Part 2: ( ASIYH) Meeting My Stalker

17 0 0
                                    

Liam's POV~
Hello Sarah...It's been 5 years without you...
Inilagay ko ang red roses sa puntod. Namatay ang girlfriend ko 5 years ago dahil sa sakit na cancer. Tahimik ngayon sa sementeryo, para akong nabibingi sa katahimikang aking naririnig.
Nag tirik ako ng dalawang kandila at umupo ako sa tabi ng puntod ng aking mahal.

"Alam mo Sar..mas dumami na ang mga customers ko sa shop! Marami na akong natatanggap na orders at may tatlong branches na ako ng SpearSweets..."
Alam kong para akong tanga sa ginagagawa ko ngayon. Kinakausap ko ang puntod ng girlfriend ko. Iisipin siguro ng makakakita sa akin na baliw na ako.
Pero wala naman akong paki kung anong sasabihin ng iba.

"I miss you very much Sar....I still love you.."

Biglang umihip ng malakas ang hangin kaya namatay ang mga itinirik kong kandila.

Sinindihan ko ito ulit at nag paalam na ako sa puntod ng mahal ko.

Naglakad na ako pa labas ng sementeryo. Huminto ako saglit at kinuha ang phone ko sa bulsa. I check my phone's time and suddenly ....Booom!

Ang sakit ng ulo ko!

"Araaaayy!!"

"Yung camera kooh!!"

Isang tinig ng babae. Pareho kaming napa dapa sa lupa at nahulog ang camera ng babae.

"Sorry, miss..are you alright?"
Nakita ko ang camera nya sa aking gilid kaya kinuha ko ito.

E aabot ko na sana sakanya yung camera nya ng makita ko ang picture ko dun. Naka on kasi ang cam nya ng nahulog.

Na weirdohan at na shock ako sa nakita ko kaya biglang pumasok sa utak ko na baka stalker ko yung babae.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Ini abot ko ang kamay ko sakanya pero tinitigan nya lamang ako.

Hindi nya tinanggap ang kamay ko at bumangon siya without my help. Inayos nya ang sarili nya at tiningnan nya ang camera nya na hawak ko. Hinablot nya ang camera nya sa kaliwang kamay ko.

Inirapan nya lamang ako at tumalikod sha sa akin.

"Excuse me miss? Pero ako yung nasa camera mo diba? Stalker ba kita?"

Dahil sa curiosity ko biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

Lumingon ang babae at lumapit siya sa akin.

"Bakit mukha ba akong stalker mo? .."

Namumula yung buong mukha nya at sumimangot siya sa akin.

Halatang inis na inis na siya.... Itinuro ko yung camera and I gave her a sarcastic smile.

"E bakit kinunan mo ako ng pictures?"

Nakita ko sa ekspresyon ng kanyang mukha na mas lalong na inis kaya bago pa siya mag salita ng kung ano ay nag lakad nlang ako papalayo sakanya at iniwan siya doon na nag iisa. Isinuot ko ang earphones ko at di nalang pinansin ang babae. Ayaw ko kasing makipag talo sa mga babae.

Pero infairness maganda sha. Hahaha...may pagka masungit nga lang... Mas maganda siguro siya pag ngumiti...

Nang makarating ako sa sasakyan ko ay agad akong pumasok sa drivers seat pero nagulat nlang ako ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko.

Yung babae kanina...
Galit na galit sha at humihingal pa yata. Mukhang hinabol talaga ako ng babaeng toh..

I opened my window and pagbukas ko ay agad nya akong sinigawan.

"Hoy! Bastos na lalaki! Ang lakas mong pag bintangan ako na stalker!!!! Walang hiya ka!!!...Arrrrgghhh! Ang kapal mo!!"

Galit na galit siya sa akin na kulang nlang ay sakalin nya ako.

Ipinakita nya yung camera nya at dinelete yung picture ko.

"Ooh!!! Tapos!! Deleted na po yung picture moh!! Arrrgh!"

Natawa ako sa ginawa nya ang cute nya kasi lalo pag naiinis siya.

"Uhmmnn...okay, sorry Miss if I mistakenly accused you... And for walking out kanina.. I'm just running out of time. Nagmamadali ako ngayon dahil may meeting pa akong e aattend..bye."
And I gave her a wink at agad kong isinirado ang window ng sasakyan.

Pina andar ko na ang makina ng aking sasakyan at liningon ko ulit ang babae. Naka simangot siya ngayon habang nakatitig sa akin.

At dahil 15 minutes nalang at ma llate na ako sa meeting ay isinantabi ko nalang muna ang galit na babae at umalis na sa lugar na iyon.

....

Na iwan mag isa si Oli doon at nakasimangot parin siya. Biglang nag ring ang phone nya at agad niyang sinagot ang tumatawag sakanya na si Thalea. First degree cousin nya at ang pinaka close rin nya itong kamag anak. Bestfriends ang turingan ng dalawa. Bata palang kasi ay sila na ang mag kasundo.

"Hello?... Thal?"

"Uy! Oliviaaa!!! Asaan ka naba? Kanina pa ako naghihintay sayo!!"

"Oh my!!! Hala! sorry talaga Thal..5 minutes! Darating ako jan. Hhehe bye!"

Agad na tinungo ni Oli ang lugar kung saan naka park ang sasakyan nya at nagmadaling umalis sa lugar.

.........



A Smile In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon