Babala 1

15 0 0
                                    

PAULA'S POV

"Ang tanga nyo naman! Hindi ba kayo tinuruan ng mga nanay nyo na maglampaso? Mga utak biya talaga. .... Magsilayas na nga kayo harap ko..... Layas bilis!!"

Nagsialisan naman ang mga katulong. Araw araw ganito ang scene sa mansyon ng donya. Araw araw din na madaming napapalayas at umiiyak na katulong. Sino ba naman ang magtyatyaga sa matapobreng mapangmata na matandang iyon? Sya ang bagong MMM sabi nga ng mga katulong.

"Hindi ka nararapat sa mansyon KO napakabobo mo. Lumayas ka na. Magdali!"

Sigaw ng matanda sa dalagang si Ella.

"Patawad po donya! Hindi na mauulit"

Nakaluhod na saad nito.

"Wala ng second chance para sa mga mahihirap. Pwee! Nakakasuka pa ang amoy mo. Dinikit mo pa sa balat ko ang marumi mong kamay."

Dinuraan ng donya sa ulo ang dalaga at inilayo ang sarili sa dalaga.

"Donya! Maawa kayo. Ako na lang ang pagaasa ng bayan! Huhuhu!"

Pagmamakaawa pa rin nito. Nagsidatingan na rin ang iba pang tsismosang katulong. Sila ay mangiyak ngiyak sa nangyayari.

"Napakabobo mo talaga, Dukha. Hindi ka makaintindi. Hala sige! Buhatin sya at ilabas sa pamamahay ko!"

Tumalikod na ang donya tsaka binuka ang dalang pamaypay at nagastang naiinitan.

Binuhat naman ng mga bouncer ni Lola ang dalaga.

"Bitawan nyo ko. Bitaw!.... Aray. Nasasaktan ako."

Nasa labas na sila nf pintuan at basta na lang hinagis ang dalaga.

"Aray...huhuhu"

Nabalian ata ito sa paglalagpak.

"Huwag ka ng babalik dito."

Sabi ng pinakamalaking bouncer.

Tumayo na ang dalaga at naglakad palayo sa palasyo. Sumulyap ulit sya sa mansyon.

"Mamamatay ka din! At lahat ng ari-arian mo ay mapapasaakin. Matandang hukluban!"

Babala ni BabaluTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon