Part 1: A Smile In Your Heart

29 2 0
                                    

Olivia's POV~
Nararamdaman ko ngayon ang pag haplos ng malamig na simoy ng hangin sa aking mga pisngi.
Payapa ang buong paligid at tanging mga awit ng ibon ang aking naririnig.

Dala-dala ko ang aking camera ngayon kaya napagpasyahan kong kumuha ng mga litrato sa aking paligid.

Actually nasa sementeryo ako ngayon ..hehe..natatawa nalang ako sa sarili ko kung bakit ba naisipan ko pang kumuha ng mga litrato dito pero sayang naman kasi ang view kaya go na ako dito.

Naglakad lakad ako hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa puntod ng aking mga magulang.

Galing na ako dito kanina at napansin kong may nawawala..

"Tteka! Nass..sasa...an na ang mga bulaklak nadala ko?"

Tiningnan ko ang aking buong paligid ngunit wala naman akong ibang nakita.

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko at nakaramdam ako ng kunting takot.

"H..hi..hindi naman siguro ako minumulto?.."

Haay! Napaka paranoid ko talaga..sinindihan ko nalang ulit ang mga kandila na namatay dahil sa malakas na pag ihip ng hangin.

Tiningnan ko ulit ang aking paligid at napahinga ako ng maluwag ng makita ko ang isang ginang na naka pula na nag wawalis sa gilid. Naisip ko na baka siya ang nag ligpit ng mga bulaklak. Ah! Oo, nga pala! May nakalimutan ako...binuksan ko ang dala kong sling bag at kinuha ang isang box ng ube flavor na hopia.

Nilapitan ko ang babaeng nagwawalis at iniabot sakanya ang box ng hopia. Napahinto siya sa pagwawalis at liningon ako. Binigyan nya ako ng ngiti at agad akong tinanong kung para saan ang inabot kung pagkain sa kanya.

"Para saan to iha?"

"Para po sa inyo yan...pasasalamat sa pag papanatili ng kalinisan sa mga puntod dito."

Nginitian nya ako at tinanggap ang box ng hopia.

"Maraming salamat din dito iha. Pag palain ka ng Diyos."

"Haha..okay lang po ...maliit na bagay lang po iyan. By the way..may itatanong po sana ako.."

"Ano yun iha?"

"Ahh..kayo po ba ang nagligpit ng mga puting bulaklak dun sa puntod na iyon?"Sabay turo ko sa direksyon ng himlayan ng aking mga magulang.

"Ahh..Oo, ako nga. Ililipat ko lang sana sa vase. Aksidenteng nabasag kasi ng anak ko yung vase ng puntod na iyon, kaya pinalitan ko nalang ng bago. Kamag anak nyo ba ang naka himlay doon? ...paumanhin iha."

"Ahh...ganun po ba. Okay lang po yun. Hindi na po sana kayo nag abala..."

"O, heto iha....inayos ko na ang bulaklak para mas magandang tingnan..." sabay abot sa akin ng vase.

"Maraming salamat po ulit..."at nagpatuloy ang babae sa pagwawalis.

Inilagay ko na ang vase sa center ng puntod ng aking mga magulang. Kaya pala wala akong vase na malagyan ng bulaklak kanina.

After 5 minutes napagpasyahan kong maglibot ulit sa sementeryo at kumuha ng mga litrato.

Napansin ko ang mga cadena de amor na mga bulaklak na tumubo sa isang poste ng ilaw ng sementeryo. Kinuhaan ko ito ng litrato .

Nag patuloy ako sa pagkuha ng mga litrato sa paligid at sa di kalayuan may nakita akong isang makisig na lalaki.

Well, well, well...gwapo naman talaga siya pero hanggang jan lang tayo. Hahah..

Maganda ang posisyon nya habang naka upo kaya kinunan ko siya ng litrato . Naka upo siya na parang modelo. Uy! Ang gandang subject ng taong toh!

Pero ng ini zoom- in ko ang mukha nya napansin kong ang lungkot ng ekspresyon ng mukha nya. Parang ang lalim ng iniisip nya. Sino kaya binibisita nya? Hmmm...wag na nga lang mapagkamalan pa kong stalker.

Hahaha! Pero cute parin siya....
Bakit kaya sya malungkot?..

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang tinitingnan ang kuha kong litrato ng misteryosong lalaki kanina ng bigla akong .....

Boom! "Araaaay!! ($#i+!)"

"Yung camera kooh!!!!"

A Smile In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon