4- My Monster Boss

3K 163 29
                                    

-Jhielsie-

Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan. Kanina pa kami dito sa van. Ang tagal nga ng biyahe. Mukhang malayo layo 'tong pupuntahan namin.

"Chase, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Chase na katabi ko ngayon dito sa likod. Nasa harap naman si Jossef at Kiel at sa likod namin ni Chase si Hunter na mukhang tulog. May nakasaksak pa ngang earphone sa tenga.

"Sa province," simpleng sagot niya.

"Eh? Anong gagawin natin dun?" tanong ko.

"My club kasi na mag-oopen and the owner is a very close friend of ours. Did I tell you that we are going to the beach? Uulan ng chix dun. Can't wait," nakangising sabi ni Joseff.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Second day ko ngayon sa work ko bilang PA ng Treasoned Blood. At isa sa natutunan ko ay ang pagiging casanova ni Joseff Kang.

Tahimik lang sila Hunter at Kiel at sila Chase at Joseff lang ang nakakausap ko sa kanila. Si Chase ang pinakamabait at gentleman sa kanilang lahat. Napapansin ko rin na siya 'yung parang Assistant Leader ng banda. Although he teases me all the time because he knew my crush (Hunter). Si Joseff naman yung parang clown. Masarap siyang kausap kahit sa bawat topic naisisingit niya ang mga babae niya. Si Kiel naman ay sobrang tahimik. Hindi ko masabi kung suplado siya o kung anoman. Tahimik lang talaga siya at parang walang pakielam sa mundo at mukhang may sarili siyang planeta. Si Hunter my loves ang pinakamatindi sa lahat. Yup. PINAKAMATINDING mag-utos. Seryoso talaga siya na gawin akong alila. Kanina nga, pinagdala niya ako ng mga gamit nila na sobrang bigat kaya kinailangan kong magpabalik balik sa condo nila. At sa sobrang malas ko, nasira pa 'yung elevator. Nangalay na nga ko eh. Inalok ako ng tulong nila Joseff at Chase pero pinagsabihin sila ni Hunter na wag akong tulungan dahil trabaho ko daw 'to. Tama nga naman si Hunter pero umaangal naman ang katawan ko sa bigat ng mga inuutos niya. To think na second day ko palang to sa trabaho. Kakayanin ko kaya 'to sa buong summer?

"We're here," sabi ni Chase.

Huminto na ang van at nakikita ko na ang puting buhangin at bughaw na tubig. Napakarelaxing talaga dito.

"The sun," rining kong usal ni Kiel.

Eh? Anong problema sa araw? Magpapatan ako nito! Yes!

"The sun will be the sun," sabi naman ni Chase.

"Chill dude. We're safe," singit ni Joseff.

May problema ba sa araw? As far as I know, too much UV ray lang ang ang harm ng sun. Hindi ba sila aware na naimbento na ang sunblock?

"Natatakot ka bang umitim, Kiel?"

Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa sinabi ko. Pechay naman o! Kailan ko ba mapipigalan tong pagiging madaldal ko? Patawarin niyo na ako! Curious lang. Ang puti naman kasi ni Kiel. Baka natatakot siya na umitim? Baka may balak siyang maging model ng gluta? Tama naman di ba?

"Hehe. Joke lang. Gwapo ka pa rin naman kahit umitim ka ng konti," sabi ko.

Tumingin ako kila Chase at Joseff para humingi ng tulong pero alam niyo ba ang ginawa nila? Syempre hindi. Wala pa akong sinasabi eh. Tinawanan ba naman ako? At mukhang mas lalo pang nainis si Kiel sa akin.

"Sorry hehe," sabi ko at pilit na ngumiti.

"Tss."

Inirapan ko sila Chase at Joseff. Kalurkey! Asan sila ng kailangan ko sila?

Inirapan rin ako ni Kiel. Mukhang mapapagalitan na naman ako nito.

"Out."

Natahimik kaming lahat at napatingin kay Hunter. Gising na pala si Boss. Ang gwapo pa rin kahit parang hindi nadaanan ng suklay ang buhok niya. Kahit bagong gising poker face pa rin!

The Rockstar is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon