REALITY

18 0 0
                                    

"Oh, Marie, sabay na tayo pag-labas." Sabi sa akin ng kaibigan kong si Jane. Uwian na at kakatapos lang ng Christmas Party naming HighSchool Students.

"Palagi naman." Tugon ko sa kaniya. Nagpaalam na kami sa aming adviser at umalis na.

Pagkadating namin sa labas ng building, bigla bigla akong kinulbit ni Jane. "Uy, tingin muna!" Halos isigaw niya na sa tenga ko iyon.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid hanggang nakita ko sya. Si Christian, ang aking 5 Year crush. Hindi ako nagiging cheesy pero, parang nagskip ng beat ang puso ko noong nagkatinginan kami. Bumabalik ang  kaligayahan ko noong tiningnan ko siya. Kasabay niyan ay ang pagbalik ng mga masasakit na memorya sa utak ko.

Mga araw na, hindi niya ako pinansin... mga araw na, inaavoid niya ako tuwing nakikita niya ako... lahat ng ginawa niyang nakakasakit bumalik sa isipan ko kaya't  inalis ko ang mga mata ko sa kanya.

Naramdaman kong tinitingnan ako ni Jane kaya't sinabi ko nalang sa kanyang "Oh, tara na!" Habang tumatawa. Nginitian na lamang ako ni Jane at nagsimula na kaming maglakad papunta sa gate.

Dumating kami sa gate at nakita kong naroon si Christian, mukhang may hinihintay. Hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad hanggang sa malapit ko na siyang lagpasan. Bigla namang nagsalita si Christian, "Ang tagal mo naman!" Habang nakangiti sa akin.

Tiningnan ko siya habang litong lito akong nagiisip na 'Ako ba kausap nito? Baka may nasa likod ko lang. Eh nakatingin siya sakin, baka nga ako! Haysss wag ka nang umasa Marie at masasaktan ka ulit.' Habang nakikipagusap ako sa conscience ko, hindi ko na namalayang may inaabot na sa akin si Christian. Nagulat na lamang ako ng ibigay niya sa akin ang  dalawang regalong hawak niya. "A-akin ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo! Kanino pa ba?" Habang nakangiti. Ako naman gulat na gulat padin sa nangyayare. "H-ha? E-eh?! T-talaga?!" Pautal utal kong sabihin sa kaniya. "Oo nga! Kulit mo!" Tumawa siya at pinisil ang mga pisngi ko. Hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayare. Ikaw ba naman, maniniwala kang bibigyan ka ng gift ng Crush mo na ni isang beses hindi ka pinansin at Inunfriend ka pa sa FB for 5 years yun ha!

Kinuha niya ang kamay ko at hinatak paalis ng school. In normal circumstances, hindi ako agad agad na magpapahila. But... gulong gulo pa ang isipan ko at di ko na namalayan na nasa kotse na pala kami. Binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako. Nang makapasok na siya sa loob tiningnan niya ako muli at sinabing, "Oh, hindi mo pa ba bubuksan iyan?" "H-ha?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa siya at nagsalita "Yung bigay ko sayo oh. Di mo pa ba iyan bubuksan?"

Tiningnan ko ang mga regalong ibinigay niya sa akin. Binuksan ko ang una at nakita kong bracelet ito. Simple lang naman ang disenyo nito. Chain tapos nakaengrave ay "C♡M" at infinity sign.  Isinuot niya sa braso ko ang bracelet. "Nagsisimbolo ang infinity ng pagmamahal ko sayo, forever." Sabi niya habang nakangit. "Walang Forever." Tugon ko naman sa kanya ng mapait. Tumawa nalang siya at sinabing,"Buksan mo na yung isa."

Sinunod ko ang sinabi niya. Pagkabukas ko ng regalo ay sumalubong sa akin ay isang pin. Made of Gold ito na siguro ay pininturahan lamang para magmukhang gold. Ang disenyo nito ay malarosas, sa baba naman ay nakalagay ang pangalan ko. Tiningnan ko na lamang siya. Wala siyang sinabi at nagcontinue magdrive. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Sa bahay niyo, saan pa ba?" Sagot niya. Hindi na lamang ako umimik at pinrocess ko ang mga nangyare ngayon.

Biglang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Instinctively, inalis ko ito pero mahigpit ang hawak niya. Tiningnan ko na lamang si Christian, habang siya naman ay nakafocus lang sa daan ngunit kung hindi ako nagkakamali, mukhang nagsmirk siya. Hinayaan ko na lamang ang kamay niya at tumingin sa bintana.

Tumigil ang kotse at nakita kong nasa may cliff kami. "Bakit tayo nandito?" Tinanong ko sa kanya. "Basta... lumabas ka na lang magpahangin." Sinunod ko na lang ang sinabi niya at lumabas. Pagkalabas ko ay nakita kong kita pala galing dito sa cliff ang buong bayan. Hindi ko na lamang pinahalata na naaamaze ako.

Napansin kong tumabi sa akin si Christian. "Ang ganda diba?" "Oo." Tipid kong sagot sa kanya. From the corner of my eye, nakita ko siyang nag smile na parang may nakakatawa sa ginawa ko. Hindi ko nalang ulit ito pinansin at inenjoy ko nalang ang scenery.

Makalipas ng ilang minuto, hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko siya at pinabayaan ang kamay niyang hawakan ang akin. Nakasmile siya. "Marie, may gusto sana akong sabihin sa iyo." Sabi niya. "Ano yon?" Tanong ko naman. "Una muna, Patawarin mo sana ako sa lahat ng ginawa ko sa iyo for the past 5 years. Alam kong hindi ko na maibabalik ang nakaraan kaya't gusto kong magsimula tayo muli." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na humihingi ng patawad.  Magsasalita sana ako nang magsalita ulit siya.

"Pangalawa, gusto kong manligaw sayo. Nakausap ko na ang magulang mo. Pumayag sila na ligawan kita ng masinsinan. Kinwento ko na din sa kanila ang mga pinaggagagawa ko sayo noon. Akala ko nga magagalit sila pero, natuwa pa sila kasi naging honest daw ako sa kanila at hindi pinauna ang pride ko. Alam kong hindi ka agad agad na papayag na ligawan kita. Kaya nga gusto kong magsimula tayo. Friends na muna hanggang sa sabihin mo na pwede na akong manligaw sayo. Hihintayin kita. Hindi na ako magpropromise kasi promises are made to be broken diba? Sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo. At para sa akin, ikaw na ang magiging last ko. Oo, cheesy pero yun talaga ang nararamdaman ko sayo." Halos umiyak na ako sa sinasabi niya. Alam kong hindi ito worth it sa pagiyak pero natouch ako sa sinabi niya. I just can't control my feelings. All of my feelings for him are coming back.

Bigla kong naramdaman ang kamay niya sa pisngi ko. Pinunasan niya ang luhang nakawala. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya pabalik. "Third and the last, Marie, Maha-" Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi kadahilanan sa aking pagkabigla sa dumating na sakit sa may dib dib ko.

May naririnig akong sumisigaw at nakita kong ako pala iyon. Nakita ko si Christian sa tabi ko, tinatanong kung anong problema. Bumagsak ako sa sakit. Buti nalang at sinalo ako ni Christian. Tiningnan ko ulit si Christian at nakita kong umiiyak na siya. Nagpapanic na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. He cradled me to his chest while screaming for help.

Umiiyak padin ako sa sakit. Hindi ko na nakayang sumigaw pa. I'm getting trouble of breathing. At mukhang nakita ni Christian ito. Tinawag niya ang pangalan ko ng paulit ulit. Palakas ng palakas. "Marie! Marie! Don't sleep, okay?! Help's on the way. Please, Marie! Don't close your eyes. Please! Don't leave me! Marie? Marie! Marie! Marie! Mar-"
-------------------------------------~~~~~~~~~

REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon