Babala 3

5 0 0
                                    

Leonard's Pov

"Mama! Bumaba na ang sales ng kompanya. Mabuti pang ibenta na lang natin." Kanina ko pa kinukombensi si mama na ibenta ang kompanya.

"Bakit naman nangyari yun? Isang buwan lang ako nawala tapos ganyan na agad mangyayari? Walang bentahang mangyayari!" Sagot ni donya paula

"Pero mama! Maniwala ka. Mayroong kakompetensya na tayo ngayon. Mga moderno ang kanilang kagamitan na imported pa abroad. Samantalang tayo mga gawang local lang."

"Simula ng itayo ko ang negosyong ito. Wala sa inisip ko na magpalit ng mga materyales. Mga pilipino tayo kaya dapat sariling atin ang tangkilikin."

"Iba na ang mga tao ngayon. Mga bagong henerasyon na. Mas madaming may gusto sa modern. Mama naman. Huwag mo ng ipilit ang malatradisyon na yun. Nauungusan na tayo"

"Wala na tayong paguusapan pa! Aalis na ko."

Umalis na nga ang donya at naiwan si Leonard.

Si Leonard ang panganay sa dalawang magkapatid. Sya ang COO ng kompanya ngayon. At ang mama nya ang CEO. Hanggang hindi pa namamatay ang donya ay hindi pa mapapasakanya ang yaman.

Ang naisip nyang plano ay ibenta ang 25% shares nya at bilihin naman ang shares ng iba sa mababang halaga. Nasa 37 % din yun kaya kapag nabili nya ang lahat ay magkasing laki na din sila ng ina sa shares.

Donya paula- 38% Buyer- 25% Leonard- 37%

Joana's Pov

"Iyang ama mo, akala ba nya hindi ko alam ang kaniyang mga plano. Gusto nyang angkinin ang aking kompanya pero kahit anong gawin nya hindi yun mapapasakanya."

Nakasakay kami ng Mamu sa kotse nya.

Ako nga pala si Joana Padua ang pinakapaborito ni Mamu sa kanyang mga apo. Wala akong pakialam kong ano ang sasabihib ng mga pinsan ko, basta gagawa ako ng mga bagay na makakaplease kay mamu.

Wala akong gusto sa yaman nya. Kaya ko lang naman ito ginagawa ay para tanggapin nya ang mama ko. Anak kasi sa labas ang mommy ko, mahirap din sya. Kaya ng magpakasal sila ng daddy ay itinakwil na ng mamu si daddy. Ang posisyon sa kompanya ay sariling sikap ng ama.

Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni mamu. Baka magkasagutan pa kami.

"Ikaw! Para may pakinabang ka! Makipagkita ka sa anak ni mr. Montesour. Mayaman ang pamilyang yun. Magagaling din sa paghawak ng negosyo. Kung mawala man ako ay tiwala na ko na mapunta sa kanila ang kompanya at hindi sa tatay mo."

"Opo! Mamu :)" lahat ng hilingin ni mamu ay sinusunod ko. Kaya kahit pagpapakasal sa hindi ko mahal ay gagawin ko.

*SCRaeeeeeetch*

Napasubsob kami ni mamu sa harapan ng sasakyan. Biglaan kasing nagpreno si manong.

"Manong ano pong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.

"Maam, may nabunggo po ata ako."

"Ano pang tinatanga mo? Ipaandar mo na yan. Hayaan mo kong may nabunggo o wala." Napatingin naman ako kay lola.

Wala syang pakialam kong nakabunggo kami o hindi? Paano kapag bata pala yun? Edi nakapatay na pala kami?

"Pero mamu... Paano kapag...."

"Manahimik ka! Kung gusto mong lumabas ay gawin mo. Pero kapag ginawa mo yun ay sisiguraduhin ko sayong itatakwil na kitang apo!"

"Ha? Ahmmmm....mmmm....Manong tara na po" Hindi na ko nangatwiran pa.

'Sana walang nasagasaan!'

Ella's Pov

Hindi ko maigalaw ang aking kamay.

Ang mata ko hindi ko din mabuksan.

Napakabilis ng lahat. Basta ang alam ko may paparating na sasakyan tapos.....

*BOGGGSH*

Tumilapon sa gilid ng kalsada ang dalagitang si Ella.
Walang nakakaalam kong madadala pa sya sa hospital dahil na hit and run sya.

Mas lalo pang madagdagan ang galit nya kay Donya Paula kapag nalaman nyang ito ang nag mamayari ng sasakyang nakabundol sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Babala ni BabaluTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon