Chapter 3
Tamiya Aiezah's POV
I decided to go home after I had my breakfast in Victor's place. Dapat nga ay didiretso na ako sa opisina kaso nakalimutan ko na hindi pa pala ako nakakapagpalit ng suot ko. Wala kasi akong nadalang damit dahil biglaan lang naman yung pagpunta ko sa penthouse ni Victor.
Pagkadating ko sa mansion ay sinalubong agad ako ni Nanny Lucing, ang nag-alaga sa amin ni Kuya Dale noong bata pa kami at ang mayordoma ng mansion namin. Para na din siya ang tumatayong second mom namin ni kuya noong mga panahong subsob pa sa trabaho yung parents namin.
"Oh iha nandito ka na pala. Bakit hindi ka dito umuwi kagabi? San ka na naman nanggaling?" bungad niya kaagad sa akin. Ito ang ayaw ko kapag hindi ako nakakauwi e. Puro tanong at sermon ang aabutan ko lalo na kay Kuya Dale. Pano ba naman talo pa niya parents namin kung pagalitan at sermunan niya ako.
"Nakitulog po ulit ako kila Victor kasi he invited me to go there yesterday to party." palusot ko. Hindi naman nila ako pinagbabawalan na makitulog kila Victor dahil kilala na nila ito at malaki ang tiwala nila dito na wala itong gagawing hindi maganda sa akin.
"Ah ganun ba. Alalang-alala kasi sayo ang Kuya Dale mo, di ka man lang daw nag text. O siya puntahan mo na sila doon sa loob at marami pa akong gagawin." ani niya at umalis na para puntahan ang kaniyang naiwang trabaho.
Napagpasiyahan kong pumunta sa kusina at doon ko nakita sila mom na kumakain ng umagahan.
Nang makita ako ni Kuya Dale ay agad niya akong tinignan ng masama. Tss. Papagalitan na naman ako nito.
"Goodmorning?" nagaalinlangan kong bati sa kanila.
"Goodmorning my princess. Halika at saluhan mo kami." nakangiting bati ni mom. Aba mukhang good mood na good mood ngayon si mom ah. Mukhang wala lang sa kanya na ngayon lang ako umuwi. Anyare?
"I already had my breakfast mom. I'll just go upstairs to change." nakangiti ko ding saad. Nakapagtataka lang at hindi siya nagalit sa akin dahil hindi ako umuwi kagabi, pati na din si dad. Wagas pa naman kung mag-alala yang mga yan pag di ako nakakauwi. Nakakapanibago.
"Wait iha. How's the party pala? Nag enjoy ka naman ba?" anong party pinagsasabi ni mom? I didn't attended any party yesterday.
"What party?" naguguluhang tanong ko.
"The party last night that Lance threw. You even slept there right? He texted me last night at pinapaalam ka niya sa akin na dun ka nga daw matutulog dahil hindi pa natatapos ang party at gagabihin ka na masyado kung sakali " Huh? Oh, I should talk to Victor later maybe siya ang pasimuno nito.
"Oh that? Yeah it was fun." sinakyan ko na lang yung mga pinagsasasabi ni Victor kay mom para hindi ako mabuking na uminom lang naman ako kagabi.
Kaya naman pala hindi sila nagtataka at nagtatanong kung saan ako galing at bakit hindi ako umuwi kagabi dahil sa sinabi ni Victor na party kuno. Buti na lang nagpalusot agad si Victor sa kanila.
"That's good. Mukhang nagkakamabutihan na kayo anak ni Victor ah." sabi naman ni dad. What? Ano daw? Si Victor at ako? Eww lang ah. Alam kong maganda ko at gwapo siya pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
"He's just a good friend of mine dad." sagot ko naman. Daming alam ni dad, kung ano ano pinagsasabi.
"Why? Victor is a great guy, you two could be perfect together." argh, he always like to bring up this topic. And I hate it. I really hate it. Kahit na alam kong sinasabi niya lang ito para tuluyan na kong makamove on sa ex ko pero hindi ko pa rin magawang hindi mainis dahil sa pinagsasabi niya. Dahil sa tuwing napaguusapan namin 'to ay lalo ko lang naalala yung bwiset na lalaking yun imbes na makapagmove on.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex Is Back ( On-going )
RomansaHe is RACE IVERSON SOLIVEN, a multi-billionaire man who doesn't know what to do with his life after he left the woman he loves for the sake of his grandma's order. Once he get back, he'll do anything to make her fall for him again. TAMIYA AIEZAH V...