7- Sydney

4.7K 184 161
                                    

An: wag na kayong magtaka kung bakit ganito mag-isip si jhielsie dahil ganyan kaming mga fan girl. Haha.

-Jhielsie-

Mabilis na nagdaan ang mga araw at walang nagpangahas na ibring up ang kiss na nangyari. Kahit aminado akong madaldal ako, wala akong sinabi maski isang salita tungkol doon. Ganoon rin ang ginawa nila Chase, Joseff at Kiel. Si Hunter naman ang pinakakakaiba sa lahat dahil parang wala lang nangyari at ganoon niya pa rin ako pahirapan. Nakakastress sa bangs na 'yung taong dalawang beses ng nakahalik sa'yo ay siya rin palang boss mo. Kikiligin na sana ang ovaries ko kung hindi lang ganito kasama ang ugali ni Hunter. On the bright side, it's a fangirl's dream right? 'Yun bang mahalikan si bias? Kaya maswerte na rin ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Hunter sa labi ko pero agad rin naman siyang bumitaw nang pumasok ang house keeper. Takte! Anong nangyari?

"House keeping," sabi ng babae na nakauniform. Nag-umpisa na siyang maglinis.

Nataranta naman kaming lahat. Tumayo na ang tatlo at dali-daling lumabas sa suite ko.

"Jhiels! Una na kami!" paalam ni Chase.

"Bye, Jhiels!" sabi ni Joseff na muntik pang madapa.

Wala namang sinabi si Kiel at lumabas na. Mga walang hiya! Iiwan nila ako dito?

"Ah. Eh. Sir--"

"Uuwi na tayo mamaya." Tumalikod na siya sa akin at tinahak na ang pinto. Papalabas na siya nang lumingon ulit siya sa akin."You're a lousy kisser," sabi niya.

Hindi ko alam kung pero alam kong mas mapula pa ang pagmumukha ko sa kamatis. Lousy kisser? Gosh! Hindi ko alam kung mahihiya ako o kikiligin. Mababaliw na talaga ako. Masisi niyo ba ako? Wala akong experience sa ganyang kalaswaan! Ay, ang OA ko na.

**********

Limang araw na mula nang makauwi kami dito. Nandito na kami ngayon sa condo nila. Pagod na pagod na ako. Ang dami naming pinuntahan-may fan meet, mall show pati na rin album signing. Dati, isa ako sa mga fans na nagkakandarapa sa kanila pero heto ako ngayon at napromote na sa pagiging PA. Mamaya mapopromote na ako bilang asawa ni Hunter! Tiwala lang! Aja!

"Tama na 'yan. Nagde-daydream ka na naman kay Hunter," saway ni Joseff na kakaligo lang. Ang gwapo ng mokong sa white v-neck t-shirt niya at jersey shorts. Sanay na akong tinitingnan sila ng ganyan pero may epekto pa rin sa akin.

"Pake mo?" singhal ko sa kanya.

Sanay na rin siya na tinatarayan ko siya. Ganyan kami magbonding eh. Ang sweet, di ba?

"Kung kagwapuhan ko na lang kasi pinagpapantasyahan mo, edi mas maganda," sabi niya.

"Paglumipad na ang kalabaw, Seff, saka mangyayari 'yang sinasabi mo," sabi ni Chase.

Nakisawsaw na rin sa amin si Chase na kagagaling lang ng kwarto niya. Siya na talaga ang pinagpala. Black t-shirt at jersey shorts rin ang suot niya pero ang gwapo pa rin. Siguro kahit sako lang ang ipasuot sa Treasoned Blood, babagay pa rin sa kanila.

"Aww baby Chase. Are you jealous?" sabi ni Joseff with kindat effect pa.

"Ulol!" sigaw ni Chase sa kanya.

"Yiieh! Kinikilig ako sa inyo! Invite niyo ako sa kasal ah!" sabi ko.

"Kilabutan ka nga, Jhielsie!" saway ni Chase sa akin sabay gulo ng buhok ko. Napapansin kong lagi niyang ginagawa 'yan. Tapos ngingiti ng pamatay. Kaya nga sa christmas, suklay ang hihingin kong regalo sa kanya.

The Rockstar is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon