Chapter Six

121 4 1
                                    




Chapter Six

Venisse's POV

Nasa balcony ako ngayon sa bahay at katabi ko si Leah kasama sina Kuya Geoff, Jaren, Neil, at Justin. Binisita nila ako kanina pang 3pm. It's 4:25 now at nakaupo lang kami dito sa balcony. Mahangin naman ang peaceful ang atmosphere. Today is sunday kaya nandito sila.

Nakatitig lang ako sa view at niraramdam ang simoy ng hangin when suddenly Leah spoke, "Lhyt, okay ka lang?" tanong niya sabay lapag ng spoon sa center table. 

Kumakain kasi sila ng cake na bigay ni Manang Teresa kahapon. 

"..kanina ka pa tahimik eeh. Kausapin mo naman kami." sabi niya sakin. 

Tinignan ko lang siya at sina Kuya. Mukha silang nag-aalala. "I'm fine. Don't worry. May iniisip lang ako.." I said then stared outside. "Are you sure baby?" tanong ni Kuya Justin sabay lapit sakin. "Yeah.." sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin.

 Nakatitig lang ako sa labas. Bigla naman akong niyakap ni Kuya Justin sa likod kaya para akong natauhan. "Sabihin mo lang samin kung ano ang problema mo, baby. Nandito lang kami para sa 'yo." sabi ni Kuya Justin sa likod ko.

 Tumango nalang ako sabay tayo at lakad.

 "Baby, 'san ka pupunta?" rinig kong tanong ni Kuya Neil. "Magpapahangin lang ako.." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanila at diretchong naglakad papunta sa hagdan. "Gusto mo bang samahan ka namin, Baby?" tanong ni Kuya Geoff at inom ng juice sabay lapag nito sa center table. "No need. Gusto ko munang mapag-isa.." sabi ko sabay akyat sa hagdan tapos pasok sa kwarto. Nagbihis na ako at nilagay ang phone ko sa bulsa. 

Lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad sa paligid hanggang dalhin ako ng mga paa ko sa park ng village. Umupo naman ako sa swing at marahan itong inugoy. Napapikit tuloy ako at dinamdam ang hangin.

[ F L A S H B A C K ]

One year ago...

"Waaaaaaaahh! Kuyaaaaa! Bagalan mo namaaaaan! Mahuhulog ako eeeehh!" sigaw ko habang nakapikit. Nandito kami ngayon sa park nang village ni Kuya Rayven. Nasa swing ako at siya ang tumutulak sakin.

"Hahahahahahahaha! Hindi yan Babyy~.." sabi niya sabay tulak sakin ng sobrang lakas. "Kuyaaaa Rayven naman eeeeehh! Pag ako talaga nahuloooog!!" sigaw ko sa kanya. Narinig  ko naman siyang tumawa. "Wag kang mag-alala baby, nandito lang si Kuya para saluhin ka pag nahulog ka sa swing." sabi niya sabay ngiti. "..Kaya Baby, Kapiiitt!!" bigla niyang sigaw at tinulak ang swing  na sobrang lakas kaya napatili ako. "Kuyaaaaaaa!!" I screamed on the top of my lungs. 

Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya, nawala ang pagkakakapit ko sa swing kaya tumilapon ako. Buti nalang at nasalo niya ako kaya siya ang napahiga sa lupa at nakadagan ako sa kanya. "Araaaay.. Baby, okay ka lang?" tanong niya sakin. Tinignan ko naman siya at nagpout tapos hinampas sa dibdib. "Sabi ko kasing bagalan mo Kuya eh. Yan tuloy, tumilapon ako. Sinalo mo pa. Nasaktan ka pa tuloy.." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. 

"Okay lang ako, baby. Gusto mo ba ng vanilla and cookie crumble cake?." sabi niya sabay ngiti.  Tumango naman ako. Inalalayan niya naman akong tumayo at pinagpaggan ang dress ko. Ganun rin ang ginawa ko sa T-shirt at jeans niya. "Tara Kuya, uwi na tayooo.." sabi ko sa kanya sabay pout. "Oo naaaa. Baby ko talagaaa. Tara na ngaa." sabi niya sabay gulo ng buhok ko at akbay sakin.

 Naglakad na kami pauwi at pumasok na ng bahay. Dumiretcho kami sa kitchen at kinuha ang natitirang cake sa ref at nilantakan yun. Tinawanan niya pa nga ako eeh kasi daw para akong isang 5-year-old na bata kung kumain.  Nalalagyan kasi ng vanilla icing ang dress ko habang sumusubo ako. Eh sa ang sarap eehh. Di ko namamalayanng nalalagyan napala ng icing ang dress ko.

[ E N D]

Napangiti tuloy ako ng mapait sa alaalang yun. Kung hindi lang sana siya namatay. Siguro, tinutulak na niya ako ngayon sa swing at grabe na ang tili ko.

If only I could turn back time...

Napadilat naman ako ng mata matapos kung maalala ang pangyayaring yun. Pagdilat ko ng mata ko ay may nakita akong isang figure ng tao na nakatago sa likod ng puno. Naka-cap siya itim lahat ang suot. Hindi ko makita ng mukha niya dahil medyo malayo na siya sakin at medyo natatabunan ng dahon ng puno at sinag ng araw.

 Tatayo na sana ako para lapitan yun ng biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko naman ito mula sa bulsa at binuksan ang message.

From: +639*********

Receive: 5:15pm

--> Hi Venisse. Nakilala mo na pala si Tristan. Nalaman ko rin na galing ka sa kanila kahapon. Kumusta kayo?

Who the fuck owns the damn number?! Kumunot naman ang noo ko sa pagbasa ng message. Inangat ko ang tingin at tinignan ang puno kung saan may nakita akong lalaking nakaitim pero wala na siya dun. Nilibot ko ang tingin ko pero wala ng ibang tao sa park, ako lang.

Binalewala ko nalang yun at dinilete ang number inlcuding the message. Tumayo na ako at naglakad-lakad sa park. Habang naglalakad ako, napapansin kong may sumusunod sakin sa likod kaya nilingon ko ito. Paglingon ko, wala namang ibang nakasunod sakin. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Nakaramdam na ako ng pagod kaya napagdesisyunan ko ng umuwi. 

*Crack!*

Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong pagkabali ng maliit na piraso ng kahoy. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Nilibot ko ang tingin ko  at may naaninag na naman akong lalaking naka-cap at naka-all black na nakatago sa likod ng puno. Medyo malapit siya sakin pero hindi ko makita ang mukha niya dahil dumidilim na rin. Nagsimula akong humakbang papalapit sa puno kung saan nandun ang lalaki pero biglang...

*R I I I I I N G G R I I I I N N G!* 

..nagring ang phone ako. 

Kuya  Jaren calling...

Agad naman akong naglakad palayo at sinagot ang tawag.

"Hello.." sabi ko sa kabilang linya. [Baby, asan ka na ba? Dumidilim na. Umuwi ka na..] sabi ni Kuya Jaren sa kabilang linya. "I am. Pauwi na ako." sabi ko sabay lakad ng mas mabilis dahil malapit na ako sa Hyun Mansyon. [Good. Next time, wag ka masyadong magpagabi umuwi kapag mapapahangin ka Lhyt. Baka may mangyaring masama sayo..] sabi niya sa kabilang linya. "I will.." sabi ko sabay pasok sa loob ng gate. 

Pumasok na ako sa main door ng bahay at umakyat sa hagdan. [Baby, nasa condo kami ng Kuya Neil mo, gusto mo bang puntahan ka naman jan?] sabi ni Kuya sakin. Pinihit ko naman ang doornob ng kwarto ko at pumasok sabay higa sa kama. "No need kuya..I'm fine..." sabi ko in a cold tone. 

Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga bago magsalita. [Okay. Pero wag mong kalimutang kumain ng dinner bago matulog, baby..] palala ni Kuya Jaren sakin. "I will.." maikli kong sagot. [Sige baby, goodnight and sweet dreams. Iloveyou..] sabi niya. Pumikit naman ako bago siya sinagot. "Loveyoutoo.." sabi ko sabay end ng call.

Bumangon na ako at pumasok sa bathroom. Nagshower ako tapos nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto at kumain ng dinner. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto. 

Nilagay ko ang phone ko sa bulsa ng pajama ko at pumunta sa balcony ng kwarto ko. Nagpapahangin lang ako ng mapatingin ako sa labas ng mansyon. May naaninag na naman akong lalaking nakatayo sobrang layo sa kinauupuan ko. Bigla naman akong napatayo at tinitigan ang lalaking nakatayo na nakaharap sakin.

Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang message.

From: +639*********

Received: 6:40 pm

--> Good night Venisse. It was nice seeing you today..

Napakunot naman ang noo ko at napaangat ang tingin. Tinignan ko naman ang banda kung saan ko nakita ang lalaking nakatayo kanina pero wala nang tao dun.

This is damn creepy. Naaalibadbaran na ako dun sa lalaki. He's freaking me out. Who the hell is he?!

He's someone mysterious...

My Sweet Revenge (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon