Chapter 33 /*If only I could ask...*/

15 0 0
                                    

Chapter 33 /*If only I could ask...*/


Point of view: Dearest


Titig na titig sa'kin si Owner habang nagsusuot ako ng sapatos. Nasa lounge kaming dalawa at pinapanuod nya akong mag-ayos papasok ng school. May sinat pa rin sya kaya hindi ko pinapayagang pumasok pa. Sa totoo lang, malaking effort na nga para sa kanya ang bumangon at kulitin ako sa pamamatigan ng nakakatakot nyang tingin pero ginagawa nya pa rin dahil nag-aalala syang ma-bully na naman ako nila Quijano.

Wala pa rin si Jan. Hinihintay nyang ang kaibigan mismo ang bumalik at inusubukan ni Owner na hindi kulitin si Kuya Aries tungkol sa treatment nito.

Si Jayce naman, missing pa rin. Nag-aalala na nga ako sa kanya eh. Sana kung nasaan man sya, bumalik na sya kaagad. Nakaka-miss ang makumpleto kaming apat sa Literature club room.

"Owner, kaya ko na ang sarili ko!" Proud na sabi sa kanya. Minsan ko lang makitang mag-alala ang Owner kaya naman masaya ako. "Konting tiwala naman dyan oh."

"I am trusting you." Hininaan nya ang sunod na sinabi. "You can even throw five people empty handed." Ibinalik nya ang dating lakas ng boses. "You can physically do anything but... but..."

"Salamat sa concern, Owner." Kinapitan ko ang dalawang balikat nya sabay diin dito pababa para mapaupo sya. Para namang nagproprotesta nya akong tinitingnan gamit ang mga matang moss green. "After ng club activity, magbe-bake ako ng cookies para sa'yo." Ang cute ni Owner kapag para syang bata gaya nito.

"But I'm a better baker than you." Ah, hindi na pala sya cute.

"Eh 'di bibili na lang ako, hmph!"

"You should come back unharmed, okay?" Parang nangungusap ang mga mata nyang napakaamo. Nalala ko tuloy bigla nang una syang makilala. Nasisinagan ng araw ang mga mata nya no'n kaya naman tila naging mas light ang kulay nito habang nakikiusap na 'wag akong tumalon. Hindi naman talaga ako tatalon no'n kaya naman sobrang bumilis ang tibok ng puso ko at...

"O-o-opo Owner!" Madali kong kinuha ang bag at kumaripas ng takbo.

Hindi ko alam kung dahil sa may sakit sya or talagang bumabait sya pero lately, mas naging gentle si Owner sa'kin. Posible kayang...?

Malabo. Malabo!

Tanggap ko nang unrequited ang love na meron ako. Isa pa, kung gusto na rin ako ng Owner, hindi ba dapat parang mas magiging submissive sya? Gaya ng ginawa nya kay Quijano dati?

Si Owner... sunud-sunuran kay Quijano.... Ang maisip na naging gano'n sya sa ibang babae... nakaka...selos din pala?

Napatampal ako ng magkabilang pisngi.

Okay lang 'yan Dearest. Ikaw ang nasa tabi nya ngayon. Sa'yo sya nagko-confide kaya ang kailangan mo lang gawin ang iiwas sya sa masasamang babae.

Napatampal ulit ako ng magkabilang pisngi. Mas malakas lang this time.

Dearest, nagiging possesive ka na! Bad Me! Bad!

"Looks like you're alone today, Li'l Witch," bati sa'kin ni... Quijano. Napalayo ako sa kanya on instinct. Alam kong gulo ang dala nya pero mas malala ata ngayon ang nararamdaman sa kanya. Sa mga mata nyang conceited, kitang kita ko ang kakaibang mischief. May plinaplano syang masama. "Scared without the Prince?"

"I'm not scared. There's nothing to be afraid of." Na-sample-an mo man ako ng pambu-bully mo noon, sisiguraduhin kong kung mauulit man yun, hindi na ako papaapi basta-basta. "Bring it on! Hindi ako papatalo sa'yo."

His Doll: Rejected DeparturesWhere stories live. Discover now