Pareho kaming hindi nakagalaw agad ni Randolf dahil sa gulat. Oh well malamang na magisip na naman ng kung anu ano itong si Tita Sari tungkol sa aming dalawa. Syempre ngayon di na kami pwede magdeny kasi huling huli na kaming dalawa sa akto. Landi kasi nitong si Randolf eh. Ayan tuloy."H-hello T-tita." Fine di ko kayang magsalita ng maayos dahil na din sobrang kinakabahan ako ngayon. Kakaiba din kasi ang tingin ni Tita Sari sa aming dalawa eh. Promise tita wala pa kaming ginagawa na masama.
"What are you doing here mom?" Whoa normal agad ang tono ni Randolf o talagang di man lang sya kinabahan na nahuli kaming dalawa nang mommy nya na may ginagawang milagro? Tita Sari clears her throat before answering Randolf.
"Nothing much son. Namiss lang kita kaso mukhang ako hindi mo naman miss." Sabi ni Tita Sari sabay tingin sa akin. Kunwari nagtatampo ang tono nya pero halata naman na inaasar lang nya ang anak. Ako naman ay napayuko na lang dala ng hiya. Kung pwede nga lang na magtago ako sa likod ni Randolf pero hindi naman pwede kasi kita pa din ako. Hay naku Mela.
"Mom please don't make Mela feel uneasy dahil lang sa nakita mo kami. Para namang hindi nyo ginagawa iyon ni Dad kapag kayong dalawa lang." Halos lumuwa ang mga mata at mamula ang buong mukha ko sa sinabi ng magaling na si Randolf. Excuse me Randolf may virgin dito. Natawa naman yung mama nya sa sinabi ng anak nya. Gusto ko tuloy silang ikutan ng mata pareho. Like mother like son lang ang peg.
"Randolf nga! Huwag mo nga ibalik sa akin ang issue dahil kayo naman itong nakita ko na may ginagawang milagro. Hay naku bata ka nagkabalikan na pala kayong dalawa ni Mela di mo man lang sinasabi sa akin. Akala ko no more secrets na?" Parang timang itong si Tita Sari. Daig pa ang teenager na inaaway ng kapatid kung magsalita eh.
"We're on it mom. Ilang araw pa lang naman mula ng magkaayos kamong dalawa. Alangan ishare kaagad namin sa inyo? Eh di hindi na namin naenjoy yung moment naming dalawa?" Oo nga namam Tita Sari. May point ang anak mo dun infairness.
"Still dapat binigyan mo man lang ako ng hint. Kita mo nga wala akong kaalam alam at dire diretso lang ng pasok dito sa pad mo. Malay ko ba naman kasing nandito si Mela eh di nahuli ko pa kayong dalawa." Hindi ko alam pero feeling ko nasa isang trial ako at ako ang nasasakdal. Si Randolf ang attorney at si Tita Sari ang testigo.
"Fine pasensya na mom. Oh ngayon po alam nyo na. Baka po pwedeng quiet ka muna?" Tumango si Tita Sari saka nakangiting tumingin sa akin. Ako naman ay di malaman ang gagawin. Medyo napanatag din ako kahit papano sa reaksyon mula kay Tita Sari. Ibig sabihin na sya pa lang nakakaalam ng nakita nya. Ok na din iyon para sya lang ang hindi ko matitignan sa mata.
"K-kumain ka na po Tita?" Kaya mo yan Mela just relax and everything will be alright. Si Tita Sari lang yan na mommy ng boyfriend mo. "May tira pa po kami sa niluto ni Randolf kanina." Ngumisi sya sa akin kaya naman di ko mapigilan ang mapaiwas ng tingin. Tita naman eh.
"Relax Mela hindi ako nangangain." Sabi nya sabay tayo at diretso sa kitchen ni Randolf. Kumuha sya ng juice at saka uminom. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kasi di man lang namin sya inalok ni Randolf ng kahit ano mula nang dumating sya. "Actually kaya ako nandito ay dahil sasabihan ko itong si Randolf na pumunta sa makalawa sa bahay. Anniversary na kasi namin ni Reed." Nakangiti nyang sabi saka naglakad palapit sa aming dalawa na hindi pa din makagalaw hanggang ngayon. Si Tito Reed ang asawa ni Tita Sari na parents nitong si Randolf.
Napahawak ako kay Randolf after marinig iyon. Ewan ko ba at bigla akong nainggit. Naisip ko pa nga na kami kaya ni Randolf aabot sa ganun? We just got back together at wala pa naman pareho sa isip namin ang kasal pero hoping ako na sana tumagal din kami katulad ng mga magulang nya.
"Congrats Tita--"
"Hay naku Melania stop calling me Tita Sari ok? Sooner or later magiging mag asawa din kayong dalaw ang anak ko kaya dapat masanay ka na sa pagtawag sa akin ng mommy." Feeling ko ay namula na naman ang mukha dahil sa sinabi ng mommy ni Randolf. Wala kasing filter eh.
BINABASA MO ANG
Hear Me Out (DOREMI Series #3)
Short StoryHindi ako umaasang pakinggan mo ang paliwanag ko pero sana bago ka magalit sa akin eh alam mo ang dahilan ko kung bakit ko ginawa ang ginawa ko. - Melania Imperial