Althea's POV
"Ma,alis na ho ako,"
"Ba't ang aga mo ata pumasok ngayon anak? May emergency ba?"Tanong ni Mama
"Ah wala ho ma,may pupuntahan lang ako,"Sabi ko sakanya
"Naku!Naku! Kaw anak ha!Kagagaling mo lang dun kahapon eh tsaka kasama mo pa siya nung isang gabi,"Sabi ni Mama at nanlaki mata ko sa sinabi niya
"Ma? Sinong nagsabi?"
"Aba! Hindi ako magpapatalo sa tatay mo dapat updated din ako! Oh sya lumakad kana at baka ma traffic ka pa.Paki kumusta mo na rin ako sa Tito at Tita mo,"Sabi ni Mama
"Kaw talaga ma,sige na ho aalis na po ako,"Paalam ko at hinalikan siya sa pisnge
Nakakatakot na talaga ang pamilya ko,nakasubaybay lagi grrrr...
Batchi's POV
*Rrrrriiiingggg*
"Tsong?Napatawag ka?"Tanong ko kay Althea habang papunta ako sa office
"Batchi kayo na muna ang bahala ni Wila dyan sa office,hindi na muna ako papasok ngayon,may pupuntahan kasi ako,"Sabi ni Althea
"Huwag kang mag-alala tsong kaming bahala dito.Enjoy lang kayo ni Jade,"Nakatawa kong sabi
"Grabe ka,porket di ako papasok si Jade na naman,"
"Bakit hindi ba? Eh siya lang naman yung taong binibigyan mo ng atensyon ngayon lalo na't alam mong may malaking chance ka sa kanya,"
Oo nakwento sa akin ni Althea ang mga pangyayari nung kasama niya si Jade :D
"Ewan ko sa inyo.Nakakatakot na kayong lahat parang di na ako safe grrr..sige na,kayo na ang bahala diyan,"Sabi niya
"Don't worry tsong kami nang bahala.Ingat ka,"
*End Call*
"Nasaan si Althea!!!???,"Nakakagulat na tanong ni Wila
"Wow! Di naman ako na inform na speaker kana pala ngayon! Ano ba! Ang aga-aga sumisigaw ka! Wala! Hindi siya papasok ngayon!"
"Pasensya na! Ang taas lang talaga ng energy ko ngayon! Bakit hindi raw siya papasok?,"Tanong ulit niya
"Ngayon lang mataas energy mo? Seryoso? Eh halos araw-araw at segu-segundo nga eh! May date sila ni Jade kaya ikaw, umayos ka kasi tayo muna ang bahala dito sa office,"
"Okay! Halika na!"Sabi niya at pumasok sa loob ng office
"Baka mamatay ako ng di oras.Juice colored!"Sabi ko sa sarili ko at sumunod na ako kay Wila
Jade's POV
"Gooooood mooooorrniiinngg!"Sigaw ko pagkaggising
Masaya lang talaga ako ngayon,lalo na't sariwa pa rin sa isip ko yung mga nangyari nung isang gabi na kasama ko si Althea
Bumangon na ako at pumunta sa banyo
Habang naliligo ako ay pakanta kanta pa ako
~I kissed a girl ang I liked it,the taste of her cherry chapstick~lalalala~~
Pagkatapos kong maligo at pababa na ako sa may hagdan ay narinig kong ang ingay nila sa sala
"Ma,ba't ang ingay niyo po?"Tanong ko habang inaayos ang buhok ko at pababa na
"Good morning Jade,"Bati ng isang pamilyar na boses at nung iangat ko ang ulo ako at tinignan ang bumati sa akin ay napanganga ako at nanlaki ang mata ko
BINABASA MO ANG
Love Wins
Romantik"Love always find ways for a story to win" Sadyang mapaglaro ang tadhana Nakilala mo siya, nakilala ka niya Minahal niyo ang isa't isa, perfect na sana kaso... May mga nakaraan lang talagang sadyang bumabalik sa iyong kasalukuyan. Magpapatinag ka ba...