MI : Two

889 19 0
                                    


"Huwag mo namang ipahalata na hindi ka pinatulog ng sinabi ni Randolf."

Kamuntikan ko pang maibuga yung kakainom ko lang na tubig dahil sa biglang pagsulpot ng magaling kong pinsan. As usual nakaporma na naman sya dahil malamang may date na naman silang dalawa ng kaibigan kong si Dane.

Honestly speaking hindi pa din ako makapaniwala na sila na nga talaga at engage na ang mga loko. Hinarap ko sya ng nakasimangot na ikinangisi lang naman nya.

Kasalukuyan akong kumakain ng breakfast. Solo ko lang yung dining table dahil medyo tinanghali na ako ng gising. Linggo din kasi ngayon kaya wala akong pasok sa hospital so free time ko ngayon.

"Ano ba yung pinagsasabi mo jan." Tinaasan nya ako ng kilay saka umupo sa tabi ko. "Saka bakit nandito ka pa? By looking at you alam kong may lakad ka." Sabi ko sabay subo ng isang bacon.

"Oo kaso kakagising lang daw ni Dane so mag usap muna tayo. Ano na should I tell Lolo about your wedding? Ok lang naman sa amin kung double wedding tayo no." Nabitawan ko yung kutsarang hawak ko saka sya tinignan ng masama.

"Sino ba may sabi sa iyong pakakasalan ko yung ungas na iyon? After what he did? Well pwede din pero hindi ganun kadali. If he really wants me to marry him he should at least make some efforts." Napanganga naman ang pinsan ko. Naaliw tuloy ako kaya naman inabot ko ang phone ko saka sya kinuhanan ng picture. Isssend ko iyon kay Dane kapag may time ako.

"Inaya ka na ngang magpakasal tapos ano yun gusto mo pang ligawan ka nya?" Nagkibit balikat ako. Hindi naman kasi siguro masama kung ganun nga ang gustuhin ko di ba?

"Hindi ko naman kasi alam kung anong trip nyang kaibigan mo e. I mean inayawan nya ako noon tapos ngayon bibiglain nya ako sa kasal na iyon? Idadahilan pa nya na makakatulong iyon sa pamilya nila. Ano bang meron sa mga Segovia? Paano kasi kung joke lang pala yung sinabi nya?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Tommy kaya medyo kinabahan naman daw ako.

"Wala naman stable na naman ulit yung business nila e kaso last week alam ko inatake sa puso ang lolo nila." Since hindi ko alam kung paano ako magrereact e tumahimik na lang ako. "Medyo pressure lang silang magkakapatid kasi malapit na din birthday noon kaya good news lang ang tingin nilang makakagaan sa nararamdamang sakit ng lolo nila.

"Yun naman pala bakit kailangan pang magpakasal kaming dalawa? Don't get me wrong pero kasi parang hindi naman ata tama iyon. Sana kung mahal pa namin ang isat isa ok lang kaso paano kung hindi?"

"Alam ko ikaw mahal mo pa din sya.." Biglang sabi ni Tommy na nagpakunot ng noo ko. Well..

"Oh tapos? Nakakabasa ka na ngayon ng nararamdaman ng ibang tao porke inlove ka?" Ngumisi sya kaya nahampas ko sya sa balikat na ikinangiwi nya.

"Masakit iyon ah." Ungot nya habang nakasimangot na hinihimas yung braso nyang napalo ko. "Hindi ko naman kasi kailangang basahin yang nararamdaman mo kasi halata naman. I can see it by the way you look at him. And believe me Melania kita kong ganun din sya sa iyo." Ngumuso lang ako sa sinabi nya. Parang hindi naman kasi totoo.

"Tigilan mo nga ako Thomasito." Tumayo na ako at akmang aalis na ng magsalita pa din ang magaling kong pinsan.

"Alam ko na tatanggapin lang si Randolf ng pamilya nya kapag pinakasalan ka nya. You know how much they want you to be part of their family even before they think about the merging." Bumuntong hininga lang ako saka sya sinagot.

Hear Me Out (DOREMI Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon