3- Ang Dakilang PA

3.5K 168 42
                                    

-Jhielsie-

"Ano!? Slave? Alipin?!"

Tinabunan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng bunganga ni Hana. Kinuwento ko lang naman sa kanya ang usapan ko sa Treasoned Blood. At heto nga siya ngayon. Makareact wagas.

"Hindi naman slave, Hana."

"Eh akala ko ba slave yung sinabi ni Hunter?"

"Hindi ako magpapaalipin Hana. PA nila ako! PA! Alam mo ba ang ibig sabihin nun?"

"Syempre no! PA stands for PERSONAL ALIPIN," proud na sabi niya.

"Hay naku. Personal Assistant, Hana! Hindi Personal Alipin!" sabi ko sabay bigay sa kanya ng malutong na batok.

"Oo na. Pero pareho lang yun, Jhielsie. Ang yaman yaman niyo tapos magpapaalila ka sa kanila. Aba! Mag isip ka ngang babae ka!"

"Napag-isipan ko na, Hana. Pumayag na nga ako eh."

"Ano!!? Shunga ka talagang babae ka! Ganun na ba talaga kalaki ang pagnanasa mo kay Hunter at pumayag ka dun?"

"Ganito kasi yun, kung magiging pesonal assistant nila ako, mapapatawad na nila ako sa ginawa ko sa concert nila kaya kailangan kong pumayag. Hindi naman siguro mahirap maging PA," paliwanag ko.

Tinaas ni Hana ang kamay niya na para bang sumurender na siya.

"Okay. Bahala ka. Sana lang hindi mo pagsisihan yan."

"Opo. Di bale babantayan ko si Chase para sayo," nakangising sabi ko

Namula naman si Hana sa sinabi ko. Sus. Kinikilig na 'yan. Makaarte pa kasi kanina eh.

"Kung tutuusin Hana, ang swerte ko kaya! Araw-araw kong makikita ang Treasoned Blood!"

"Oo na. Ikaw na."

"Inggit ka no? Bleeh!"

"Basta bantayan mo si Chase!"

"Haha. Oo na po."

******

Nandito na ako sa harap ng condo ng Treasoned Blood. Sabi sa akin ni Manager Whimsy, dumiretso daw ako dito para maglinis ng condo nila. Buti na lang at pinayagan na ako nila Mommy at Daddy sa trabaho kong 'to. Katakot takot na pangungumbinsi lang naman ang ginawa ko para mapapayag lang sila. Basta daw ngayong summer lang ako magiging PA at kapag pasukan na, magreresign na ako. Pumayag naman si Manager Whimsy sa set up ko kaya ok na.

Pinindot ko na ang pass code para makapasok ako sa condo ng Treasoned Blood.

Pagbukas ng pintuan, isang makalat na kwarto agad ang nadatnan ko. Jusko. Good luck sakin. Napansin ko rin na napakadilim ng unit nila. Inumpisahan ko na ang paglilinis sa kitchen, at sa sala. Syempre nahirapan ako dahil ang daming kalat.

Natapos ko na ang dapat linisin. Lumapit ako sa pinto ng isang kwarto. Pati kwarto lilinisan ko di ba? Kanino kayang kwarto to? Bakit ba kinakabahan ako?

Kumatok ako pero walang sumasagot. Hinawakan ko ang doorknob. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ang pinto. Oemgi. Kaya mo yan Jhiels! For the sake of the cleanliness! Kailangan mong gawin ang trabaho mo!

"Kung ako sayo, hindi ko gagawin yan."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Abot tenga ang ngiti niya. Mukhang kakagising niya lang dahil magulo pa ang buhok niya. Pero ang gwapo niya pa rin. Ngayon, alam ko na kung bakit crush siya ni Hana.

"Uhm. Chase-- este sir, kailangan ko pa po bang linisan yung mga rooms niyo?" sabi ko sabay turo sa pintuan.

Lumapit siya sa akin at mas lalo kong nakita ang mukha niya. Mas gwapo pa siya in person kaysa sa mga posters ko sa bahay. Matangkad din siya. Hangggang dibdib niya lang ako eh.  Maputi rin at ang ilong niya perfect ang angle. Waah!

The Rockstar is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon