaandar na ng driver ang kotse at hininto sa harapan ng main door ng Walton mansyon.

Their house is really big. Kasing laki na nang amin. Pumasok na ako ng main door at sinalubong naman ako ng isang katulong.

"Good morning Young lady.." sabi niya sabay bow as a sign of respect. "Tulog pa po si Young Master. Nasa kanyang kwarto pa po siya.. Hindi po kami allowed na gisingin siya pag weekends." sabi ng isang katulong ng nakayuko. Tumango nalang ako at nagpasama sa katulong kung saan ang kwarto ni Tristan.

That good for nothin' piece of shit. Sabi ko sa kanyang 8am ako pupunta sa bahay nila. Hanggang ngayon tulog pa?! Hell! at ako pa ang gigising sa unggoy na 'to. Damn him.

Nasa harap na kami ng isang dark brown na pintuan, which is probably the door of Tristan's room. "Maiwan ko na po kayo Young lady.." sabi ng katulong sabay bow at alis. Naiwan akong nakatayo sa harapan ng kwarto ni Walton.

*K N O C K K N O C K*

Wala namang sumagot sa loob ng kwarto. Lalaki ba talaga ang taong to? Parang babae kong matulog. Parang buntis lang eh. Tagal gumising. Tsk.

*K N O C K K N O C K !*

Mas nilakasan ko ang pagkatok. May narinig naman akong ungol at yapak ng mga paa papalapit sa pinto ng kwarto.

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Tristan na nakatayo sa harap ko na bagong gising at..*GULP* "What do you want?.." sabi niya sakin.

Mapupungay pa ang mga mata niya at yung boses niya halatang bagong gising. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Nagulat kasi ako eh. Ikaw kaya..HE'S DAMN NAKED! Well, nakasuot pa siya ng boxers, pero kahit na! Boxers lang ang suot niya at ni-kahit anong shirt, WALA! Nakikita ko si Kuya Rayven na ganyan, nakatabi ko pa sa pagtulog, but this is differrent. Hindi ko kaanu-ano si Tristan. That's my point!

My Sweet Revenge (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon