REALITY

8 2 0
                                    

Hindi ko na narinig pa ang boses niya at bigla kong minulat ang mga mata ko. "Marie! Gising na!"sigaw ng nanay ko.... so panaginip lang pala iyon... palagi naman... basa nanaman ang unan ko. Ano ba yan... paulit ulit nalang... tiningnan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang litrato naming dalawa... ahh... 2 years na pala ang nakaraan... kaya pala nagkapanaginip ako ng ganoon... tiningnan ko ang braso ko at nakita ang bracelet na ibinigay niya sa akin bago nangyare yung aksidente.

Akala ko magigising ako at makikitang nasa tabihan parin kita. Akala ko makikita pa kitang nakangiti sa akin at bagong gising ang buhok.... pero alam kong hindi na iyon mangyayare... 'Christian, nakikita mo ba ako? Hindi ko na nasabi sa iyo na mahal kita. Mahal pa din kita. Sana okay ka lang diyan. Ah, nga pala, Happy Anniversary.... at Happy Death Anniversary din... '  natandaan ko ang nangyare... hindi pala panaginip ang tawag doon... It was more like a memory... the events were real...

Ang sunod sana noon ay idadala niya ako sa ospital... sa sobrang pagpanic niya at pagtingin palagi sa akin ay hindi niya namalayan ang paparating na truck. Last second na niya nakita iyon... he swerved the car but it resulted to us rolling down the hill. At those moments, he reached out for me and hugged me tight. I couldn't do anything but cry and hold onto him.  The car stopped rolling but we were stuck inside. I couldn't feel my legs. He tried banging the door open but it was of no use. I tried calling out for help. Buti nalang at bumalik ang may ari ng truck at tiningnan kung buhay pa kami. Tumawag siya ng ambulansya at umalis upang humanap ng mga taong pwedeng tumulong pa. After 5 minutes, my chest began to hurt again. Napansin ito ni Christian at he held me again for the longest time.

Dumating na ang ambulansya at dumating na kami sa ospital. Aware pa ako sa mga nangyayare noon. Nawalan na lang ako ng malay ng isursurgery na kami ni Christian. Huli kong nakita ay si Christian na nakatingin sa akin. 

Nagising nalang ako nang naiyak ang mga magulang ko. Tinanong ko agad kung nasaan si Christian. Sinabi nilang wala na siya. Hindi ako makapaniwala dahil ako ang mas madaming natamo na injury. Imposibleng mangyare iyon. Umiiyak na ako noon.

"It's not because of the injuries he received that he died Marie, namatay siya para sayo. Marie, mamamatay ka na sana. You needed heart surgery stat. Sinabi ng doctor iyon makalipas ng 1 linggo na tulog ka  Gising na si Christian noon. Sinabi din ng doktor na wala silang available na donor... narinig iyon ni Christian kaya't nagvolunteer siya. Anak, he sacrificed his life for yours. I asked him why he was doing this. He answered "It's because I love her po. I don't want to live in a world na wala siya. Ito na rin po siguro ang chance na magrepent sa mga nagawa kong mali sa kaniya. Gagawin ko po ang lahat para lang maging masaya siya at makitang nakangiti muli siya. And if it means me dying, then so be it." Wala na akong magawa doon anak. Pilit ko siyang pigilan pero nagpursigi parin siya. Sa huli pumayag na din ako kasi kailangan na kailangan mo na daw magpaopera. Anak, he truly loved you... he gave up his own life just for you..." sinabi iyon ng mama ko. By that point humahagulgol na ako.

After that, hindi ako nakipagusap kanino man ng 1 taon... til now I'm still grieving.

Tiningnan ko ulit ang side ko. Kung saan siya umupo dati. Umalis ako sa bahay at tumungo sa cliff. Nagstay ako doon ng ilang oras. Humangin bigla at  I actually thought or felt that someone was hugging me. And I know instantly na si Christian iyon. Pumikit ako at naramdaman kong humalik siya sa noo ko... I stayed like that for a couple of minutes I just kept my eyes closed and imagined him sitting beside me, hugging me. But as soon as I open my eyes... Wala na...

Doon ko narealize na... dapat gumising na ako. Na dapat imulat ko na ang mga mata ko sa katotohanan. Na wala na siya. Na hindi ko na siya makikitang muli. Inaaccept ko na... at... dahil doon... gumising na ako to REALITY

REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon