Chapter2:Althea Guevarra

2.4K 80 0
                                    

"And once again welcome! Ako nga pala ang wedding organizer ng brother mo.I'm Althea Guevarra,"Sabi niya at nakipag shake hands sa akin

Then biglang nagpalakpakan ang mga taong nakapaligid sa amin kasama na rin ang mga magulang at kapatid ko including Sally and David.At napa tingin kami sa kanila then lumapit sa akin si Sally

"Wow Jade! Ikaw ang nakakuha ng bouquet! Baka ikaw na ang sumunod ah!"Tuwang- tuwa na sabi ni Sally

"Hi Althea!"Bati ni Sally kay Althea at nag beso

"Hello Sally,"Sabi naman ni Althea at ngumiti

"Magkakilala kayo?"Nagtatakang tanong ko

"Ah yes! She's a friend,"Sagot ni Sally

"Aba shobe!"Sabi ni Ahya Gab sa akin at tinapik ako sa braso

Sinabihan na kaming lahat ni Dada na pumunta sa loob ng simbahan para sa picture taking at lumapit siya sa amin ni Althea

"Iha,sumunod ka na dun mamaya,mukhang busy ka pa dyan eh,"Sabi sa akin ni Dada na pangiti ngiti pa

"Dada?!"-Ako

"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah,"Sabi niya at lumapit kay Althea

"Althea,sumunod na kayo dun sa loob mamaya,nandun yung mga parents mo,"Sabi ni Dada kay Althea

"Si Jade nalang po Tito Oscar kailangan ko na po kasing mauna dun sa venue kasi may aayusin pa po kami ng kasama ko eh.Pasensya na po at paki sabi na rin po kina mama and dad na mauuna kami sa venue,"-Althea

"Oh siya sige,magkita kita nalang tayo sa venue mamaya,"Sabi ni Dada at tinapik ang braso ni Althea then nauna na sa loob ng simbahan

"Uh nice meeting you Jade and kailangan ko na talagang umalis eh so magkita kita nalang tayo sa venue?"Tanong ni Althea and dun ko na realize na hawak ko pa pala ang kamay niya kaya agad kong kinuha ang kamay ko,baka kasi kung ano pa ang isipin niya eh

"Ahh sige kita nalang tayo dun,"Sabi ko

"Okay,see ya!"Paalam niya at umalis na siya

Habang tinitignan ko si Althea habang papalayo siyavay dumating si David

"Jade pasok ka na raw,magfa-family picture na kayo kasama si Pearl Sy-Tanchingco,your sister-in-law,"Sabi ni David habang nakangiti at napangiti na din ako dahil sa sinabi niya

"Yeah,finally may sister-in-law na ako,"Sabi ko at pumasok na kami sa simbahan

Althea's POV

Nagpaalam agad ako kay Jade kasi alam kong kanina pa ako hinihintay ni Batchi

Bago kasi kami umalis papunta sa may venue ay humingi na muna ako ng kahit na limang minuto dahil sabi ko may titignan lang ako and yess si Jade nga yun

That moment when I first saw her sabi ko sa sarili ko "This is what Love is! Siya na! She's the one!" Oo first time kong makita si Jade,pero yung feeling na slow mo ang lahat ng makita ko siya,at yung puso ko iba eh! Ibang iba ang naramdaman ko ng oras na yun di katulad noon.At oo first time ko nga siyang makita pero ano naman ang magagawa ko kung ang puso ko na ang tumibok?

Flashback

"Batchi ilipat mo na ang mga yan doon.Kukunin ko lang ang phone ko sa kotse,"Utos ko kay Batchi at nagsimula na akong maglakad

"Sige ako na ang bahala dito tsong.Para saan pa at nagkaroon ako ng muscles wahaha,"Biro naman ni Batchi at binuhat na niya ang sinabi ko

"Muscles daw,para ngang pwede kang tangayin ng hangin eh! At tsaka sobra oh ang lakas pakas ng hangin,sige na bilisan mo na diyan,"Sabi ko sakanya at pumunta na ako sa kotse

Kinuha ko na ang phone ko at pabalik na sana ako sa loob ng simbahan nang may dumating na isang kotse at lumabas dun si Sally tatawagin ko sana siya pero may isa pang babaeng lumabas mula sa kotse na siyang nakakuha agad ng atensiyon ko then everything went Slow Mo

"Wow-she's so bea--beautiful!"Utal ital kong sabi sa sarili ko

Nakita kong pumasok sila sa simbahan then sumunod na rin ako at nakita kong lumapit siya kay Gabriel then naisip kong baka siya nga ang younger sister ni Gab

Pagkatapos niyang makipagbeso kay Gab ay linapitan sila ni Paul and afterwards ay may dumating na isang lalake at lumapit sa kanila

Pinuntahan ko na muna si Batchi kasi baka kung ano pa ang sabihin nun dahil matagal akong nakabalik

"Tsong,antagal mo?"Tanong niya

"Ah sorry hinanap ko pa kasi ang phone ko eh di ko kasi agad nakita,"Pagdadahilan ko

"Batchi kilala mo yung younger sistwr nina Gab at Paul? Yung magandang babae dun oh,"Sabi ko sabay turo sa kinaroroonan nina Sally

"Ah si Jade ba? Uhm oo kilala ko siya,pinakilala siya sa akin ni Sally nung gumimik kami nina Paul

"Jade...Ang ganda ng pangalan niya pero mas maganda pa rin siya,"Bigla ko namang nasabi

"I smell something fishy--sabihin mo nga saakin,may gusto ka sakanya no? Ayieeee! Ayieeee!"Pangaasar sa akin ni Batchi at kinility pa ako

Habang kinikiliti ako ni Batchi ay hindi ko mapigilang matawa then may isang babaeng nakatingin sa amin

"Landeeee..."Sabi ng babae at umalis

"Tigilan mo kasi yan! Atsaka ano bang pinagsasabi mo sinabihan lang ng maganda eh gusto na agad,so pag ba sinabi kong kami na eh sasabihin mo na namang buntis siya? Sira ulo ka talaga.Alam mo kung nandito lang si Wila baka may pasa ka na,"Sabi ko kay Batchi

"Eh sorry di ko alam pero gusto mo parin siya,"Sabi ni Batchi at tumawa

"Suntukin kita eh! Halika na nga!"Sabi ko at hinila siya papunta sa mga kasama namin

Pagkatapos ng kasal ay sinabihan ako ni Batchi na pupunta raw kami sa venue

"Batchi bigyan mo na muna ako ng limang minuto may titignan lang ako saglit,"Paki-usap ko sakanya

"Sige na nga! Para narin sa ikakaunlad ng love life mong ewan,"Nakatawang sabi ni Batchi

"Baliw! May titignan lang ako noh!"Sabi ko at binato sakanya ng susi ng kotse

"Bilisan mo baka may maka-agaw pang iba!"Sigaw niya ulit at umalis na ako para hanapin si Jade

Pumunta ako sa harap ng simbahan (Sa likod kasi kami naka park) at nakita ko nga siya dun at lumapit ako ng konti sa kinaroroonan niya

Habang pilit niyang inaabot ang bouquet ay na out of balance siya kaya sinalo ko na siya agad bago pa siya matumba at yun nga,dun kami formally na nagkakilala :)

End of Flashback

"Tsong anlalim ata ng iniisip mo ah,si Jade ba?"Asar ni Batchi

"Sira! Magmaneho kana nga!"Sabi ko sakanya at hinampas ko siya

"Grabe ka na ah! Kanina ka pa!"Sabi niya at hinapas rin ako

At pagkatapos ng ilang mga minuto ay nakarating na kami sa venue

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon