Chapter 16/*January devil*/

43 2 0
                                    

Chapter 16/*January devil*/


Point of view: January


January Rosales-- 16 years old; third year junior high. No particular interest aside from reading literary works and pestering a guy named EyZie. Uunahan ko na kayo bago nyo pa man masabi: I have a weak constitution... but I don't let it bother me. At magbibigay ako ng isang interesanteng kwento. . .

Sa harap ko ngayon, dalawang tao ang nakatayo.

Isang babaeng may mahabang kulot na buhok. May mahabang bangs na nakatabon sa mata nya at hanggang ngayon kine-claim nyang 'style' yun. Mas matangkad pa ako sa kanya pero alam kong kayang kaya nya akong ibalibag. Sya si Dearest Hirasawa pero dahil mukha syang isang malaking ball of fluff-- Furball ang tawag ko sa kanya.

At isang lalaking katabi nya naman na mahilig magsuot ng oversized long sleeved polo. Masama ang tingin sa'kin na tila gusto akong lamunin. Bihira sya makipag-eye contact pero once na tiningnan ka nya, parang manliliit ka. Minsan naiisip kong isa syang naglalakad na perfection--smart, good looking and humble... almost! Sya si EyZie... Andreane Zayn Santianes. Pero hindi alam ng buong school ang existence ng unang pangalan nya. Kung paano ko nalaman ang first name nya gayung kahit kailan ay hindi nya nagamit yun ay isang malaking secret. Nyehehe!

"Anong pumasok sa isipan mo at naisip mong lumipat sa dorm na 'to?!" Kahit galit, alam kong may kakaunting concern na nakahalo sa sigaw nya. "Balak mo ba talagang guluhin ako hanggang dito?!" O akala ko lang yun?

"Anrie, ayaw mo ba sa'kin?" Pinilit kong gawing tila naiiyak ang boses. "Ayaw no ba akong makasama kahit sa labas ng school?"

"Kailangan mo pa bang marinig ang sagot ko?"

"Sabi ko nga eh hindi, nyehehe!" Napakamot na lang ako ng ulo. Kapag alam nang talo, sumuko na. Napansin kong nakatingin sya sa bagahe sa aking tabi kaya sinimulan ko nang mag-explain. "Alam mo naman ang condition ko, 'di ba?" Napansin ko ang pag-iiba ng expression sa mukha nilang dalawa. Iniwas ni EyZie ang mga mata na kunwari bored sa susunod ko pang sasabihin samantalang pagtataka ang na kay Furball. "Nalipat ng trabaho si Papa sa South Korea. At dahil stressful para sa katawan ko ang bumiyahe papuntang ibang bansa, napilitan syang iwan ako rito at mag-dorm na lang. Ayokong mag-stay sa ibang dorm lalo na't alam kong walang kasama ang best friend kong si Anrie." In-emphasize ko ang petname na binuo ko mula sa first name ni EyZie na 'Andreane'.

Actually, hindi lahat ng sinabi ko tungkol sa paglipat ng dorm ay totoo, nyehehe! Nalipat nga si Papa ng trabaho at pwede naman akong sumama kaso lang... "Ayokong iwanan ka." Sinabi ko ng malakas ang karugtong sa iniisip. Bigla syang napatingin sa'kin. Nagkasalubungan ang mga tingin namin. At kapag nangyayari yun, kahit saglit, parang nakikita ko kung gaano kahina si EyZie-- kung gaano nya kagustong marinig mula sa'kin ang mga salitang yun.

"Psh, baliw ka Jan," sabi nya sabay patiuna papasok sa dorm, dala-dala ang mga gamit ko.

"Nyehehe! Success!" Sigaw ko naman sabay pasok na rin kasama ni Furball.

Ayokong iwanan ka. Hindi ko sinabi yun dahil lang sa alam kong gustong gustong naririnig ni EyZie, kundi para i-encourage ang sarili. Ayoko pang umalis. Marami pa akong dapat gawin. Wala pa sa kalahati ng bucket list ang nagagawa ko.

'Gawin mo lahat ng gusto mo habang kaya pa, pero kapag alam nang hindi na, tigil na.'

'Yan ang principle na ina-apply ko sa buhay. Alam kong hindi na kayang i-treat ang sakit ko kaya sumuko na akong magpagaling. Yun nga lang, sa halip na magkulong sa kwarto at ubusin ang mga araw sa paghihimutok, sinubukan ko na lang na gawin lahat ng gusto ko hangga't kaya pa. Mas masaya kung hanggang sa kabaong, ngiti ang nasa labi ko at ang mga tao sa nakasama ko, ang baliw at masayahing ako ang naaalala. As much as possible, ayoko sana akong iyakan, pagsasayang kasi ng tubig yun eh, nyehehe!

His Doll: Rejected DeparturesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt