Chapter 37 /*Things He Said*/

26 2 0
                                    

Chapter 37 /*Things He Said*/


Point of view: Dearest


"Ako lang ba o parang nag-aaway kayo ni Santianes?" Bulong ni Charlotte sa'kin habang nasa classroom kami ngayon at lunchbreak. Pinatawag ni Sir Alcantara si Owner kaya naiwan ako. Napansin siguro nya kaya nilapitan ako at kinausap ni Charlotte. "Parang wala yata kayong pansinan."

Nagbigay sya ng ngiting tila kinikilig. "Alam mo nang unang araw ni Santianes dito, alam nang isa sya sa magiging 'star' ng school na 'to. Pero lagi syang may 'spaced out' expression at bihira magsalita." Pagkukuwento nya kaya napalingon ako sa upuan ni Owner. "Kaya First prince ang tawag sa kanya ng student body ay dahil para syang crown prince na sophisticated at secluded na tila may sariling kaharian iaalay lang nya sa kanyang future queen! For a day, naging crush sya ng lahat ng girls dito. Yun ay bago nya pinakita ang rebellious side nya. Kaya naman!" Umupo sya sa desk ko. "Ngayong hindi ka nya pinapansin, disturbed ang mga nagshi-ship sa inyo!" Kahit pa kanina pa kwento ng kwento si Charlotte, wala ako sa huwisyong sumagot. Masyado akong disturbed para dito.

Simula kasi ng hapon na yun, naging cold ulit si Owner sa'kin. Kinakausap man ako, parang hindi na yun katulad ng dati na inaasar nya pa ako at kung anu-anong kamanyakan ang sinasabi. Ngayon parang nawalan na sya ng interest sa'kin at kakausapin lang ako kung kailangan.

Saka ko lang na-realize na nasaktan sya ng sobra no'ng araw na yun. Mukhang seryoso talaga sya kahit pa hindi sya sure kung anong nararamdaman. Pero kahit parehas kami ng nararamdaman, hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang sabihin sa kanya ang nararandaman lalo na't--

"Hoy, anong pinag-uusapan nyo dyan?" Biglang sumulpot mula sa kawalan. Nasa harap na pala namin si Owner at may dalang sandamakmak na sandwiches.

"Girls' talk of course, although ako lang ang nagsasalita," sagot ni Charlotte. Wala na ang dating takot nya kay Owner at nakakapagsabayan pa ng asaran dito. "Anyway, makipagbati ka na sa kanya. You heartless jerk, 'wag mong sirain ang fave OTP namin!" Bumalik na sya sa upuan nya nang hindi man lang nakakapag-response ni Owner sa sinabi nya.

"What the hell is she talking about again?" Binagsak ni Owner ang dala sa'kin matapos kumuha lang ng tatlo at bumalik na sa upuan nya.

"Owner..." Gusto kong mag-sorry ka sa kanya pero paano ko gagawin? "Pwede bang may puntahan tayo pagkatapos ng klase?"

"May practice ulit kami para sa F-Week; sa susunod na lang."

Napakagat ako ng labi nang marinig yun mula sa kanya. Parang ayaw nyang makasama ako nang kami lang dalawa. "Paano kung after nyong mag-perform?"

"Busy ako sa pag-aayos naman ng clubroom."

"Tulungan kita," sabi ko, umaasang maging daan 'to para makapagbati na kami. Pero mukhang kabaligtaran no'n ang mangyayari. "Mas magaling akong maglinis kaysa sa'yo."

"You don't really have to. You're not really part of the club so you're spared with the work," cold na sagot nya sa'kin. Pagkatapos nila akong alilain sa club, saka nya sasabihing hindi ako part no'n?! Nakakasama ng loob. "Just enjoy the rest of the week."

"How could you be so mean?!" Napalakas ang boses ko dahilan para magtinginan ang mga classmate namin sa'min. "Who are you to stop me from doing what I want?! I've waited for a long time just to be free then you're telling me this?! I HATE YOU!" Marahil dala ng sobrang frustration sa pag-ignore nya sa'kin nitong araw, nasigawan ko sya.

Hindi ko inaasahang titingnan nya ako na para bang may sinabi akong bagay na hindi ko dapat sabihin. Agad kong na-realize na hindi naman rason 'to para mainis ako. Ako nga ang dapat na mag-sorry sa kanya pero ako pa 'tong galit. Tila napahiya, napayuko na lang ako at tumakbo palabas ng classroom.

His Doll: Rejected DeparturesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora