Chapter 40

658 27 0
                                    


James' POV 

"Baby," nakita ko siya.. nakangiti siya saakin. Wala padin talagang nagbabago, ang ganda ganda padin niya.. "kamusta ka? Kamusta kayo ng baby natin? Okay lang ba kayo?" sunod sunod na tanong niya. 

"We're fine, don't worry. Kailan ka ba babalik? Gusto ka makita ng anak natin.." habang sinasabi ko yan ay biglaan siyang ngumiti ngunit yung ngiti niya parang malungkot na ngiti, "Hindi na ako kasi babalik, James. Hindi na pwede eh," agad naman nawala ang mga ngiti sa labi ko.. "Basta palagi mong tatandaan na nandito lang ako ah? Pag namimiss niyo ako, tingin lang kayo sa langit.. nandun ako, binabantayan kayo" sabi niya sabay tayo ang naglakad paalis. 

"Wait! Kayesha! I love you! Mahal na mahal kita!" napatigil siya sa paglalakad at humarap muli sakin at bumalik para yakapin ako.. "Mahal din kita, James. Pero lahat ng bagay, may dahilan. Siguro, kaya nawala ako kasi may mahahanap ka pa na iba na mas karapat dapat sayo. Hayaan mo, kung sakaling mangyari yun, hinding hindi ako magagalit sayo basta ba mamahalin at aalagaan niya na parang tunay niyang anak ang anak natin.. yun lang hinihiling ko. Wag mo papabayaan ang anak natin, ha? Pakisabi na kahit hindi niya nakita at nahahawakan ang mommy niya, nandito lang ako palagi at binabantayan siya.. Mahal na mahal ko siya at miss na miss ko na siya.." ngumiti ulit siya saakin, "Good bye, James. See you again soon, hindi pa ito ang huli nating pagkikita" and she walked away from me.. 

"Kayesha!" napasigaw ako at napabangon.. nananaginip lang pala ako.

Naramdaman ko naman na ang malamig na hangin kaya naman napaisip ako na baka tama nga si Kayesha, binabantayan lang niya kami and hindi siya umaalis sa tabi namin ng anak namin.

"I love you, mahal." bulong ko.. at muling umihip ang malamig na hangin.





Sorry short update, wala pa kasi akong tulog e! Pinilit lang ahaha! Last update for 2015! Follow me on Twitter @annaaabananaa_


I fell in love to a CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon