E Four

12 0 0
                                    

Napakapit ako sa likod ng ulo ko ng bigla itong sumakit. Ano bang nangyare kahapon rather kagabe? I don't remember anything daig ko pa ata ang naglasing.

'Don't be a liar! You don't remember anything? O baka you're just pretending not to remember those things you saw last night?' usig ng utak ko.

Sabe ko nga alam ko lahat ng nangyare kagabe, hindi lang talaga matanggap ng sarili ko na nasaksihan ko ang ganung kakilakilabot na eksena.

Napatakbo ako sa kusina saka kumuha ng tubig, inisang lagok ko ito. Sumagi na naman ulit sa isip ko yung nangyare kagabe.

Nanginginig na naman ang katawan ko kaya napaupo ako sa silya.

FLASHBACK..

Napatingin agad ako sa loob para lang magitla sa nasaksihan ko. Naramdaman ko nalang ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko. Naubos ata lahat ng dugo ko at feeling ko namumutla na ako ngayon.

Yung lalake...kinagat sa leeg yung babae na ngayon ay nasa bisig niya at wala ng buhay.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang lumalabas na tinig sa bibig ko. Napahikbi ako at napatakip sa bibig ko ng bigla ulit kinagat nung lalake sa leeg yung babae. Dinilaan pa nito yung dugo na nasa gilid ng bibig nito.

Labas na ngayon ang dalawang matutulis na pangil nito at bigla nalang hinawakan ang ulo nito, hindi ko alam kung anong nangyare dahil bigla nalang itong nawalan ng malay. Ginawa ko namang chance yun at kinuhaan ko sila ng litrato kahit nanginginig ang katawan ko.

Namalayan ko nalang na gumagapang na pala ako ng sobrang bilis para lang makalabas ng unit na iyon habang unti-unti ng nagsisituluan ulit ang luha ko.

END OF FLASHBACK...

Hanggang ngayon nakatatak pa sa isipan ko ang itsura niya, katulad ng pangil na yun ang nakita ko nung gabing nawala ako dahil sa gusto kong mapag-isa.

Ngayon ko lang napagtanto na Vampires really exist. Sigurado akong hindi lang basta panaginip lahat ng yun at mapapatunayan ko yun sa litratong nakuha ko kagabe.

Tumayo ako at bumalik ulit sa kwarto para kunin ang cellphone ko.

Dali-dali kong binuksan ang photo gallery at hinanap ang litratong kinuha ko.

I was shocked when i saw the picture. Sigurado akong malinaw ang kuha ko kagabe kahit nanginginig ako sa takot. Pero bakit ganito to ngayon? Bakit ang labo ng kuha? Malabo ang kuha ng dalawa especially the guy. Kung hindi ako nagkakamali walang deperensiya tong phone ko. Ewan ko ba pero yung kuha kasi ang liwanag ng part nung guy para siyang kumislap nalang at nasali lang ang girl. H*ck! Ang gulo na ng utak ko.

Arrrggghh! Ano bang klaseng halimaw yun?

Napairit ako dahil sa gulat ng tumunog ang doorbell sa pinto. Pinulot ko ang phone ko dahil nahulog ito.

Parang ayaw kong buksan ang pinto. Natatakot ako na baka yung halimaw ang bumungad sakin at ako naman ang kagatin sa leeg. Kaharap ko lang ang condo unit niya.

Sumikdo ng mabilis ang puso ko ng sunod-sunod na katok ang narinig ko.

Tok! Tok! Tok!

Ayokong buksan! Ayoko!

Ching tong tong ching tong ching...
Ching tong tong ching tong ching...

Napatingin naman ako sa phone ko. Wag kayong magtaka ringtone ko yan.

Papa Calling...

I press the green button.

“P-pa? B-bakit po?" nautal pa ako.

EriPmAvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon