MI : Thirteen

703 19 3
                                    





"Grabe namang aga nito Segovia.."

Nagmamaktol kong litanya habang panay ang hikab sa passenger's seat. Like alas singko pa lang ng umaga tapos nasa byahe na kami pauwi sa mansyon? Ano ito ako din mamamalengke ng gagamitin namin sa pagluluto mamaya? Tumingin naman sa akin saka ngumisi.

"May pupuntahan pa kasi muna tayo bago sa bahay." Napapikit naman ako sa narinig. Ang aga naman kasing date nito eh.

"Saan naman ang punta natin?" Tanong ko na hindi naman sinagot ni Randolf. Napabuntong hininga na lang tuloy ako saka tahimik na lang na tumingin sa labas nang bintana.

Doon ko biglang naaalala yung singsing na nakita ko sa isa sa mga drawer nya. Hindi kaya.. mabilis akong napatakip ng bibig saka pasimpleng tinignan si Randolf. Kung tama ang hinala ko ay dapat lang na makisama na lang ako sa plano nya.

Mahirap sirain ang isang proposal dahil baka di pa maganda ang ending noon.

Kaya pagdating namin sa bahay ay mabilis ang naging kilos ko. Syempre pa biglang nabuhay ang mga cells ko sa katawan dahil sa biglang pumasok sa isip ko.

Nagpaganda at talagang inayos ko din ang damit na suot ko. Dress iyon na hindi naman ganun kaikli. Basta sakto lang sa sexy kong katawan. Medyo natigilan pa nga si Randolf nang makita ako e. Kumunot saglit ang noo nya saka kakamot kamot sa batok na nagsalita.

"Yan suot mo?" Tanong nya sa akin. Nangunot na lang din ang noo ko saka tinignan ang itsura ko. Ok naman ah?

"Bakit pangit ba?" Alanganin kong tanong. Sabihin mong hindi Randolf dahil kung hindi naku sira na agad itong plano mo.

"Hindi naman. Nagulat lang ako kasi sobrang ganda mo. Baka naman mapaaway ako nyan mamaya kapag nakarating na tayo sa destinasyon natin ah." Napairap ako sa narinig. Nawala na din kasi yung kaba ko na baka di nya nagustuhan itong get up ko.

"Ewan ko saiyo. Halika na nga at baka maabutan pa tayo ng lolo. Kapag nakita noon na magkasama tayo ay baka kung ano pa ang itanong noon." Sabi ko saka mabilis na sumakay sa sasakyan nya. Ganun din naman ang ginawa nya saka pinaandar ang sasakyan nya. Nagulat pa nga ako nang ang isang kamay nya ay hinawakan ako habang yung isa naman ay nakahawak sa manibela.

"Randolf hindi mo naman kailangang gawin ito kung nahihirapan ka—" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng humarap sya sa akin at nakangiti. Fine nadistract ako sa kagwapuhan nya. Kainis ah.

"Alam mo Mela mula ng magkaayos na tayo pinangako ko sa sarili ko na lahat kakayanin ko basta para sa iyo." Inirapan ko lang naman sya dahil sa narinig. Lakas kasi magpakilig ng mokong eh. Hindi ko tuloy malaman kung ano na ba ang itsura ko ngayon sa harapan nya.

After I think two hours na byahe ay nakarating kami ng pampanga. Medyo nagtaka pa ako kasi naman wala akong matandaan na kakilala o kamag anak namin dito. Alam kong ganun din sila Randolf kaya naman di ko na napigilan ang tanungin sya.

"Why are we here?" Nung una ay hindi sya agad sumagot kaya naman napasimangot na lang ako. Nakailang tanong pa ako pero hindi na sya nagsalita basta panay lang ang lakad namin hanggang sa mapahinto kami sa isangkumpol ng mga tao.

"Nasabi kasi nung isang doktor sa hospital na may Hot Air Balloon Festival ngayong weekend so naisip kong dalhin ka dito. Have you ever ridden that before?" Turo nya sa isang hot air balloon habang tinatanong ako. Bilang hindi pa naman ako nakakasakay ay mabilis akong umiling.

"Hindi pa pero parang ayoko ding subukan." Tinaasan nya ako ng kilay kaya napatahimik ako. Naku Mela huwag mong sirain ang moment nyong dalawa please lang.

"And why is that? Don't you think it's fun?" Hindi ako risker at hindi ako mahilig sa adventure kaya sinabi ko iyon sa kanya. Takot din kaya ako sa heights.

Hear Me Out (DOREMI Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon